Prologue

2.3K 30 0
                                    

Torpe tor-pe [ adj ] : tawag sa isang lalaking hindi maipahayag ang nararamdaman sa taong gusto niya ; lalaking walang lakas ng loob. synonym ng duwag (coward) o dungo (shyness).

Use torpe in a sentece:

Ang torpe ko naman, di ko siya maligawan.

Hindi naman talaga ko torpe, nag-iba lang ako sa kanya.

Di mo pa maamin na gusto mo siya halata naman. Ang torpe mo!

Ang tunay na lalaki, hindi torpe.

Di ka makaporma kasi torpe ka.

All in all, basta ang torpe mahina sa babae. Period. Ops! Nagka-girlfriend na ko. Imagine, sa torpe kong to naka-tatlo na kong girlfriend. Di naman kasi porke't torpe, single na since birth. NGSB (No Girlfriend Since Birth) ika nga nila. Ang counter-part naman nito sa babae ay NBSB (No Boyfriend Since Birth). Siyempre may mga pagkakataon na babae mismo nanliligaw. At sa mga panahong yun ako nagkakalakas ng loob makaporma kasi alam kong di ako mababasted. Pero kahit baliktarin natin mundo. Alam ko sa sarili kong torpe ako. Oo, aminado ako na isa akong torpe.

Ako nga pala si Gabriel Roxas, 16 years old. 3rd year highschool sa La Salle Greenhills. May grade 7 kasi dito kaya 3rd year pa lang ako kahit sa ibang school hanggang grade 6 lang. Only child ako kaya gustong-gusto ko magkaron ng kapatid. 5'6 in height. 1/4 Chinese 1/2 Pinoy at 1/4 Spanish lahi ko. Pinanganak ako sa Canada, pero sa Pilipinas ako lumaki at nagkaisip.

Siguro kaya din ako naging torpe kasi nag-aral ako sa isang exclusive school for boys nung kinder ako hanggang elementary. Pagdating ng highschool nasa exclusive school pa din ako, yun nga lang mas madaming babae na nakikita at nakikilala ko ngayon. Bukod kasi sa mga kapit-bahay ko dito sa subdivision, nauuso na din ang pag-gimik at mga party.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon