Entry #10

360 8 5
                                    

Di ko alam gagawin ko. Ito na yung Big Day na inaabangan ni Carla at kinakatakutan ko naman. Unang tingin ko pa lang na may dalawang text at alam kong si Carla na yun at tungkol lang yun sa non-existing girlfriend ko.

T@ng ina! Bakit ba ko nagsinungaling? Eh di sana wala akong problema ngayon. Bigla bang magkakaron ng milagro na guguho yung mundo at di na matutuloy yung mangyayari ngayon? Bwisit! Wala na kong magagawa ngayon tungkol dun. Ang hirap mag-isip ng solusyon sa bagay na alam kong wala akong ligtas.

Bahala na nga! Mabasa na lang yung text at sabihin kay Carla yung totoo.

To: Carla

Joke lang na may girlfriend ako. HA HA! Di ko alam na bebenta sayo.

T@ng ina!? Seryoso ba ko!? Malamang hindi! Magmumukha akong g@g0 nito eh! Wag na nga ma-send.

From: Carla

See you later! Gusto ko na ma-meet yung girlfriend mo.

T@ng ina! Ayan na pag-atake ni Carla. Di ko alam kung excited siya makita kung may mapapakilala ako o wala. Teka nga! Dalawa yung text ha. Mamaya ko na nga lang aalalahanin si Carla. Yung isang text number lang. Sino nanaman to?

From: +639xxxxxxxxx

Hi Gab! Des pala to. Hiningi ko number mo kay Nash kagabi. Ahm... Dare accepted! Payag ako na maging girlfriend mo. Hehe.

Teka nga, seryoso ba to!? T@ng ina! Kahit ano kakagatin ko na to tutal naman wala na din akong choice eh.

To: Des

Seryoso? May gagawin ka mamaya?

From: Des

Wala naman. Bakit?

To: Des

Kita tayo... Kung okay lang naman sayo.

From: Des

Tayo lang dalawa?

To: Des

Bakit hindi? Tayo nanaman di ba?

From: Des

Di na ko nagulat na magkakaibigan nga kayong tatlo. Madiskarte talaga kayo no? Okay lang sakin, pero dahil "boyfriend" kita kailangan mo kong sunduin sa bahay kasi may date tayo. Hehe.

To: Des

Yun lang ba? Okay. Deal!

Teka! Kailangan ko bang magbigay ng flowers o chocolate sa kanya? Di naman kami pero may date kami. Date nga ba to? Naguguluhan ako! Anong gagawin ko? Wala akong idea sa protocol ng ganito!

To: Nash ; Rain

Anong kailangan sa first date????

From: Nash

Ahm... Condom?

Ay put@! Kahit kelan nga naman tong hayup na to oh!

From: Rain

Kahit ano. Nasasayo naman yan eh. Teka! Bakit? May date ka????????? Ngayon di ba yung kay Carla????????

To: Rain

Ayaw mo ng question mark no? G@g0! Kanino naman ako makikipag-date? Haha! Ngayon nga. Bahala na!

Old school ba masyado pag binigyan ko siya ng flowers? Bukod ba sa celebration ng monthsary, anniversary at Valentines nagbibigay pa din ba mga lalaki ng ganito? Nagiging questionable tuloy sakin sexual orientation ko kasi di ko alam yung mga ganito. Badtrip! Di kaya isipin niya gusto ko siyang seryosohin? Ano ba yan! Ang hirap! Bahala na nga kung iisipin ni Des. Bibigyan ko na lang siya para pag nakipag-meet na kami kay Carla makita niya.

From: Des

Wag kang malate ha. Ayoko ng late eh. Hehe. See you, temporary boyfriend 

Yun naman pala eh. Ayoko din naman ng nalalate. Temporary boyfriend? Di ko alam pero may naramdaman akong hindi dapat sa term na yun. Teka! Wala naman akong gusto kay Des di ba? Nagagandahan lang ako sa kanya ng sobra na pakiramdam ko isa na siya sa isa sa pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.

Teka! Mag-aayos muna ko para sa first date ko. Bukod sa ayaw ko malate kasi di ko naman gawain yun, ayaw din ng temporary girlfriend ko ng nalalate. Kahit papaano "girlfriend" ko pa din siya kaya susundin ko gusto niya. Tama naman di ba?

Tignan na nga lang natin kung anong mangyayari mamaya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon