CHAPTER 4

298 21 3
                                    

INAAYOS ko ang ilang mga papel sa ibabaw ng table ko nang marinig ko ang tatlong beses na katok mula sa pintuan ng clinic ko.

"Come in," saad ko nang hindi tumitingin sa pintuan, narinig ko 'tong bumukas pero nananatiling nasa mga inaayos kong mga papel ang atensyon ko.

Napaangat ako ng aking ulo nang makita ang naka-grey men suit na nasa harapan ko.

"Mavy..." sambit ko nang makita sa aking harapan ang long-time boyfriend ko. He's name is Maverick Zamora, the only son of a veteran and award-winning actor.

"Masyado yatang busy ang mahal ko. Nakaistorbo ba 'ko?" nakangiting saad ni Mavy.

"Kailan ka ba nakaistorbo sa kin?" nakangiting saad ko nang tumayo ako mula sa kinauupuan kong swivel chair at umikot sa kabilang side ng lamesa upang lapitan si Mavy.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng ang aking boyfriend nang ilagay niya sa likod ng tenga ko ang aking buhok.

"Pasensya kana kung binisita kita, sobrang namiss lang talaga kita." aniya at nag pout pa 'to. Pagkatapos ay kinuha niya ang dalawang kamay ko saka niya 'to nilagay sa kaniyang leeg. Habang ang kamay naman niya ay nakayakap sa bewang ko.

"I miss you too. Pasensya kana rin kung hindi ko agad nasagot 'yung tawag mo kanina, masyado lang akong naging busy. Ang dami ko kasing pasiyente kaninang inasikaso." Mahinahong saad ko.

"Alam mo minsan natatawa ako sa'yo," nakangiting saad ni Mavy.

"Bakit? mukha ba akong clown? Pediatrician ako Mavy, hindi ako clown."

"Hindi sa ganon, naalala ko lang kasi noong high school tayo. Sabi mo sa kin noong unang pag-uusap natin, pangarap mo maging astronomer. Kaya nga sobrang favorite mo 'yung Science lalo na kapag about astronomy ang topic. Pero noong fourth year high school na tayo, sabi mo sa kin gustong-gusto mo mag-Teacher. Pero nang mag-college na tayo, kursong medisina ang kinuha mo." Natatawang saad ni Mavy. Actually napaisip din ako sa sinabi niya, siguro dahil hindi ko pa talaga alam kung anong gusto that time kaya ang daming profession na pumapasok sa utak ko. But at the end of the day pala, hindi astronaut suit ang suot ko kundi white long laboratory gown. At hindi chalk at libro ang hawak ko, kundi stethoscope."Pero alam mo ba kung anong pinaka the best choice mo? na sobrang ikinatuwa ko?"

"A-Ano?"

"Yung pinili mo 'ko. Nang sinagot mo 'ko noong araw na magtapos tayo sa kolehiyo. Kahit sobrang daming nanliligaw sa'yo, ako pa rin pinili mo," nakangiting saad ni Mavy.

"It's almost been 8years years, Mavy."

"Yeah, at mag i-eight years na rin tayo. Kaya nga naisip ko, ano kaya kung bumuo na tayo ng pamilya? Magpakasal na tayo Roce," aniya at hindi ako agad nakasagot.

High school pa lang ay crush ko na si Mavy, he was my first and last love. And to be his wife is my biggest dream.

"S-Seryoso ka ba?" Halos hindi ko makapaniwalang tanong at nauutal pa ako.

"Magmula ng makilala kita, wala na akong ibang pinangarap kundi ang makasama ka na bumuo ng masayang pamilya," sinserong saad ni Mavy, kumalas siya mula sa pagkakayakap sa bewang ko at may kinuha siyang maliit na puting kahon sa bulsa ng block slocks niya. Hindi naman ako ngayon lang pinanganak para hindi ko agad malaman kung ano ang laman ng maliit na kahon.

Kinuha niya rin ang cellphone niya at may kung anong pinindot sa screen ng phone niya. Magpo-propose ba 'to o ano? naiinip na ako. Atat na ako mag sabi ng Yes, I will marry you.

Ngumiti siya sa kin bago niya nilapag sa ibabaw ng table ko ang cellphone niya.

Another day passes by, I'm dreamin' of you,
And though I know it might be just a dream, dreams come true,
Somewhere, somehow I'll find you even though it takes all of
My life

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon