CHAPTER 16

176 18 0
                                    

JESSICA POV

AGAD akong nakaramdam ng matinding kaba at takot nang kapwa magtutukan na ng baril si Dreycon at ang lalakeng adik. Hindi yata kakayanin ng konsensya ko kung sakaling mapahamak si Dreycon ng dahil sa akin. Oo nga't naiinis ako sakaniya, pero hindi ko naman hiniling na mapahamak siya lalo na kung dahil sa akin.

Agad kong naisip si Roce, kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa aking shoulder bag upang tawagan ang kaibigan ko at makahingi ng tulong. Pero kinakapa ko pa lang ang cellphone ko sa bag ng hilain ako ng isa sa lalakeng humahabol sa akin kanina at tutukan ako ng hawak niyang patalim sa may bandang leeg ko.

I saw Dreycon's eyes turned into a ball of fire. His blank face can't hide what he felt inside, he looked at me with a worried eyes.

"Let go of her!" Mataas na tono ng boses ni Dreycon, ang mata niya ay nanlilisik sa tindi ng galit. Habang nakatutok pa rin ang baril niya sa lalakeng nasa kaniyang harapan."I said let go of her!!" sa pagkakataong ito ay mas naramdaman ko ang matindinting takot na bumabalot kay Dreycon.

Masyadong mabilis ang pangyayari, sa isang kisapmata ay nagawang maagaw ni Dreycon ang baril na hawak ng lalake. At ngayon ay dalawang baril na ang hawak niyang nakatutok sa lalake.

"Bibitawan mo si Jessica, o pasasabugin ko ang bungo nitong kasama mo." Seryosong pagbabanta ni Dreycon sa lalakeng hostage ako.

Halos laway ko ay hindi ko na malunok dahil pakiramdam ko ay babaon sa lalamunan ko ang kutsilyong nakatapat sa leeg ko.

"B-Bitawan mo na siya Kevin." Utos ng lalake sa ng hostage sa akin.

Kasabay ng paglayo ng kamay niyang may hawak na kutsilyo sa leeg ko ay ang dahan-dahan na pagbaba ng kamay ni Dreycon hawak ang dalawang baril na nakatutok sa lalake na ngayon ko lang napagtanto na marahil ay leader nila.

PATULAK ako nitong binitawan mula mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko. Pagkatapos ay kaagad akong natungo kay Dreycon ngunit ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa matinding kaba.

Lumapit ang lalakeng nang-hostage sa akin kanina sa lalakeng sa tingin ko ay leader ng kung ano man ang grupo nila. Saka niya 'to pilit na hinihila palayo sa lugar.

Muli ng sinukbit ni Dreycon ang baril sa kaniyang tagiliran bago niya ako hinarap.

"Nasaktan ka ba?" Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses nang hawakan niya ako sa magkabilang braso ko.

"H-Hindi." Nauutal kong sagot.

HANGGANG sa makarinig na lang ako nang malakas na putok ng baril na umalingaw-ngaw sa buong paligid. Nagulat na lamang ako ng biglang mapayakap sa akin si Dreycon, at dahil nangangatog pa ang tuhod ko dahil sa kaba ay pareho kaming nawalan ng balanse at sabay na napaupo sa semento.

"Dreycon!" Tarantang saad ko nang makita ang dugong bumakat sa suot niyang grey two-button suit. Nakita ko rin ang kamay ko na may bahid ng dugo matapos kong mapayakap kay Dreycon ng sabay kaming mapaupo. Hindi nagsasalita si Dreycon at napasubsub na lamang sa akin.

Nakita ko rin ang mabilis na pagsibat ng taong may kagagawan nito.

Buong lakas akong tumayo at binuhat si Dreycon upang dalhin siya sa Hospital, kinapa ko ang susi ng kotse sa kaniyang bulsa at agad kong binuksan ang pintuan sa front seat.

Halos paliparin ko na ang kotse ni Dreycon sa bilis ng pagmamaneho ko. Mabuti nalang at hindi na traffic dahil pasado alas-doses na ng hating-gabi.

"I'm dying.." Nanghihinang saad ni Dreycon habang patuloy ang pagbulwak ng dugo sa parteng dibdib niya."B-But at least, b-before I die I was able to save the woman that I love.."

"You shut up! Mamatay ka talaga kung magsasalita ka ng magsasalita d'yan! Itikom mo 'yang bibig mo, malapit na tayo sa Hospital." Panenermon ko pa kay Dreycon. Ayaw ko lang ipahalata sa kaniya na nag-aalala ako. Dahil baka kung ano pa ang isipin niya.

"B-Before I die, can I have a request?" aniya.

"I said shut up!!"

"P-Please tell me that you love me." Nag aagaw buhay na pakiusap ni Dreycon.

Hindi ako kumibo at mas nag focus na lamang sa pagmamaneho dahil natatanaw ko ang Miraculous Faith Hospital.

"P-Please.." Muli niyang pakiusap, lumalabas na rin ang dugo sa kaniyang bibig. Damn it!!

"Ok I LOVE YOU!!" Mataas na tono ng boses ko.

"I love----" Hindi na nagawa pang ipagpatuloy ni Dreycon ang sasabihin niya nang bigla na lang 'tong mawalan ng malay.

"N-No!! Don't die like this." Natatarantang saad ko.

Pagdating sa hospital ay agad akong bumaba. At binuksan ang pintuan sa front seat, kaagad naman lumapit sa akin si Nurse Jewel at ng makita niya na may pasiyente akong kasama ay agad niyang tinawag ang isa pang nurse at nagdala na 'to ng stretcher.

Maingat na inihiga si Dreycon sa stretcher at saka dinala sa ER upang matagal ang bala sa kaniyang dibdib.

"Dra. Jessica, kaano-ano niyo 'yung pasiyente?" Tanong sa akin ni Nurse Grace para sa record.

"H-He's my friend." Nangangatal ang labing saad ko, even my both hands with Dreycon's blood stains are trembling.

I'm a Cardiologist, a heart specalist doctor. Hindi sakop ng trabaho ko ang tanggalin ang bala sa katawan ni Dreycon. Ngunit minabuti ko pa rin na magtungo sa labas ng ER upang alamin ang sitwasyon ni Dreycon sa loob.

He sacrificed his own life in order to save me. I can't resist to let him die.

PAGDATING ko sa labas ng ER, napahinto ako nang makita ang hugis taong naka-suot ng purong itim at may dalang karit na nasa labas ng pintuan ng ER.

No...

No way..

This can't be...

Pinilit kong ihakbang ang aking mga paa patungo sa pintuan ng ER at unti unti naman itong nawawala sa paningin ko.

"Open this fucking door please!!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan sa ER dahil naka-lock ito. Naramdaman ko na rin ang mainit na likidong umaagos sa aking pisngi."I said open this door please!!" Muling pakiusap ko.

Tumagal pa ng ilang minuto bago 'to nagbukas saka bumungad sa akin ang Surgeon na si Dra. Divine na nasa edad 30's palang.

"Anong problema Dra. Jessica?" sambit niya ngunit hindi ko siya pinansin at tumuloy na ako sa loob ng ER, nakita ko si Dreycon na may oxygen mask at unconscious na nakahiga sa hospital bed.

"H-How is he?" seryosong tanong ko.

"Natanggal na ang bala sa dibdib niya, maswerte ang pasiyenteng nadala agad dito sa hospital bago pa man 'to maubusan ng dugo. Sa ngayon ay iilipat narin namin siya ng private room." Seryoso ngunit mahinahong saad ni Dra. Divine. Matapos kong marinig 'yon ay tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib, dahilan upang makahinga na ako ng maluwang."Ano nga palang ginagawa mo rito? kilala mo ba ang pasiyente?" Muling tanong niya.

"He's a friend of mine." Tipid kong sagot at agad na rin lumabas ng ER.



SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon