CHAPTER 1

539 32 2
                                    

"Lumabas na ang ECG result mo, and I found out that you have Hypertrophic cardiomyopath." Mahinahong saad ko hawak ang resulta sa echodiagram. echocardiogram is commonly used to diagnose hypertrophic cardiomyopathy. This test uses sound waves (ultrasound) to see if your heart's muscle is abnormally thick. It also shows how well your heart's chambers and valves are pumping blood.

"Doc, ano po ang H-Hypertr----"

"Hypertrophic Cardiomyopath, this condition usually develops when a genetic problem affects the heart muscle. It tends to be an inherited condition. The walls of the muscle thicken, and contractions become harder. This affects the heart's ability to take in and pump out blood. In some cases, an obstruction can occur. There may be no symptoms, and many people do not receive a diagnosis. However, hypertrophic cardiomyopathy can worsen over time and lead to various heart problems," paliwanag ko.

"Mamatay na po ba ako kung gano'n?" May pag aalala na tanong ng lalakeng pasiyente ko na nasa edad trenta na.

"Sudden cardiac death. Rarely, hypertrophic cardiomyopathy can cause heart-related sudden death in people of all ages. Because many people with hypertrophic cardiomyopathy don't realize they have it, sudden cardiac death may be the first sign of a problem. But don't worry, meron treatment na ginagawa sa klase ng kondisyon mo," saad ko.

"A-Ano pong treatment?"

"Angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitors. These medications widen blood vessels to lower blood pressure, improve blood flow and decrease the heart's workload." Nakangiting saad ko.

"That's a relief," saad ng aking pasiyente kasabay nang pagbuntong huminga."Kailan naman po ako pwede sumailalim sa ACE inhibitors?"

"Mag i-schedule ako ng araw kung kailan ka puwede mag undergo ng Angiotensin-converting enzyme inhibitors. So far, relax your mind and pray for your recovery." Nakangiting saad ko.

Matapos ang pag-uusap namin ng aking unang pasiyente para sa araw na 'to ay agad narin 'tong lumabas ng clinic ko.

Mariing pinikit ko ang aking mata at sinandal ang aking likod sa aking inuupan nang mapadilat ako dahil sa nakakagulat na tinig ng isang babae.

"Oh! sorry, nagulat ba kita?" Nakangising saad ni Roce nang pumasok siya sa clinic ko.

"Hindi ka ba talaga marunong kumatok?" Sarkastikong tanong ko.

"Kumatok ako, hindi mo lang yata narinig," aniya nang lumapit na siya table ko at maupo sa isa sa dalawang upuan malapit sa table ko.

"So what brings you here?"

"Ito naman aga-aga ang sungit. Pinasiyalan lang naman kita,"

"Wala ka pa bang pasiyente?"

"Pupunta ba ako dito kung meron?"

"Eh bakit ka nga nandito? namimiss mo na agad ako?"

"Ewww." Tila pandidiri pa nito, mahina ko naman siyang hinampas ng white folder na nasa harapan ko."Remember the cute little boy na binilhan mo ng cotton candy last day?"

"Si Adrian? yung may brain cancer?" tanong ko, tumango naman si Roce."How is he? successful ba operation niya?" Puno ng pag-asang tanong ko.

"You told me na nakita mo 'yung angel of death the day on his operation diba? unfortunately, he didn't survive." Malungkot ang tono ng boses ni Roce.

Nakaramdam naman ang kirot sa dibdib ko ng marinig ko 'yun. Although sanay na ako sa mga ganitong klaseng senaryo. 'Yung kausap mo lang ngayon, bukas pinaglalamayan na. Pero there's apart of me na nakakaramdam ako ng matinding lungkot. Kung may magagawa lang sana talaga ako upang mapigilan ang pagkamatay ng isang tao, ngunit wala.

Sabi nga nila, Death is not the opposite of life. It's a part of our life.

"That's life and we can't escape from it," saad ko.

——

NAGLALAKAD ako sa pasilyo nang mapatigil ako sa tapat ng pintuan ng isang ward, mula sa transparent sa itaas na bahagi ng pintuan ay nakita ko ang matandang babae na nakahiga sa hospital bed na. Pilit siyang niri-revive ng doctor, habang umiiyak naman ang ilang kaanak nito. Sa likod ng doctor, nakita ko ang hugis tao na nakasuot ng purong itim. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha, pero kapansin-pansin ang mahabang tila tungkod na hawak niya, sa dulo nito ay may hugis karit.

Nang maramdaman kong titingin siya sa direksyon ay agad akong nag-iwas ng tingin at saka nagmamadaling naglakad papalayo.

Malapit na ako sa pintuan ng elevator nang maramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Kumurap-kurap din ang florescent lamp sa may hallway. Unti unti akong lumingon sa likuran ko, at sa dulong bahagi ng pasilyo ay nakita ko ang hugis taong nakasuot ng purong itim. Ang angel of death, na siyang sumusundo sa mga taong namatay na.

Sanay na akong makita siya sa araw-araw dito sa hospital, ngunit ramdam ko parin ang matinding kilabot sa tuwing nagko-kross ang landas namin.

Unti-unting lumalaki ang pigura niya habang papalapit nang papalapit siya sa kinatatayuan ko, kaya agad akong napaatras habang nanginginig ang kamay kong kinakapa ang pindutan upang magbukas ang pintuan ng elevator.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang hindi pamilyar na kamay na humawak sa balikat ko.

"Doc, are you ok?" saad ng Nurse na si Sheena.

Sapo-sapo ko ang dibdib kong lumingon sa kaniya, tumigil na rin ang pagkurap ng ilaw. At nang muli akong lumingon sa direksyon kanina ng angel of death, ay wala na siya doon.

"Doc?"

"Y-Yes, I'm ok. I'm ok." Nakangiting saad ko habang habol ko pa rin ang aking hininga.

"Namumumutla po kayo Doc, ayos lang po ba talaga kayo? baka po over worked na po kayo. Ang sipag niyo po kasi masyado eh." May pag aalalang tanong sa akin ni Nurse Sheena.

"Don't worry about me, ayos lang ako. Sige, maiwan na kita." Nakangiting paniniguro ko at agad narin akong pumasok ng elevator.

Kahit nakasakay na ako sa loob ng elevator ay ramdam ko pa rin ang matinding kaba sa dibdib ko.

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon