CHAPTER 8

238 20 0
                                    

"Ito na margarita mo, wag ka mag alala hindi naman masyado malalasing niyan," saad Stella nang iabot sa kin ang magandang baso na naglalaman ng margarita. Kinuha ko 'yun at naupo narin sa upuan ko kanina.

"Your hands are trembling, are you ok?" May pag-aalala sa tono ng boses ni Samantha.

"Y-Yes." Nauutal ko pang sagot. Minabuti kong wag na lang ang ipaalam ang nangyari kanina, wala narin naman silang magawa dahil tapos na, nangyari na. Mabuti na lang talaga dumating si Harvin kanina.

"You sure? you look scared kasi eh. Namumutla din 'yung labi mo. Ayos ka lang ba talaga? kasi kung hindi, we can go home na," saad ni Stella.

Pasimple naman akong napasulyan sa gawing kanan ko, nakita ko si Harvin kasama ang kaibigan niyang si Sebastian na nakaupo sa isang table. Nang magtama ang aming mga mata ay kaagad siyang ngumiti sa akin. Awtomatiko naman kumurba ang ngiti sa labi ko.

"Sinong tinitignan mo, Astrid?" Nagtatakang tanong ni Stella sa akin kaya agad akong lumingon sakaniya.

"H-Huh?"

"Wait, si Harvin at si Sebastian ba 'yung nasa table na 'yun?" Hinala ni Samantha sabay nguso sa kinauupuan nina Harvin at Sebastian.

"I think so, but what are they doing here? are they stalking us?" Maarteng boses ni Stella.

"H-Hindi naman siguro, baka nagkataon lang din nasa iisang lugar tayo," saad ko.

"Kung nandito sila Harvin at Sebastian, siguro nandito si Dreycon. Alam mo naman ang tatlong 'yon, hindi napaghihiwalay," saad ni Samantha.

Pero wala naman nabanggit sa akin si Harvin na kasama nila si Dreycon. Isa pa, parang katulad ko lang din si Dreycon, hindi siya mahilig sa mga ganitong klaseng lugar. Ang hilig lang niya ay mag-basketball at mag-painting kapag wala siyang pasok sa opisina. Vice President kasi siya ng sarili nilang kumpanya, isang luxurious clothing brand.

But wait, sino nga kaya ang babae na ipinipinta ni Dreycon? siya nga kaya ang dahilan kaya halos hindi ako mapansin ng lalakeng mahal ko? whoever she is, she's so lucky pero hindi ako papayag na mapunta sakaniya si Dreycon. Kaya kailangan kong malaman kung sino ang babaeng 'yon at kung saan ko siya p'wedeng makita.

"Astrid, saan ka pupunta?"  Nagtatakang tanong ni Stella nang tumayo ako sa kinauupan ko.

"May itatanong lang ako kay Harvin." Sagot ko at naglakad na ako patungo sa kinaroroonan nina Harvin at Sebastian.

"Can I sit here?" Nakangiting tanong ko sabay turo sa bakanteng upuan sa pagitan nilang dalawa. u-shape kasi ang sofa na kanilang inuupan. Sa gitna nito ay ang round table.

"Sure," saad naman ni Harvin.

"P'wedeng papuntahin mo rin dito si Stella?" saad ni Sebastian, hindi naman lingid sa kaalaman ko na matagal ng may gusto si Sebastian sa kaibigan kong si Stella.

"Bakit mo 'ko inuutusan? ikaw kaya lumapit sa kaniya, ikaw may kailangan diba?" sarkastikong pagkakasabi ko.

"So may kailangan ka sa akin kaya mo 'ko nilapitan?" tanong ni Harvin kaya ako napalingon sakaniya.

"Exactly." Agad na tugon ko.

"Ano 'yun?"

"Kanina kasi, when I visit Dreycon at their house. Nadatnan ko siyang nagpi-painting. Mukha ng isang magandang babae ang ipinipinta niya. You know how much I love Dreycon ever since. Kaya gusto kong itanong sa'yo, kung meron na bang ibang babaeng nakapukaw ng atensyon ni Dreycon? 'yung babaeng pinipinta niya, 'yun ba ang babaeng 'yon?"

Sandaling tumitig sa akin si Harvin bago ito nagsalita.

"Walang nababanggit sa'min si Dreycon, tungkol sa babaeng sinasabi mo. Sa tagal na magkakakikala tayo, kabisado mo na si Dreycon. Malawak ang imahenasyon niya sa pagpipinta. Baka 'yung babaeng nakita mong ipinipinta niya, ay ideal woman lang niya pala."

"Pero kasi----"

"Astrid, wala naman dito si Dreycon. Kaya kung p'wede wag na lang natin siya pag-usapan. Kahit isang oras lang, hayaan mong maging masaya ka na hindi sumasagi sa isip mo si Dreycon." mahinahong saad ni Harvin, saka siya ngumiti sa akin. Tumango na lamang ako.

JESSICA POV

NAKANGITI AKO habang nakakasalubong ang ilang kapwa ko doctor, nurse at mga pasiyente dito sa hospital. I want to start my day with full of positivity.

Pero napawi ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang lalakeng nagpanggap na may masakit sa kaniya 'yon pala ay pinagti-tripan lang ako, si Dreycon na kausap ang dalawang nurse na babae sa nurse desk.

Agad kong tinungo ang nurse desk upang pagsabihan ang dalawang babaeng nurse na tila kinikilig pa habang nakikipagbolahan kay Dreycon.

"Oras ng trabaho, hindi ba?" sarkastikong saad ko sa mataray na tono ng boses.

Halos hindi naman nakatingin sa akin ng diretso ang dalawang nurse at agad na bumalik sa kani-kanilang trabaho.

"Ang aga-aga, ang sungit mo." Nakangising saad ni Dreycon, kaya naman tinignan ko siya ng masama at agad na rin ako umalis. Pero makulit 'tong si Dreycon at sinusundan ang bawat hakbang ko, hanggang sa humarang na siya sa daraanan ko.

"Ano bang problema mo?!" Inis na inis na tanong ko sa kaniya.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko, Dra. Jessica!" mataas na tono na boses ni Dreycon dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa lobby."Dahil magmula ng magkros ang landas natin, hindi kana naalis sa isipan ko. Gabi-gabi na lang nasa panaginip kita, at pag pagdilat ng mata ko, mukha mo ang nakikita ko kahit wala ka naman sa tabi ko." Giit ni Dreycon.

"P'wede ba, wag kang gumawa ng esksena rito sa hospital. Oo pinalagpas ko ang ginawa mo noon ng pagtripan mo 'ko, pero hindi ibig sabihin ay natutuwa ako sa'yo." Mariing pagkakasabi ko."Nakikita mo 'yung IV stand na hawak ng pasiyente? wag mong hintayin na ihampas ko 'yun sa'yo." Pagbabanta ko.

Ngumisi si Dreycon at saka siya naglakad papalapit sa akin ngunit hindi ako nagpatinag, sinalubong ko ang mga titig niya sa akin.

"Kung hampas 'yan ng pagmamahal, sige hampasin mo 'ko ng pagmamahal mo Dra. Jessica Amanda Lim Perez." Nakangiting saad niya ng sambitin niya ang buong pangalan ko.

"Ayieeee!!" Rinig kong kinikilig na saad ng mga nurse na narinig ang sinabi ni Dreycon.

Nahagip ng aking peripheral vision ang tila malaking aninong itim na malapit sa main door ng hospital. Muli ay nabalot ng matinding kaba at takot ang aking buong katawan. Nakita ko rin ang anghel ng kamatayan na siyang sumusundo sa mga taong pumanaw na.

Ilang saglit pa, nagsunod-sunod na ang dating ng mga ambulansya sa tapat ng hospital. Habang hindi naman magkamayaw ang mga nurses hila-hila ang stretcher upang sumalubong sa mga ambulansya sa labas. Sunod-sunod na ibinaba ang mga duguang pasiyente na lulan ng mga ambulansyang dumating.

Ang ilan ay unconscious habang nakahiga sa stretcher, ang iba naman ay umiiyak sa tindi ng kirot na kanilang nararamdaman dulot ng aksidenteng kinasangkutan.

Tumulong na ako sa mga nurse sa pag-alalay sa mga pasiyenteng ibinaba mula sa ambulansyang dumarating.

"Kumapit po kayo sa akin, aalalayan ko po kayo." Napatingin ako sa nagsalita, si Dreycon na inaalalayan ang medyo may edad ng babae na may mga galos sa braso at paa. Binuhat ni Dreycon ang matandang babae saka niya 'to inihiga sa stretcher at tumulong din na dalhin sa ward area for first aid treatment.

"What happened? bakit sunod-sunod ang dating ng mga ambulansya." Pagtatakang tanong ko kay Nurse Ella.

"May aksidente raw po nangyari ilang kilometro lang ang layo mula dito sa hospital. Nagkabanggaan daw po yung dalawang bus, tapos may nadamay pang mga nasa tabing kalsada," saad ni Nurse Ella at aga na rin 'tong umalis tulak-tulak ang stretcher na may lulan na batang lalakeng duguan.


SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon