CHAPTER 9

241 15 0
                                    

DAHIL SA SUNOD-SUNOD na dating ng mga pasiyenteng duguan ay naka-Blue code na ang buong hospital, ito ay nangangahulugan na 'Medical Emergency'.

Mayroon kasing pitong color code ang isang Hospital depende sa sitwasyon. Ang kulay Red ay 'Fire/Smoke' ito ay kapag nagkaroon ng biglaang sunog sa hospital. Ang kulay Blue ay nangangahulugan ng 'Medical Emergency' at nangangailangan ng agarang atensyon. Ang kulay White ay tulad lang din ng sa kulay Blue ngunit ang code na White ay tungkol naman mga Peditrician o mga batang pasiyente 18years old and below na nangangailangan ng agarang atensyon. Ang kulay kalimbahin o kulay Pink ay tungkol naman sa 'Infant Abduction' o pagnanakaw sa isang sanggol, kinakailangan na i-secure ang lahat ng exit sa hospital, gayon din ang pagche-check ng mga bags o package ng mga lumalabas at pumapasok sa loob ng hospital. Ang kulay Lilac o Violet ay tulad lang din ng kulay Pink, ngunit ito ay tumutukoy naman sa 'Child Abduction'. Ang kulay dilaw o Yellow ay patungkol sa 'Bomb Treat'. Ang kulay Grey ay tungkol sa 'Combative Person', all CPI/MAB trained staff responsed immediately. Ang kulay Silver naman ay tungkol sa 'Person with Weapon or Hostage', ito ay kapag nagkaroon ng hostage taking sa loob mismo ng hospital. Ang kulay Kahel o Orange tungkol sa Hazmat Spill, kapag nangyari ito sa loob ng hospital ay dapat agad na tumawag sa Spill Hotline. Ang kulay Green ay nangangahulugan sa 'Patient Missing Elopment' o pagkawala ng isang pasiyente, maaaring tumakas o dinukot. At ang panghuli ay ang code na Triage, o nangangahulugan sa Internal/External Disaster sa hospital.

NAGSIMULA dumating ang sunod-sunod na ambulansya na lulan ang duguang mga pasiyente na biktima ng malagim na aksidente kaninang bandang alas-otso ng umaga, ang ilan ay dead on arrival ng dinala dito sa hospital dahil sa tindi ng injuries na natamo mula sa aksidente.

Oo nga't isa akong cardiologist, o doktor lamang sa mga may karamdaman sa puso. Ngunit bilang isang doktor, trabaho ko rin na alamin ang kundisyon ng bawat pasiyenteng dinadala dito sa hospital. Hindi ako p'wedeng tumunganga lang lalo pa't may magagawa naman ako upang malapatan ng paunang lunas ang mga pasiyente. At sa sobrang abala ng mga doktor at nurse ay sa pagbibigay atensyon sa mga pasiyente ay hindi na namin namamalayan ang takbo ng oras, pasado alas-dose na pala ng tanghali. Alam kong lahat kami ay nakakaramdam na ng gutom at pagod, ngunit hindi kami pwede magpahinga dahil nakasasalay samin ang kaligtasan at buhay ng mga pasiyenteng dinadala dito sa hospital.

NAGLALAKAD ako ngayon sa pasilyo dahil nag ra-round to round check ako sa mga pasiyenteng nasa waiting area at ward area. Nang mapansin kong pasalubong sa direksyon ko si Dreycon na may hawak na may tatlong paper bag, hindi parin pala siya umaalis. Talagang sinasagad ng taong 'to ang pasiyensa ko.

Hindi ko siya pinansin at tinungo ang batang nakaupo sa wheelchair na katabi ang IV stand kung saan doon nakasabit ang dextrose niya.

"Hey little girl, are you ok? may masakit ba sa'yo?" Malambing na tanong ko sa bata, isa siya sa mga batang naka-comfine dito sa hospital dahil sa sakit na leukemia.

"Ayos lang po ako Ate ganda," saad ng batang babae saka siya ngumiti sa akin."Ikaw po? ayos ka lang po ba? kasi po kanina pa po kita nakikitang pauli-uli para kamustahin 'yung mga tulad kong pasiyente. Hindi pa po kita nakitang nagpahinga. Sigurado po akong nakakaramdam kana rin po ng pagod." saad ng bata. Ngumiti ako at hinaplos ko ang ulo niya.

"Ganoon talaga, doktor si Ate ganda eh." Nakangiting saad ko.

"Fatima, binilhan kita ng makakain. Ito o, kumain ka muna." Rinig kong malambing na boses ng lalake, at mula sa aking peripheral vision ay nakita ko ang kamay ng lalakeng naka asul na jacket na may inabot na paper bag sa batang kausap ko. Kaya agad akong lumingon sa kaniya, walang iba kundi si Dreycon kaya agad na kumunot ang noo ko.

"Maraming salamat po, kuya pogi." Nakangising saad ng bata at may magkahalong excitement ng buksan ang laman ng paper bag na may logo pa ng isang kilalang fast-food chain.

"Wag mo akong simangutan, ito ang para sa'yo." Nakangiting saad ni Dreycon ng iabot sa akin ang isa pang paper bag na hawak niya. Pero tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.

"I don't need that, I can buy my own." sarkastikong pagkakasabi ko.

"Paano ka makakabili eh sobrang busy mo sa mga pasiyente mo? pananghalian na, imposibleng hindi pa kumakalam 'yang sikmura mo. For sure, nagwawala na 'yan. Doctor ka, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Kasi kapag nagkasakit ka, paano ako? mag-aalala ako ng sobra sa'yo," aniya.

"P'wede ba Dreycon, kahit ngayon lang umalis ka sa harapan ko dahil baka hindi kita matan----" natigil ako sa pagsasalita ng biglang kumulo ang tiyan ko.

"Sabi sa'yo eh, gutom ka na."

"Sige na po Ate ganda, tanggapin mo na po 'yung binibigay sa'yo ni Kuya pogi. Ako nga po tinanggap ko eh kahit kanina ko lang po siya nakilala, kasi siya po 'yung nagbolontaryong magbantay sa akin nang may kunin pansamantala yung nurse ko doon sa silid ko." saad ng batang si Fatima, saka siya tumingala kay Dreycon at nag thumbs up pa.

"Pati ba naman bata, kinokotsaba mo Dreycon?" Inis na tanong ko, pagkatapos ay agad na rin akong umalis pero tulad ng inaasahan, sinundan pa rin ako ni Dreycon.

"Sige na tanggapin mo na 'to, tapos kainin mo rin. Promise, titigil na ako sa pangungulit sa'yo. Basta, tanggapin mo lang 'tong binibigay ko sa'yo." pamimilit ni Dreycon habang sinasabayan niya akong maglakad. Sandali akong tumigil sa paghakbang at tinignan siya ng masama.

Huminga ako ng malalim saka kinuha sa kamay niya ang paper bag.

"Ngayon, p'wede kana bang umalis?" Seryosong tanong ko.

"As I wish. Pero, wala man lang bang kiss d'yan?" Nakangising saad niya. Napahigpit ang hawak ko sa paper bag dahil sa pangigigil ko sakaniya at kung wala lang ibang tao at CCTV ay sinapak ko na ang lalakeng 'to.

"Relax ok? ito na nga eh, aalis na ako. Pero may isa pa sana akong kondisyon, bago kita tuluyang tigilan," saad ni Dreycon.

"Ano?!"

"Gusto sana kitang yayain na kumain sa labas, manood ng sine, mag star gazing, magkasamang panoorin yung sunset o kaya naman mag out of town," aniya.

"Alam mo, hindi mo lang sinasagad ang pasensya ko. Sinasayang mo lang din ang oras ko." sarkastikong pagkakasabi ko at agad na rin akong umalis.

"Magiging akin ka rin Dra. Jessica, mamahalin mo rin ako." Sigaw pa ni Dreycon ngunit nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating sa pintuan ng elvator ay agad kong pinindot ang botton, ilang saglit lang ay bumukas na ito kaya naman pumasok na ako agad.

Pagpasok ko pa lang ay napansin ko na ang babaeng naka suot ng off-sholder maroon dress at kulay pastel pink ang mahaba nitong buhok na medyo curly sa laylayan.

Muling pinindot ko ang botton na paakyat sa 6th floor, at tuluyan ng nagsara ang pintuan ng elevator.

"J-Jessica Amanda?" sambit ng babae na nakasabay ko sa elevator, kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Sofina Genevieve?" Hindi makapaniwalang sambit ko ng makita ang dati kong kaklase noong high school.

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon