Chapter 14

167 71 3
                                    

Yurika POV

Nandito kami ni McKeila sa classroom dahil nagsisimula na ang klase. Yung subject namin ngayon ay about sa mga Alchemy.

Maraming random spells ang tinuro sa amin pero karamihan doon ay tungkol sa mga basic needs sa time ng disaster.

Lumipas ang ilang oras ay natapos na din ang subject na yun kaya break time na namin

"Guys kain na tayo sa cafeteria" sabi ni Kiara

"Sandali muna, bago tayo kumain, wala ba kayong napapansin?" Tanong ni Luciella

"Anong napapansin?" Tanong ko

"Parang may kulang sa grupo diba" sabi muli ni Luciella

"Baka naman may umalis na papuntang canteen" patawang sabi ni Zerefer

"Imposible naman yan eh bantay sarado ko ang pintuan" sabi ni Haruto

"Gago sabihin niyo na ng straight ano ba ang problema?" biglang salita ni McKeila

"Si King nasaan?" Sabi ni Flaire at doon namin napansin na si King nga ang wala

"Di naman yun maabsent ng walang pasabi diba" sabi ni Yvettere

"Saan naman pumunta yung Edlise na yun" sabi naman ni Shoto

"Baka naman inaway ninyo eh naku mabilis pa naman yun mag tampo" sabi ni Adriann na ikinatawa nila

"Sandali nga bat ba kayo tumatawa pa dyan hanapin na lang natin yun sa bahay niya" sabi ni Euricell mukha naman kaming magnanakaw kung papasukin namin ang bahay na yan

"Oo nga baka nakulong na yun sa kwarto niya" sabi muli ni Adriann at tumawa ng malakas

"Para kayong tanga hindi naman yan bata para pagaalalahanan niyo" sabi ni Alexander

"Oo nga alam niyo namang pinaka malakas yun sa ating lahat syempre kaya niya ang sarili niya" sabi ni Crystal

At doon na natapos ang kanilang pag aalala kay King tsk wagas naman sila mag alala sa lagay na yan ah.

"Tara na sa cafeteria na tayo nakakagutom na talaga" sabi ni Liam at ayun kumain na rin kami sa wakas

FAST FORWARD

Natapos na ang klase namin ngayong tanghali kaya heto kami ni McKeila nag aayos na ng gamit dahil ngayong hapon na kami pupunta dun sa Oxtalia yata

"Sigurado kayo na di na kayo papasok sa next class?" Tanong ni Euricell

"Oo may importante kaming pupuntahan eh" sabi ko oo nga pala di nila alam na nasa guild kami ng Equestria kaya mukhang sekreto muna namin ito

"Yurika tara na" sabi ni McKeila at agad kaming nag teleport sa meeting place namin ni Airesh

Pag dating namin doon ay nakahanda na yung spaceship this time spaceship na ng Ecroville ang gamit namin

"Tara pasok na tayo sa loob kailangan ko pa makipag communicate sa ibang planetang guild baka mayroon na silang lead kung na saan ang hideout ng mga nagkidnap" sabi ni Airesh at agad kaming pumasok sa ship

Pag pasok namin ay agad rin nya itong pinaandar upang papuntahin sa Oxtalia

Habang nag hihintay kaming makarating sa Oxtalia ay biglang nag salita si Airesh

"Ano kamusta na kayo sa school niyo?" Tanong nito

"Okay lang naman" simple kong sagot

"Balita ko kasali daw kayo sa MSC aba umaarangkada na kayo ah" sabi nito

Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon