Entry #8:

308 6 0
                                    

Last 2 Days na lang! Patay! May biglang milagro bang pwedeng mangyari at makita ko yung babaeng hinahanap ko?

Nagkita-kita ulit kaming buong tropa. Buti na lang may kaibigan akong tulad nila na tinutulungan ako lagi. Sabi nila, mag-pick up na lang daw ako ng kahit sinong babae para matapos na problema ko. Pero siyempre, bawal yun. Kahit ganito ako mataas standards ko no. Tsaka baka mataas din expectation ni Carla sa kung sino yung ipinalit ko sa kanya. Di naman pwedeng kung sino-sino lang eh. Gusto ko ma-impress si Carla para matapos na yung kahibangan niya.

Suggestion pala ni Rain kanina, kung sino na lang daw kayang mapag-tripan ko. Mag ini-mini na lang daw ako sa mga babaeng makikita ko. Tas imbes yayain ko ng one night stand, yayayain kong maging girlfriend ko. Kakausapin ko lang daw tas yun na yun. Kung makapag-salita siya parang ang dali. Okay, baka nga para sa kanya madali lang yun. Pero para sakin naman, hindi. Yun yung isang bagay na hirap na hirap ako.

Di ba nagtanong ako kung may himalang pwedeng mangyari in two days? Problem solved! May nakita akong himala kanina. Di ko lang sure kung himala ba talaga yun o mukha lang talaga siyang himala.

Gumimik kaming tatlo kanina at nakita ko yung babaeng pwede kong ipakilala kay Carla. Nakasama na siya sa gimikan ni Nash kaya walang problema sa pagpapakilala sakin. Ang problema na lang ngayon, nasa akin. Ipapakilala na sana ako kanina, pero umurong nanaman ako. Para akong inatake ng asthma kahit wala naman ako nun. Di ko pa nga kinakausap, wala na agad akong masabi. Di pa nga tumitingin sa direksiyon ko, nagtatago na agad ako. Grabe! Di ko alam bakit ganito ako. Halos magmakaawa pa ko kay Nash para lang wag niyang kausapin yung babaeng yun. Pero siyempre, dahil siya si Nash, kinausap niya. Eh di siya na malakas loob, at ako hindi. Kala ko nung nilapitan niya, sasabihin niya na agad yung nangyayari. Yun pala, hiningi niya yung number para matext namin siya kung yayayain namin ng 'gimik'. Game daw siya basta sasabihan siya. Tignan natin kung hanggang saan siya game sa gimik ko.

Tinext na din pala siya ni Nash para 'gumimik' bukas. Yun nga lang, imbes na sa gimikan kami, sa bahay lang at tamang shot lang. Para daw makapag-kwentuhan, tsaka nakakasawa na raw sa bar. Tamang chill lang daw ngayon para maiba naman. Pumayag naman agad siya. Mukha naman siyang game eh. Magsasama daw siya para the more the merrier. Malamang gustong humindi ni Nash, pero baka makahalata kaya umoo na lang siya.

Sana... SANA lang talaga pumayag siya. Siya na lang maaasahan ko ngayon eh. Malamang naman kasi, wala na kong time para maging choosy pa. Kung sinong available yun na lang. Pero pano pag di siya pumayag? T@ng ina! Di ko na alam gagawin ko. Baka kung sino na lang... o mas malala na sasabihin ko na lang kay Carla yung totoo. Kailangan ko lang naman siya mapakilala kay Carla sa isang araw tas tapos na problema ko eh. Kumbaga sasabihin ko yung totoo at sana maki-ride na lang siya sa gusto kong mangyari. 

Teka, ano nga palang pangalan niya? Kanina pa ko nagsasabi ng tungkol sa kanya pero di ko man lang nabanggit pangalan niya. Bukas ko na nga lang siya papangalanan kasama ng sagot kung papayag siya o hindi.

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon