Chapter 4

240 98 5
                                    

McKeila POV

Biglang tumigil ang sasakyan namin kaya napatingin ako sa labas ng ship. Agad kong nakita ang dambuhalang planeta na may ibat ibang kulay na design ang palibot nito. I think napaka familiar nya sa akin, it looks like parang Mercury sa Milkyway Galaxy diba? Minsan talaga nakikinig ako sa Science Teacher namin kaya alam ko ang ibang informations sa mga planeta sa Solar System favorite subject ko ang science eh

 I think napaka familiar nya sa akin, it looks like parang Mercury sa Milkyway Galaxy diba? Minsan talaga nakikinig ako sa Science Teacher namin kaya alam ko ang ibang informations sa mga planeta sa Solar System favorite subject ko ang science eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero kung ako ang tatanungin masarap sa mata siya tignan. Parang gusto ko ngang mag damag ito titigan pero baka maiwan nila ako

"Sigurado ka bang dito ito?" Tanong ko kay Airesh habang nililibot ang aking paningin sa kalawakan na ito habang tinatanaw ko pa rin yung Ecroville Planet

"Yes dito nga, so guys labas na tayo ng ship" kampanteng saad nito na ikinagulat namin ni Yurika

"Teka lalabas agad? As in? Hindi pa nga tayo nakakapasok ng planetang yan tyaka baka walang oxygen dyan edi napaaga yata ang punta ko sa Edmilise" pagrereklamo ni Yurika pero she has a point there.

"Tsk tatalon tayo mula dito okay? Hindi nakakapasok ang mga sasakyang ganito dahil hindi ito nakaregister sa mundo natin kasi binili ko ito sa ibang planeta dahil napakamura nyan nung binili ko at sakto, nang mga oras na yun ay nag titipid ako so literal na tatalon tayo" tugon ni Airesh

"Sigurado ka? Tatalon tayo? Eh baka pag talon ko pa lang di na agad ako makahinga you know? Yung oxygen" pabalik ko na sagot sa kanya

"We're not humans okay? We're Edlise kahit saan makakahinga tayo kahit nga sa ilalim pa ng karagatan eh" sabi nito na nakapag pamangha sa akin.

Try ko kaya tumira sa ilalim ng dagat para manirahan dun

"Sus di mo agad sinabi, tara na talon na tayo" nakangiti kong sagot

"Teka lang McKeila di pa tayo sure kung safe ang landing natin dyan sa Ecroville mamaya yung landing natin may mga buwaya edi patay agad tayo" sabi naman ni Yurika

"Ang daldal nyong masyado. Maniwala kayo maayos ang landing natin wag kayo masyadong nega" sabat ni Airesh kaya huminga ako ng malalim. This is it, makikita ko na rin ang loob ng planetang ito.

"Ready na ba lahat?" Tanong ni Airesh kaya tumango ako bilang pag tugon

"In a count of 3 tatalon na tayo" sabi muli nito at binuksan ang pintuan palabas ng spaceship.

"Sabay sabay tayong mag bilang. First time kong tatalon nang sobrang taas" natatawang saad ni Yurika kaya napatawa rin kami

"1.............2............3........... TALON" sigaw namin at magkahawak kamay kaming tumalon sa spaceship at heto akong kinakabahan kaya pinikit ko ang mata ko at sumigaw.

"KYAAAAAHHHHHHH" malakas na sigaw ko at nakigaya din sa akin ang 2 kasama ko kaya parehas kami nagsisigaw mula sa ere. Oh my god mamamatay na yata ako dito

Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon