Entry #4

474 7 0
                                    

Tumawag sakin si Carla, umiiyak. Magkita daw kami. Iniwan daw siya nung pangit. Dun ko narealize na bumabalik lang siya pag may problema sila. Sa totoo lang nasaktan ako sa naisip ko. Langyang utak yan oh. Di man lang nakisama. Eh di sana enjoy na enjoy ako habang pinapatahan si Carla. Di ko alam kung nasanay ba siya na dati ako yung lagi niyang nilalapitan dati kaya hanggang ngayon ako pa din. Kung dati siguro to nangyari, tuwang-tuwa na ko. Attention whore kasi ako kay Carla. Pag naiisip ko yan ngayon nangdidiri ako sa sarili ko. 

"Bakit lahat na lang kayo iniiwan ako?" Tanong ni Carla sakin. Sa totoo lang, di ko alam. Siya yung babaeng seseryosohin mo... sa umpisa. Pero dadating yung time na aayawan mo na din siya. Oo maganda siya. Pero hindi naman lahat tungkol lang sa itsura. Naaawa ako kay Carla. Okay naman siya eh. Yun nga lang kailangan niyang makahanap ng lalaking para sa kanya talaga. Kung dati tingin ko ako yun, ngayon hindi na. Alam kong wala akong pinagka-iba sa mga nang-iiwang lalaki diyan. O di ba? Ang kapal ng mukha kong ihalintulad sarili ko sa mga manloloko, eh manligaw nga di ko magawa.

Habang magka-usap kaming dalawa di ako mapakali. Gusto ko magkamot o kaya mag-stretching. Parang kating-kati na ko. Pusa nga na sumasayaw naiisip ko na wag lang magkamot o mag-stretching. Di ako makapag-concentrate habang naglalabas siya ng sama ng loob. Habang iniimagine ko yung pusang sumasayaw nag-iisip ako kung pano ko sasabihin kay Carla na tantanan niya na ko kasi...

"May girlfriend na ko!" Di ko namalayang nasabi ko ng malakas. Badtrip! San ako ngayon hahanap ng babae? T@ng ina talaga ng utak mo no, Gab? Sa dami ng dahilan yun pa. Patay ka ngayon humanap ng paraan. Alam ko na! Buti na lang may Nash at Rain. Pwede naman di bang manghiram ng babae? Yun bang pang-display lang. O kaya mag-rent na lang ako. Wala naman di bang masama? Papakilala ko lang siya kay Carla tas babayaran ko siya. Ay put@! Kung ano-ano ng naiisip ko. Di naman hooker hanap ko. May standard din naman mga torpe.

"HA!? SINO!?" Oo nga pala. Si Carla nandito pa. Pano ko makakalusot niyan ngayon.

"Sorry Carla. Mauuna na ko. Baka kung anong isipin ng girlfriend ko. Kaya mo na yan. Big girl ka na eh. Tsaka di ba may iba ka pa namang friends. Awkward kasi to satin. Alam mo na, may past tayo tas sakin mo ilalabas sama ng loob mo sa present mo. Ang weird lang eh. Bye. Una na ko ha? Ingat." Sabay alis ko. Basta huli kong nakita yung mukha ni Carla na takang-taka. At pagka-uwi ko, nag-stretching ako.

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon