McKeila POV
Maaga akong gumising dahil 1st day of school namin ni Yurika ngayon araw. Its been 1 week since nangyari ang labanan between new guild members.
Wala din namang masyadong nangyari sa buong week na yun dahil ginugol ko lang ang oras ko sa pag lilibot sa buong Equestria At sinamahan ko na rin ng secret training.
Hindi pa kasi ako nakakahanap na gagawing mission dahil mga normal na problems lang ang nakalagay sa misson board kaya nag hihintay lang ako ng pagkakataon na mag kainterasado ako sa mission na nasa mission board.
Anyway agad akong naligo at nag bihis ng school uniform.
After kong gawin ang dapat gawin, lumabas na ako ng kwarto ko at sinalubong ako ni Yurika
"Anong ginagawa mo sa harap ng kwarto ko?" bungad kong tanong sa kaniya
"Tatawagin na sana kita para kumain, nagluto si Crixx ng umagahan natin eh nasa garden siya, hinihintay lang tayo" sagot nito sa akin
Pagkasabi niya nun agad akong tumakbo papuntang garden dahil alam kong pag si Crixx nagluto sobrang sarap ng makakain ko.
Pag dating ko doon ay nakita ko din si Airesh na kumakain kaya agad ko silang nilapitan
"Wow ang bilis natin ngayon ah. Energetic ka ba dahil first day of school na?" Tanong ni Crixx
"Hindi naman masyado" maikli kong saad sabay upo at kumuha ng pagkain ko
Aminin ko man o sa hindi nasasanay na ako sa mga pagkain dito at masasarap naman sila ngunit hindi mawawala pa rin sa akin ang mga pagkain sa Earth dahil sa hindi ko makakalimutang lasa ng pagkain doon
"Hoy McKeila yung ID mo nakalimutan mo" biglang sulpot ni Yurika
"Teka pumasok ka sa kwarto ko?" Tanong ko
"Yes buti nga nakita ko agad ito sa table mo kung hindi naku baka di ka na papasukin sa school" sabi nito sabay tawa at abot sa akin ng ID.
Agad ko itong isinuot dahil tapos na ako kumain at agad ding tumayo
"Bye aalis na ako" sabi ko at tumakbo
"MCKEILA HINTAYIN MO AKO" sigaw ni Yurika pero di ko sya pinansin haha kasalanan nya at pumasok sya sa kwarto ko ng hindi nagpapaalam
Dahil malapit na akong malate sa first subject ko ay nag teleport na lang ako hanggang sa school gate. Sayang gusto ko pa naman sana maglakad pero dahil sa late ako kailangan ko pa mag teleport.
Agad akong pumasok sa napakalaking school gate, and I scan my ID sa gilid ng gate upang magsilbing proof na nakapasok ako on time lang. After kong mag scan ay nakapasok na ako sa school
Maraming mga studyante ang naglalakad, nagtatawanan, kumakain at ang mga nag aaway sa simpleng bagay. Kahit pala dito magulo rin ang buhay.
Nakita ko rin yung uniform ng mga lalaki, halos same lang pala sa uniform ng babae
BINABASA MO ANG
Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)
FantasyMcKeila is believing she's a human even she have super powers not until she met Airesh. Ecroville Planet is the rightful world for McKeila thats why she joined Airesh to return in Ecroville and be an Edlise. She joined Equestria Guild and Equestria...