Entry #9:

317 4 2
                                    

Di ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko nga hindi ako nakatulog eh. Para bang nakapikit lang ako pero gising naman utak ko. Pero alam ko nanaginip ako. Oo alam ko, magulo. Pati ako naguluhan eh. Basta napanaginipan ko siya, yung babaeng nakita ko kahapon. Magkatabi kaming nakaupo. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa. At yun lang yung nangyari. Nganga kaming dalawa. T@ng ina, di ba? Hanggang sa panaginip ba naman torpe ako.

Napagkasunduan na kila Rain na lang kami mag-iinuman. Samin dapat, pero baka makita siya ni Carla at masira yung plano. Marunong din naman kaming mag-ingat.

Ready na ang lahat. Naka-mix na ang iinumin. Naka-hain na yung pulutan. Naka-play na yung music. At naka-handa na din yung plano namin. At siyempre, papunta na daw ang future girlfriend ko kung papayag siya.

Naka-80 and 1/2 ata akong ihi sa sobrang kaba. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan eh. Feeling ko tuloy proposal tong gagawin ko sa kanya. Teka! Proposal tong gagawin ko, di ba? Sabi ni Nash at Rain chill lang dapat ako. Pero pano!? Pano ko mag-chichill kung ganito sitwasyon ko!? Naghihintay ako sa babaeng walang idea sa ihahain namin sa kanya.

Nung dumating siya, literal na hindi ako makapag-salita. Kala ko mas maganda siya sa dilim at nadadala lang siya ng suot niya kagabi. Pero sobrang mali ako dun! Sa sobrang kasimplehan niya napatulala niya ko. First time to! Sa sobrang simple ng itsura niya, sobrang umangaat kagandahan niya. Naka-t-shirt at jeans lang siya, walang make-up, at naka-tali lang yung buhok niya pero ang ganda niya talaga. Pagkakita ko sa kanya alam kong walang sinabi si Carla. Bumalik na lang ako sa sarili ko nung bumulong si Nash na nakanganga ako. Badtrip! Sana hindi niya nakita.

Late ko na narealize na mag-isa lang siya. May ibang gimik daw kasi yung mga niyaya niya kaya siya lang natuloy. Mas okay yun, di ba? Pwede namin siyang mapag-tulungan hanggang mapapayag namin siya sa gusto naming mangyari.

"Gab, si Des pala." pakilala ni Nash sakin. Imbis mag-hello, tumungo at ngumiti na lang ako. Imbis na makipag-shake hands ako, napatitig lang ako sa kanya. Grabe! Pano ko makaka-porma nito kung kahit isang salita wala akong masabi sa kanya. Sa oras naman na makapag-salita ako, alam kong mauutal lang ako sa kanya. Sana naman hindi niya isiping hindi ako interesado sa kanya.

Nagkakasiyahan at nagkakalasingan na. Biglang nagyaya si Nash ng truth or dare. Alam ko senyales na to para sa 'proposal' ko sa kanya. Oras na piliin ni Des ang dare, wala na siyang lusot. Pero siyempre, hindi naman namin pipilitin kung ayaw niya. Yun nga lang, sana pumayag na siya para tapos na yunt problema ko.

Puro kag@guhan na dare at kung ano-anong tanong naman pag truth. Hanggang dumating yung time na wala na kaming matanong para sa truth at mapagawa sa dare. Ito na... Ito na yung time na magiging personalan na yung mga susunod na mangyayari.

"Des, truth or dare?" tanong ni Nash sa kanya.

"Ahm... Truth..." sagot niya naman.

"May boyfriend ka?" tanong ni Rain.

"Kung meron sa tingin niyo ba nandito ako? Siyempre, wala." sagot niya.

"I dare you... Maging girlfriend ko." sabi ko sa kanya.

Di ko alam kung dahil sa sobrang dami ko nang nainom kaya ko nasabi yun sa kanya. Hindi ko alam kung anong facial expression yun, pero sure akong nagulat siya sa sinabi ko. Nakita kong nagkatinginan si Nash at Rain. T@ng ina! Wala ata ako sa timing. At alam kong alam yun ni Nash at Rain... at ni Des.

"Hayaan mo na yan, Des. Joker lang talaga yang si Gab..." sabi ni Rain at nagtawanan na lang kaming lahat. Inom pa kami ng inom hanggang sa magkayayaan na mag-uwian. Hinatid naming tatlo si Des na sa kabilang village lang pala nakatira at hinatid ako ni Nash at Rain.

Problema to! Wala pa kong ipapakilala kay Carla. Bahala na nga lang.

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon