Entry #3:

464 7 0
                                    

"Hoy Gab! May boyfriend na si Carla!" Bungad sakin ni Nash. Hinack kasi ng mga tarantadong to Facebook ko. Ayan tuloy nakita nila chat namin ni Carla. Alam ko namang may boyfriend siya. Pero di ko naman kasalanan kung si Carla mismo gumagawa ng paraan para magkaron pa kami ng communication. Di ko din alam sa sarili ko bakit ko pa pinapansin yun.

"Pare, ang daming chix diyan! Tumikim ka naman ng ibang putahe! Hahahaha." sabi ni Rain sakin. Anak ng punyet@. Anong tingin niya kay Carla ulam?

"O sige ganito. Mamili ka lang ng kahit sino, ako didiskarte." sabi ni Nash. Lord, bakit naman naging ganito mga binigay Niyong kaibigan sakin. Wala man lang moral support. Pero alam kong mabuti intensiyon nila. Yun nga lang, si Carla lang available eh. May choice pa ba ko?

Nag-text pala si Carla kanina. Sumama daw ako sa family gathering nila. Okay sana eh. Pero ang liit ng mundo. Mahirap gumalaw ng alam mong di tama. Malalaman at malalaman ng lahat na ako yung sinama hindi yung boyfriend niyang panget. Kaya siguro wag na lang. Di ba? Kahit anong desisyon ko alam kong talo ako. Pag sumama ako, madaming sasabihin samin, lalo na kay Carla. Atlam kong di na ulit magkakaron ng pagkakataon magkaayos talaga kami. Pag di naman ako sumama, ako lang talo. Alam kong wala ng mawawala sakin kasi matagal ng wala si Carla.

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon