Entry #1:

1K 16 5
                                    

Pumunta kami nila Rain at Nash sa Rockwell kanina. Gusto kasi makipagbalikan ni Rain sa ex niya. Put@!! Wala kaming napala! Naghintay kaming tatlo sa babaeng di naman sumipot. I mean, wala naman talagang sinabi yung babae na pupunta siya. Makulit lang tong si Rain na kung maka-asta wala nang ibang babae dun sa ex girlfriend niya. Pero malay ko ba, tinamaan ata talaga yung loko kasi ngayon ko lang siya nakitang ganun kaporsigido. Pero wala naman kaming magagawa kung ayaw na talaga nung babae.

Oo nga pala, si Rain at Nash ang bestfriends ko. Si Rain, kilala ko na dati pa. 17 years old siya, pero batchmate kami kasi late siya ng 1 year nag-aral. Wala pa kaming dalawang isip magka-kilala na kami. Matangkad (mga 5'7 1/2 siguro), gwapo, maputi, mayaman at mayabang. Yan si Rain, habulin ng mga babae. Perfect na sana, yun nga lang manloloko. Pero di ko naman siya masisisi, aware siya kung anong meron siya. May kapatid siyang babae na kasing-edad ko, si Summer. Sa totoo lang, crush ko si Summer, yun nga lang ayon sa unwritten rule ng bro code 'Patusin mo na lahat wag lang kapatid ng kaibigan.' Kaya ayun, hands-off kami ni Nash. Speaking of Nash, si Nash naging tropa lang namin nung lumipat siya sa school nung 1st year. Di ko alam paano pero naging tropa na lang namin siya bigla. Si Nash, naman, 5'5 ang height, sobrang OC, moreno, maganda katawan, mayaman at may itsura din. Katulad ni Rain, mahilig din siya sa babae, yun nga lang di siya manloloko. Isa-isa lang siya mag-girlfriend sunod-sunod naman. Sa totoo lang, di ko maisip paano kaming tatlo nagkaka-sundo. Saming tatlo ako pinaka-inexperience sa lahat ng bagay with obvious reason.

Anyway, enough na sa kanilang dalawa. Sa paghihintay pa namin at pagtambay nakita ko si Carla nagkatitigan kami at nagkaron ng flashback sa utak ko. Si Carla nga pala yung first girlfriend ko. Kasama niya yung bago niyang boyfriend. Di naman sa nanlalait ako, di hamak na MAS may itsura ako. Di naman sa bitter ako, pero alam ko lang talaga yung totoo! I mean, di ko alam kung anong nagustuhan ni Carla dun sa boyfriend niya. Masyado siyang maganda para sa lalaking yun, malas niya. Yung lalake naman sobrang swerte na isang katulad ni Carla naging girlfriend niya. Ok na sana na nakita ko sila, pero yung masama pinansin pa kami ni Carla. Yung tingin ng bago niyang boyfriend niya parang nang-aasar nung una pero nung pinansin kami ni Carla nagbago timpla ng pangit ng mukha. Di ko alam kung nagpapaka-civil siya o pinagseselos niya lang yung boyfriend niya.

Sinipa ako bigla ni Nash sa ilalim ng upuan na kaya naging aware na ko sa paligid ko. "Ano pang meron sa inyo ni Carla?" Eksaktong tanong ni Nash. Sa totoo lang, di ko alam isasagot. Nitong mga nakaraang linggo kasi nagkaka-text kami, tumatawag siya sa bahay, nagkaka-chat kami. Kung dati ilang na ilang kami at nag-iiwasan, ngayon kung umasta kami parang kami ulit. Ang dami kong gustong sabihin sa kanila, pero nasagot ko lang siya ng "Wala."

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon