McKeila POV
Today's event is Racing Race, medyo excited ako na sumali dito dahil kung sino daw ang mga mauunang makapunta sa pinaka tuktok ng dungeon may reward daw from Treasure Room so mas maganda kung mataas ang rank ko para mas maganda din ang makuha kong premyo.
Maraming mga Edlise ang nakatingin sa aming estudyante, marahil ay nagtataka sila kung bakit kami nasa labas lahat ng school pero sabi nung iba aware daw sila sa race namin so siguro papanoorin nila kami
Ang mga studyante ay may kanya kanyang ginagawa para sa race kasi walang rules. Ang mahalaga lang ay makapunta at mauna agad sa treasure room, karamihan sa kanila ay may mga magic tools na mag e-enhance ng physical abilities nila. May mga lilipad, meron ding mga kagamitan na mapapabilis ang pag takbo at iba pa.
Almost everyone has their own belongings and things with them, and it seems like only us MSC members have nothing with us.
Sabi ni Master Aries we must wear comfortable clothes and no need to wear our uniform so kanina kung ano ang makita ko ay yun na ang suot ko
Pero ang mas nakakainis lang ay kaming MSC members ay nasa pinaka likuran ng mga nagkukumpulan na estudyante para daw pahulihin kami dahil sure daw silang kahit nasa dulo kami ay kami pa rin ang mauuna so we can't do anything here kundi ang sumunod sa utos nila tsk
Nakita namin na lumakad si Master Aries sa pinaka unahan at nag salita sya sa mic
"The Quencenere Island Maps are here, you can have them" he said at biglang may sumulpot sa harapan ko ang isang mapa papuntang Island na yun at isang mapa papunta sa pinaka tuktok ng dungeon kung saan nandoon ang Goal
"Kailangan ay sundin niyo ang mapa na yan, walang time limit sa pag punta dyan basta makarating lang kayo dyan" he continue
"We will inform you if meron ng Top 5,000 ang nasa Isla, once na may Top 5,000 na ay matitigil na ang event at need ng bumalik sa school para maannounce ang Top 5,000"
"Any methods can be use, you can even cheat as long as it can't harm others life"
Aw pwede mag cheat? Good Idea ito
"Any Questions?"
"Master what if nakapunta na kami dun matagal na, bawal bang mag teleport na lang?"
"I forgot may isang rule pala, you can't teleport, once you do that you will be terminated sa event" he said then tumango ako
"We will wait for another 10 minutes dahil lahat ng school ay sabay sabay ang simula ng race so normal lang na may maencounter kayong ibang students" dagdag pa nito
"Hey mahihiwalay yata ako sayo ngayon Keila" sabi ni Yurika
"Call me McKeila" I said
"Parehas lang yun, may dinagdag ka lang naman na Mc dun eh" pero inismidan ko sya
"McKeila ako ang mauuna dun" sabi ni Pres at hindi ko siya pinansin tsk
"Hoy sabing ako ang mauuna eh" sabi muli niya
"Wala akong pake kung mauna ka dahil di yun mangyayari" I said and medyo lumayo sa kanya
After 10 minutes halos lahat dito ay nag aayos na at inihahanda ang katawan
"THE RACING RACE WILL NOW START, ARE YOU READY?" tanong ni Master Aries
"HELL YEAH" sigaw namin
"THEN THE RACING RACE WILL NOW BEGIN IN 3.............2...........1................. GO!" He said then nag simula na ang event
Halos lahat ng student ay may kanya kanyang diskarte pati na rin ang ibang MSC pero ako nagpaiwan muna, masyadong masikip eh kailangan ko ng space para mabilis din makahabol
BINABASA MO ANG
Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)
FantasyMcKeila is believing she's a human even she have super powers not until she met Airesh. Ecroville Planet is the rightful world for McKeila thats why she joined Airesh to return in Ecroville and be an Edlise. She joined Equestria Guild and Equestria...