Chapter 5

230 93 3
                                    

Crixx POV

"Ano yung Elite SS Class User?" Takang tanong nung babae hmm siguro si McKeila ito

"Seriously McKeila hindi sinabi sa inyo ni Airesh about Elite SS Class User? Hay naku walang kwenta talaga ang babaeng yun. Pasasalihin kayo dito sa Guild pero wala man lang sinabing history hayst lagot sa akin yun mamaya" sabi ko naman at tinaasan ako ng kilay nung nagtanong kanina na babae

"Im not McKeila, Ms. Crixx" sabi nung babae kaya napanganga ako. Hindi siya si McKeila? Mukang nagkamali ako. Dapat pala nagtanong ako kung sino sila lagot napahiya ako.

Buti na lang walang ibang Edlise dito sa kwarto ko dahil kung meron man ibabalita nun sa iba. Edi in the end nakakahiya

"I'm McKeila Aqua Quenyx Eileithyia Heartfilia" sabi nung isang kasama nya so siya pala yun. Mukang siya yun. Mahina talaga ako sa panghuhula

"And Im Anastasia Yurika Clarissana Devaux okay? Not McKeila sa katunayan nga mas maganda pa ako sa kanya" biglang sabi nung isang babae

"Wow mahangin pala ngayon 'no di mo agad sinabi na kahit sa kwarto ay malakas pa rin ang hagupit ng hangin" pang babara ni McKeila na ikinatawa ko

"Bahala na so yun na nga Ms. Devaux right? Ang Elite SS Class Wizard ay ang mga pinaka malakas na wizard sa bawat guild. Actually ranking ito sa buong guild. Bawat guild may 3 uri na wizard. Ang pangatlo ay yung mga normal wizards, hindi masyado kalakasan pero may potential, next ang pangalawa ay yung S Class Wizard, ang mga wizard dito ay malalakas, kadalasan sa kanila napupunta ang ibat ibang trabaho o di kaya missions sa buong Ecroville. At ang pang una ay Elite SS Class Wizard at dun ako nabibilang, sobrang malalakas nito kaya minsan kapag sumusugod yung mga kalaban galing ibang planeta sila yung nagpoprotekta sa lahat tapos minsan may mission sa ibat ibang planeta" mahabang paliliwanag ko sa kanila

"Wala na bang ibang ranking?" Tanong ni McKeila oh ayan na sure na ako si McKeila ito walang halong Biro pero sana nga oo medyo mahina talaga ako sa pagtatanda ng name eh sa dami ba naman ng kilala ko nagkakahalo na sa utak ko.

"Meron pa pero yun ay overall ranking. Merong tinatawag na Ecroville Class Wizard, dito naman lahat ng mga Elite SS Class Wizard sa lahat ng mga guild ay maglalaban laban sa isang battle para malaman kung sino ang panalo at karapat dapat na mapunta sa Ecroville Class Wizard. Sa ngayon konti pa lang sila at hindi ako kasama dun, natalo kasi ako eh kaya hindi na ulit ako sumubok dati medyo nakakahiya din" salaysay ko sa kanila at napatango sila

"Si Airesh ano ang rank nya?"tanong ni Ms. Devaux

"She's S Class Wizard" sagot ko sa kanya

"Parang I want to be part of Ecroville Class Wizard" biglang salita ni McKeila na nakapag pagulat sa amin ni Ms. Devaux teka bakit puro ako Ms. Devaux ano ba pwede itawag ko sa kanya

"Are you sure? Hindi ka basta basta nakakapasok sa Ecroville Class Wizard kailangan mo munang maging S Class Wizard at Elite SS Class Wizard bago ka makapasok sa Ecroville Class Wizard. Ako nga hindi nakapasok sa Ecroville Class Wizard ikaw pa kayang bagohan lang sa mundo natin lalo na sa Guild kung sakaling makasali ka sa Guild namin" mabilis kong sagot ko sa kanya.

Nako anong nasa isip nito at bigla nya gustong makapasok doon eh ang hirap pa naman makasali doon.

"She's right McKeila dapat kung sasali ka dyan kailangan mahaba habang pasensya pa yan. Bagohan ka pa lang remember" pagpapaalala ni Ms. Devaux

"Walang masama sumubok Crixx at Yurika. Hindi natin alam ang mga maaaring sumunod na pangyayari kaya wag agad negative" sabi naman ni McKeila kaya napabuntong hininga ako. Ibang klase talaga ito

"Sige bahala ka na pero bago yan lumabas muna tayo. May kailangan pa kayong makilala" sabi ko kaya sabay kaming umalis ng kwarto ko at pumunta sa ika unang palapag ng Buong Guild at napansin kong naghihintay sila sa amin. Ano may welcome party ba magaganap? Bakit hindi ko alam

Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon