Entry #7:

372 8 6
                                    

Patay! 3 days na lang! Di ko namalayang apat na araw na pala yung lumipas. AT WALA PA DIN KAMING NAKIKITA! T@ng ina! Gusto ko na sumuko! Sabihin ko na lang kaya kay Carla yung totoo? Eh pagtatawanan lang niya ko. Bakit ba kasi pinasok ko to?

Lord, minsan lang ako humingi ng pabor sayo kaya, please, kahit ito lang ibigay niyo na sakin. Siguro naman po alam niyo na yung sinabi kong kasinungalingan kay Carla, by the way, sorry po pala sa pagsisinungaling ko. Sana po may mahanap na kong babae sa loob ng tatlong araw. Pressure na pressure na po kasi ako. Hindi ko na po alam ang gagawin. Kung gusto niyo po kong parusahan, game. Pero after ko na po makita at mapakilala kay Carla yung non-existing girlfriend ko. Alam ko, Lord, madami akong ginawang kabulastugan, sorry. Magbabalik loob na po ako sa inyo, magdadasal na po ako lagi, lagi ko na kayong kakausapin. Bigay niyo lang yung babaeng kailangan ko. Alam ko naman pong ibibigay niyo siya kahit anong mangyari. Maniwala kayo o sa hindi, malaki tiwala ko. Alam ko po sa takdang oras, pero pwede po ba pakibilasan? Sorry po kung parang atat na atat ako sa babae, may deadline lang po kasi ako. Sige na po, una na ko. Hahanapin ko na po yung babeng ibibigay niyo.

Ilang araw na din akong di makatulog. Restless ako sobra kasi alam kong malaking chance na di ko siya makita or makilala. Madami ngang babae, madaming pagpipilian, di ko naman makausap. Talong-talo ako. Kahit saang anggulo man tignan, nasakin ang mali.

Sana online games na lang to, kasi dun ako may skill na pwede kong gamitin para manalo. Lakas ng loob kailangan at yun ang wala ako. Never pa kasing naging skill pagiging torpe at kung naging skill yan sure akong lagi kang talo. Para bang kahit *noob kaya kang talunin.

Itutulog ko na nga lang to. Walang mabuting madudulot sakin ang pag-iisip kung asan siya at kung sino siya. Di naman ako GPS eh. Tska kahit GPS ako, kung di ko siya kilala bali wala.

Basta, Gab, tiwala lang. Nagdasal ka nanaman eh, humingi ka na ng tulong sa Kanya. Sure ball na yan! Bibigyan ka niyan ng higit pa sa hiningi mo. Okay, kinakausap ko nanaman sarili ko. Itutulog ko na talaga to.

*noob - beginner 

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon