Entry #5:

450 6 0
                                    

Nag-text si Nash kanina, tinatanong daw ni Carla sa kanya sinong girlfriend ko. Buti na lang nasabihan ko na sila ni Rain tungkol sa kasinungalingan ko. Kaya ang sabi ni Nash wala sa Manila yung yung "girlfriend" ko at next week pa babalik. At ngayon naghahanap kami ng babaeng papayag maging girlfriend ko. Kaya gumawa kami ng criteria ng babaeng kailangan naming mahanap sa loob ng isang linggo!

"Kung maghahanap ka ng ipapalit kay Carla dapat mas maganda na sa kanya!" sabi ni Nash. Oo nga naman. Siyempre kung hindi kasing-ganda ni Carla, dapat mas maganda. Aba, may wing man ako ngayon. Malamang malakas loob ko. Yun nga lang may time pressure. Badtrip!

"Pero, pare, dapat compatible kayo. May chemistry dapat para mukhang totoo." suggestion ni Rain. Tama siya, kung manloloko ako, dapat mukhang totoo. Minsan na nga lang magka-chance eh. Mas malakas chemistry, mas makatotohanan. Pero t@ng ina! Di ko nga ko makaka-usap ng babae eh. San ko huhugutin yang chemistry na yan!? Pinapangako ko sa sarili ko, kukunin ko Chemical Engineering o kaya Chemical Science sa college pag naging successful tong mission na to.

Tinanong ko sila kung san kami makakahanap ng "Carla-type" at ka-compatible ko in 1 week at walang makasagot sa kanila. Alam naming pwede kaming makahanap. Yun nga lang di kami sigurado sa time. Sobrang limited ng oras kaya bawal sayangin. Lahat ng babae na pwedeng isali sa experiment namin kailangan.

"Isa na lang kaya sa mga ex ko?" Suggestion ko sa kanila. Di ba pwede naman? At least alam ko na agad na compatible kami. Pero anak ng puch@! Bilang na bilang na nga lang di pa pwede! Si Bianca, si girlfriend #2, di namin alam kung nasang lupalop ng mundo. Parang bula nung nawala. Di man lang nag-iwan ng trace o kaya clue kung asan siya. Hinanap namin sa Facebook di namin makita. Si Sherryl, si girlfriend #3, nahanap namin. Thank you, Facebook! Mabuhay!  Yun nga lang, daig niya pa ko. Siya may girlfriend ako wala. At boy cut na siya ngayon. D@mn! Di ko alam kelan pa siya nag-out. At bakit di ko nabalitaan! Yan tuloy, nabawasan pa yung bilang na bilang na ex ko. So sino na? May iba pa ba kong option?

"Isa na lang kaya sa mga ex niyo?" Suggestion ko ulit. Pero binatukan lang nila ko. Bro code nanaman. "Bawal pumatol sa ex ng tropa." Eh di sige. Wag na nating elaborate pa. Kung bawal, bawal talga. Period.

"Dapat di kilala ni Carla para mas safe." Sabi ni Nash. Oo nga naman. Kay Carla kami magkukunwari, dapat lang na di niya talaga kilala. At wala silang connection kundi ako.

"Paglalaban ko to! Dapat lang SEXY!!" Sabi ni Rain. "Tar@ntad0!!! Di para sayo hinahanap natin!" Sagot ni Nash sa kanya. Tama nga naman, gusto ko din naman sexy eh. Di ko na lang sinabi na considered yung suggestion niya na yun.

"Malakas feeling ko. Dapat maingay yung babae, pero di bungangera. Yung madaldal lang." Suggestion ulit ni Rain. Dun ako napaisip.

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon