Chapter 27

114 47 0
                                    

McKeila POV

Katatapos lang ng Afternoon class namin kaya tumayo ako sa harapan nilang lahat at nag salita

"Malapit lapit na ang Ranking Festival and dahil sa pagiging chismosa ko ay napansin kong umaasa ang buong students sa atin" paninimula ko

"So any problem on that?" Pres asked but di ko siya pinansin

"So lets have fun muna yun lang naman, we can swim, shopping etc" I said habang nakangiti

"Mag lalakwatsya tayo? Two days na lang at ranking festival na we should focus on our trainings, malaking kahihiyan yan sa school natin kapag bumaba ang rank natin" sabat na naman niya

"Alam mo Pres magiging stress ang mga kasama natin kung puro training aba mag pahinga na muna. Kung ayaw mo edi kami na lang wag ka ngang mangialam" sabi ko muli at umirap sa kanya

"May pakealam ako at isa pa I'm the PRESIDENT HERE kaya ako masusunod" sabi pa niya

"Di porket president ka kailangan lagi ka nasusunod, mas importante ang opinion ng nakararami kaya manahimik ka dyan" sabi ko na may pag kainis sa tono

"Ikaw na lang kaya President" pasigaw na sabi niya kaya tinaasan ko sya ng kilay

"Ayaw ko nga sayong sayo na yang position mo" sabi ko

"Oy LQ kayo?" Tanong ni Kiara habang naka higa sa balikat ni Kevin

"Oo nga King at McKeila ano ba meron sa inyo ngayon?" Tanong ni Kevin sabay akbay kay Kiara. Oo nga pala mag jowa ang 2 ito pero kailangan dito talaga sila maging ganyan ka sweet?

"Sorry na McKeila, hindi na mauulit" sabi ni Pres sabay puppy eyes sa akin tsk alam ko na kasunod na sasabihin nito

"Hindi na kita gagalitin, ayaw ko mabawasan ang ganda mo eh" sabi muli niya tsk sabi ko na nga ba may kinalaman na naman yan sa kagandahan ko.

"So yun na nga I have 21 tickets sa Freches Resort & Park so doon ang destination natin" sabi ko sa kanila. Buti na lang talaga marami akong perang nakukuha sa mission na mga napuntahan ko kaya may pang bili ako nito

"Freches Resort & Park?, diba yun yung sikat na attraction sa Burvelia Country na merong amusement park at may dagat malapit dun?" Tanong ni Luthor

"Aba paano mo nalaman yun?" Tanong ni Yurika

"Oo nga medyo malayong bansa yun sa atin diba? Naka punta ka na ba sa Burvelia?" Tanong din ni Yazra

"Hindi pa naman, kung saan maraming magagandang babae, doon ako" sabi ni Luthor tumawa sila. Walang pinag bago babae pa rin nasa isip nito parehas na parehas talaga sila ni Pres

"Whose in?" Muli kong tanong at lahat sila tumaas ng kamay at napansin ko ang pag nganga ni Pres

"Medyo pagod ako dahil sa ranking festival kaya bet ko sanang mag layas sa kung saan saan dyan" tugon ni Euricel na ikinasangayon ng lahat

"Paano ba yan Pres? Maiiwan ka ba dito? Sayang yung huling ticket ko kung wala ka" patawa tawa kong saad

Agad na lumapit sa akin si Pres at pinakita ang killer smile nya

"Basta ba makikita kitang naka swimsuit sapat na yun" sabi nya kaya napatawa na lang ako. Pres is Pres no one can change him basta babae ang pinag uusapan

FAST FORWARD

"LAHAT NA BA NANDITO?" sigaw ko habang nag lalakad papalapit sa kanila

"Si Pres na lang kulang" sabi ni Shoto kaya uminit bigla ang ulo ko. Sabi ko ay 8:00 EMT ang hintayan pero nahuli siya, ano ba problema nun

Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon