CHAPTER 19

179 14 2
                                    

ASTRID POV

ILANG araw na rin ang lumipas magmula nang may mangyari samin ni Harvin. Hanggang ngayon, wala parin akong pinagsasabihan. Ayaw ko kasi bumaba ang tingin nila sa akin. Kahit kila Mommy at Daddy, ay hindi ko rin sinasabi dahil tiyak akong magagalit sila ng husto sa akin.

"Astrid! nandito yung mga kaibigan mo." Rinig kong sigaw ni Daddy sa unang palapag. Nilapag ko ang librong binabasa ko sa bedside table, at agad na rin akong bumaba ng kama ko saka ko lumabas ng silid kung saan nadatnan ko sila na nasa sala at kausap si Mommy.

"Oh! buti nakapasiyal kayo." Nakangiting saad ko, ayaw ko kasing ipahalata na may pinagdaraanan ako. Kailangan lagi parin ako nakangiti, dahil 'yun ang nakasanayan nila sa akin.

"Maiwan ko muna kayo." Mahinahong saad ni Mommy bago 'to tumayo sa kinauupuan niya.

"Sige po Tita, salamat po sa pameryenda." Nakangising saad ni Stella.

Umalis na si Mommy kung kayat naiwan na lang kaming tatlo dito sa may sala.

"Ilang araw kana kasing hindi nagpaparamdam kaya naisipan namin na may halfday muna sa opisina para mabisita ka," saad ni Samantha.

"Bakit? multo ba ako para magparamdam?" sarkastiko kong saad saka mahinang tumawa.

"Pilosopo ka talaga 'no? ikaw na nga 'tong binibisita dahil namimiss ka namin, ikaw pa galit?" saad ni Stella.

Oo nga pala, ilang araw na rin pala akong hindi tumatawag o nagme-message man lang kila Stella at Samantha. Hindi rin ako sumasama sa mga gimik nila, feel ko kasi hindi na ako bagay pang makihalubilo pa sa mga kaibigan ko.

"Wala lang talaga ako sa mood na gumala." Matabang kong saad ko.

"Bakit? may problema ka ba?" saad ni Stella.

"W-Wala naman."

"Matagal na tayong magkakaibigan, alam na natin kung may problema ang isa satin by just simple looking at each other's eyes. At sa tingin ko, may hindi ka sinasabi sa amin." Mahinahong saad ni Samantha ng hawakan niya ang kamay ko."Spill it."

Agad ko binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Samantha at saka ako umiwas ng tingin sa kaniya.

"Alam ko na kung anong problema nitong kaibigan natin." Biglang sabat ni Stella kaya ako napatingin sa kaniya, she knows?

"A-Alam mo?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Nararamdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko dahil sa tindi ng kaba.

"Oo, for sure si Dreycon na naman. Nireject kana naman ba for the nth time?" aniya at tila nakahinga ako ng maluwang, akala ko alam niya na talaga.

"G-Ganoon na nga. Pero sanay na rin ako, hindi niya nga siguro talaga ako matutunan mahalin kahit anong gawin ko. Siguro para sa kaniya, masiyado akong poisonous kaya kahit kunting pagtingin hindi niya man lang akong matapunan," sambit ko habang nagpipigil na pumatak ang aking luha.

"Ang dami-dami naman kasing lalaki sa mundo, nagti-tiyaga ka kay Dreycon. Nand'yan naman si Harvin na matagal ng may lihim na gu---" Natigilan si Stella sa sasabihin niya matapos kong mapansin na hampasin siya ni Samantha sa hita.

Anong alam na mga 'to na hindi nila sinasabi sa akin?

"Ang ibig sabihin ni Stella, nand'yan naman daw si Harvin pwede ka magpatulong sa kaniya na hanapan ka ng lalakeng p'wede mong maka-date. Hindi lang naman si Sebastian at Dreycon ang gwapong kaibigan ni Harvin eh. 'Yung may ari rin ng Heartbdeak Hotel, 'yung high-end bar na pinuntahan natin. Sa pagkakaalala ko, dating kalaro ni Harvin sa basketball yung may ari ng HBH," aniya Samantha. Pero hindi 'yun ang narinig kong huling sinabi ni Stella.

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon