McKeila Pov
This is our 2nd day sa arena na ito and today labanan na ng mga bagong Guild members.
Kaliwa't kanan ang mga sigawan at pustahan sa buong arena, sa sobrang lakas ng boses halos mabingi na ako sa sigawan nila.
23 Hours na yung nakalilipas nung mag simula ang labanan kaya naman sobra na akong inaantok dito, halos magdamag na akong nakaupo pero sobrang boring pa rin. Ang pangit ng mga nakikita kong labanan
Si Yurika nakalaban na pero ako? HINDI PA RIN ewan ko ba parang gustong ihuli ako nung Emcee ano, may surprise siya?
Tsk kung hindi ko lang inaabangan kung sino makakalaban ko kanina pa ako lumayas sa napaka ingay na lugar na ito.
"The Last But Not The Least, Ms. MCKEILA AQUA QUENYX EILEITHYIA HEARTFILIA FROM EQUESTRIA GUILD." sigaw ng emcee kaya nabuhayan agad ako at dali daling pumunta sa harapan ng emcee
"Ikinalulungkot ko na lahat ng mga newbie ay nakalaban na pwera lang kay Ms. Heartfilia" sabi nung emcee kaya nanlaki ang mata ko, ano pa gagawin ko dito kung wala akong makakalaban? Ano ito lokohan?
"But Good Thing SABRINA EUNICELL ANDRIENNA PAMELA SKYIE LIM volunteer herself to be opponent of Ms. Heartfilia" sabi ng emcee at nagsimula na ang sigawan lalo na yung mga nagrereklamo dahil ibang rank daw yang makakalaban ko parang di daw patas sa isang bagohan tsk sino ba yang babaeng yan?
Biglang may babaeng sumulpot sa harapan ko at sya yung babae kahapon, kaya pala ang creepy niya, anong rank nga ulit siya
"LET THE BATTLE BEGIN" sigaw nito at biglang nawala sa harapan ko yung emcee at kami na lang nung babae
Hindi ko inaasahang sumugod agad ito sa akin.
"Poison Smoke" sigaw nito at merong violet na usok ang pumapalibot sa akin so Poison Pala sa kanya
Agad akong nag requip ng Black Armor
Agad ako lumipad bago pa ako malapitan nung smokesHabang nasa ere ako ay bigla ring lumipad sya at sinugod ako gamit ang espada nya, nakipagespadahan lang ako sa kanya para doon lang niya ituon ang atensyon niya at pasimple kong ikinumpas ang kamay ko
"Slide" bulong ko at may magic circle na lumitaw sa paahan niya at bigla siyang natumba at pabagsak na sa ere.
Lumipad ako papunta sa kanya at sinubukang sugatan pero naiiwas lang nya yun hanggang sa bumagsak sya sa lupa. Sinubukan niyang tumayo pero.....
"Slide" bulong ko at may biglang lumabas ulit na magic circle sa paahan niya at na out balance siya at natumba kaya maririnig ang tawanan sa buong arena. Pilit siyang tumatayo pero natutumba pa rin siya
"Tanggalin mo ito babae" madiin na salita nito pero di ko siya pinansin sa halip ay umupo lang ako. Kasalanan niya yan para sa panlilinlang niya sa akin kahapon kala ko naman ay mabait siya pero lumabas na ngayon ang true color niya
BINABASA MO ANG
Ecroville Chronicles: World Of Fantasy (BOOK 1)
FantasyMcKeila is believing she's a human even she have super powers not until she met Airesh. Ecroville Planet is the rightful world for McKeila thats why she joined Airesh to return in Ecroville and be an Edlise. She joined Equestria Guild and Equestria...