Entry #2:

779 10 3
                                    

Tulad nga ng sabi ko, si Carla ang first girlfriend ko. Naging kami nung grade 7 ako habang siya naman ay 2nd year highschool sa Mirriam, isang exclusive school for girls. May grade 7 din sila katulad ng La Salle. 14 ako nun at siya naman 16. Nung bata pa lang kami magkakilala na kami. Yun nga lang di agad kami maging close. Madalas kaming nagkakasabay maglaro sa playground at sa park, at naging magkaibigan mga yaya namin. At simula nun, lagi na kaming nagkakasama at sabay maglaro. Basta bigla na lang kaming close dalawa. Pumupunta na ko sa kanila, at pumupunta na siya samin. May mga oras din na sabay kaming gumagawa ng homework. Nung una talaga, ate lang tingin ko sa kanya. Hanggang dumating yung time na nakita ko siya lumabas ng bahay nila nung graduation niya. Grade 5 ako nung mga panahong yun. Sobrang ganda niya nung araw na yun. Tumigil ang oras at pag-ikot ng mundo. Di ko maintindihan yung pakiramdam, pero yun yung unang pagkakataon na bumilis tibok ng puso ko. Simula nun, nag-iba na tingin ko sa kanya. Di ko na siya tinatawag na ate at gustong-gusto ko na siya makasama at makita palagi.

Dahil nga torpe ako, nakuntento lang ako na parang bestfriend lang tingin niya. Yung tipo bang ako tatawagan niya pag wala siyang kasama. Yung sakin siya nagpapatulong pag kailangan niya. Lahat ng sabihin niya, sige agad ako kasi alam kong makakasama ko siya kahit sandali. So for short, nasa friendzone ako. Nung first year siya naging sila ni Gio, first boyfriend niya. Nung una, nawalan ako ng pag-asa. Kung mag-kwento naman kasi si Carla parang tanga. Patay na patay sa Gio na mas maliit naman sa kanya. Kala ko talaga di na sila maghihiwalay. Mahal niya daw si Gio at di niya daw kayang mawala. Tuwing may away sila ako nilalapitan ni Carla kaya alam ko yung nangyayari sa kanya. Hanggang dumating yung time na nakipagkita si Carla sa park sa subdivision. Pagtingin ko sa kanya iyak siya ng iyak. Hiniwalayan na daw siya ni Gio kasi nagsawa na daw yung hayop na yun sa kanya. Di ko ba alam, 8 months lang naman sila pero ganun kalala naging epekto sa kanya. Nung mga oras na yun di ko alam kung ano sasabihin kasi di naman ako magaling mag-advice lalo na sa bagay na ganyan. Common sense na lang yun, never pa kong nagka-girlfriend nung time na yun. Wala akong nasabi, pero hindi ko siya iniwan. Kahit walang salita, napatunayan ko na mas may laban ang gawa. Di nagtagal, naging ok din si Carla. Back to normal nanaman ang lahat. Di na ko mukhang nagmamakaawa sa oras niya at lalo kaming naging close.

Matagal din kami sa friends lang. Imagine naman, grade 5 ko na-realize na gusto ko siya at grade 7 na nung naging kami. Hanggang isang gabi nagyaya si Carla mag-star gazing kasi binigyan siya ng malaking telescope. 3 floors bahay nila pero wala silang rooftop kaya sabi ko na sa bahay na lang. Pumayag naman siya at magulang niya. Tutal naman nagkakasama na kami at walang malisya sa kanila kasi nga bata pa kami. Amaze na amaze kasi talaga siya sa stars, planet at kung ano-ano pang nasa outerspace. Fast forward, hindi kami nakapag-star gazing. Nasa loob lang kami ng tent at nag-uusap. Bigla niya kong tinanong kung masaya ako pag kasama ko siya. Di ko alam kung anong isasagot ko. Sa totoo lang, sobrang saya ko pag magkasama kami. Lalo na pag kami lang dalawa. Gusto ko sana sabihin na sobrang saya ko, pero ang nasabi ko lang simpleng "Oo." Tinanong niya ko kung bakit wala pa kong girlfriend, ang sasagot ko sana "Wala pa kong nakikita." Yun lang sana ka-simple, pero nasabi ko "Hinihintay kasi kita." Anak ng teteng yan oh. Pag naaalala ko yung nangyari nung mga panahon na yun naiinis ako sa mga sagot ko. Fast forward ng konti. Sinabi bigla ni Carla na gusto niya ko dati pa. At sana daw ako na lang naging boyfriend niya kesa sa walang-kwentang Gio na yun. Nung time na yun, alam kong chance ko na kaya sinabi ko sa kanya "Pwede naman, kung papayag ka lang." Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Pero natanggap ko first kiss ko nung gabing yun. Wala nang ligaw-ligaw, sabi ni Carla kami na.

Ilang months na din kami ni Carla. May konting away at tampuhan pero hindi kami nauuwi sa hiwalayan. Lagi kaming may date at sinusundo ko siya minsan sa school. Every Saturday ang 'couple day' namin. Weekly yun, hanggang sobrang naging kumportable na kami sa isa't-isa. Kiss dito, kiss diyan. Hug dito, hug diyan. Isang gabi habang gumagawa kami ng homework sinabi niya na pag nalampasan namin yung tagal nila ni Gio may regalo siya. Ako naman excited nag-bilang, 1 1/2 month na lang malalagpasan na namin yung sa kanila ni Gio. Lumipas ang 1 1/2 moth, nalagpasan namin ni Carla yung sa kanila ni Gio. Sabi niya yung gift niya bibigay niya sa birthday ko. Tatlong araw pagkatapos namin mag-9 months. Dumating yung araw na yun. Excited ako, excited din siya. Pinapunta niya ko sa kanila kasi nandun daw yung gift niya.

Para hindi naman nakaka-hiya kay Carla, bumili din ako ng gift para sa kanya. Binilhan ko siya ng necklace na may star na pendant. Para kasi sakin, star naging symbol nung naging kami. Di kami stereotype na heart. Katulad dati, diretso agad ako sa kwarto niya kasi di naman siya pala-labas. Pagpasok ko nakita ko siyang nagko-computer. Sinuot ko sa kanya yung necklace at nag-thank you siya sabay kiss. Binigay niya sakin yung gift niya, naka-box pa. Ako naman, expect ng kung ano-ano. Iniisip kong action figure o kaya miniature ng sasakyan na pwedeng isama sa collection ko. Pagbukas ko, isang malaking panyo. Puta! Napaasa ako dun ah. Panyo lang pala bibigay. Kinuha niya at nilagay sa mata ko. Napag-tripan nanaman ako ng girlfriend ko sa isip-isip ko.

After ng gabing yun, nabinyagan na kaming dalawa. For short, kay Carla lahat ng first ko. Di ko siya pinilit. Siya mismo nagsabing yun yung gift niya. Una umayaw ako kasi natatakot ako sa pwedeng mangyari at mataas respeto ko sa kanya. Pero nung tinignan ko siya, di ko siya maayawan. Alam kong mali, pero mahal ko siya at lalaki din ako... may pangangailangan. So ayun, nangyari na ang nangyari. Grabe! Totoo nga yung sinasabi nila, magical yung feeling. I mean, pleasure.

Ok na sana lahat, masaya kaming dalawa. Pero dumating yung point na parang nagsawa ako. Mahal ko si Carla, pero parang wala na yung love, lust na lang. Nung nakipaghiwalay ako sa kanya wala akong masabing dahilan. Hinayaan ko lang siya. Naging iwan-ere ako sa babaeng binigay sakin lahat. Simula nun, nag-iwasan na kami. Nahihiya ako sa kanya kasi parang wala na kong mukhang ihaharap after lahat ng nangyari. Sobrang awkward nga pag na umaalis barkada tas nandun kaming dalawa. Di namin alam kung paano kikilos. Careful kaming dalawa sa mga galaw namin. Nakaka-concious kasi! Katulad ng sabi ko, nitong mga nakaraang linggo parang nagiging okay na ulit kami. At sa part na to magsisimula ang talagang kwento.

Diary Ng Isang TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon