CHAPTER 12

195 18 3
                                    

ASTRID POV

"Sebastian." Tawag ko sa pangalan ng isa kaibigan ni Dreycon, mukha naman 'tong nagulat dahil sa biglaang pagtawag ko sa pangalan niya at muntik pa mabitawan ang cellphone na hawak niya.

"Nakakagulat ka naman, Astrid! kanina mo pa ba ako sinusundan?" aniya habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib.

"May gusto lang akong itanong." Seryosong saad ko.

"Ano? tungkol saan?"

"Narinig ko 'yung pag-uusap niyo nina Harvin at Dreycon kanina," saad ko.

"Ah 'yun b-ba?" Nauutal niyang saad at napakamot pa sa kaniyang ulo.

"Jessica ang pangalan niya hindi ba? so, Doctor pala siya." I raised my right eyebrow.

"Naku Astrid, w-wag mo na iniintindi 'yun. Wala lang 'yun. Isa pa----"

"Saang Hospital siya nagta-trabaho?" Pagputol ko sa sinasabi ni Sebastian.

"H-Huh?"

"Sasabihin mo sakin kung saan o sasabihan ko si Stella na 'wag ka ng pansinin?" pananakot ko pa.

"K-Kasi, ano eh..B-Baka----"

"Ok, madali naman akong kausap." Seryosong saad ko nang muling magsalita si Sebastian dahilan upang mapatigil ako sa paghakbang.

"S-Sige, sasabihin ko na. Pero 'wag mong sasabihin kay Dreycon na ako 'yung----"

"H'wag ka mag-alala, maayos akong kausap," saad ko.

"Sa Miraculous Faith Hospital nagtatrabaho si Dra. Jessica, Cardiologist siya doon." tila napipilitang saad ni Sebastian."Basta ah, 'wag mong sasabihin kay Dreycon. Naku! magagalit talaga 'yun sa akin." Pag-aalala niya.

MATAPOS kong malaman kung saan Hospital nagta-trabaho ang Jessica na 'yun ay hindi na ako nag-dalawang isip pa at agad na akong nagtungo sa isa sa malaki at pribadong hospital sa Manila.

"Excuse me, p'wede magtanong?" Mahinahong saad ko sa babaeng nurse nasa Nurse Desk.

"Yes po?" aniya.

"Saan ko p'wedeng makita si Dra. Jessica?" Tanong ko.

"Ah, si Dra. Jessica po ba? may appointment po ba kayo sa kaniya?" Balik na tanong sa akin ng nurse. Magdadahilan pa sana ako ng mahagip na ng mata ko ang babaeng hinahanap ko na lumabas ng elevator, nakasuot ito ng puting-puting laboratory gown at nakasabit sa kaniyang leeg ang stethoscope.

"Ano pong pangalan nila, Ma'am?" aniya.

"Hindi na kailangan," sambit  ko at agad na rin umalis upang sundan si Jessica.

"Dra. Jessica, pwede ba tayo mag-usap?" Seryosong saad ko nang magpang-abot na kami ni Jessica, kaagad niya rin naman ako nilingon.

"May I know you?" Balik na tanong niya sa akin sa mahinahon na tono ng boses.

"Hindi pa, pero p'wede naman akong magpakilala sa'yo. Sa paanong paraan mo ba ako gusto makilala? at anong side ko ang gusto mong makilala? yung angel side ko ba? o baka naman 'yung devil side ko." sarkastikong pagkakasabi ko habang nakataas ang isa kong kilay at naka-cross arm pa.

"I don't understand you."

"Lalayuan at iiwasan mo ang lalakeng mahal ko, kung ayaw mong maging isa sa pasiyente ng hospital na 'to." Seryosong pagbabanta ko.

"Lalakeng mahal mo? sino ba tinutukoy mo?" Pag mamaang-maangan pa niya.

"P'wede ba Jessica, hindi ka naman siguro bobo at tanga para hindi ako maintindihan."

"Ayaw ko ng maraming paligoy-ligoy, diretsuhin mo na 'ko. Ano bang pinupunto mo?!"

"Si Dreycon." Agad kong tugon."Akala mo siguro hindi ko malalaman na may balak ang ahasin sakin ang boyfriend ko." Panggigigil ko. Sinabi ko lang din na boyfriend ko na si Dreycon para tuluyan na niya 'tong iwasan.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, una sa lahat bago mo 'ko sugurin at akusahan ay inalam mo muna kung totoong inaahas ko nga sa'yo ang boyfriend mo. Wala akong pakialam kung may devil side ka pa o anak ka ni Satanas. H'wag mong hintayin na maubos ang pasensya ko at baka masakal kita ng stethoscope." matapang nitong saad habang pinandidilatan ako ng mata."And one more thing, try to change the shade of your lipstick. Hindi kasi bagay sa skin tone mo," saad nito bago ako nito tinalikuran.

Abot langit na ang panggigigil ko sa kaniya kaya naman agad kong hinablot ang buhok nitong kulay brown.

"Tama ka nga Dra. Jessica, anak nga ako ni Satanas." Mariing pagkakasabi ko habang mahigpit kong hawak ang kaniyang buhok.

Handa ko na sana ihampas ang ulo ni Jessica sa tiles na flooring kahit pa may mga ibang tao sa lobby na nakakasaksi sa akin. Ngunit natigilan ako nang makita ko si Dreycon na nanlilisik ang mata nito sa galit na nakatingin sa akin.

"Astrid!!" Iba ang timbre ng boses ni Dreycon nang tawagin niya ang pangalan ko.

"D-Dreycon.." Nauutal kong sambit at unti-unti nang binitawan ang buhok ni Dra. Jessica.

Agad na naglakad si Dreycon palapit sa direksyon namin at hinatak ang kamay ni Jessica papunta sa likod niya. Masama ang tingin sa akin ni Jessica habang inaayo nito ang gusot-gusot niyang buhok.

"Ano ba pumasok d'yan sa utak mo at naisipan mong mag eskandalo dito? At nagawa mo pang saktan si Jessica?!" Mataas na tono ng boses ni Dreycon, dahilan upang pagtinginan na kami ng mga tao dito sa lobby.

"Dahil gusto kang agawin sakin ng babaeng 'yan!" Buwelta ko sabay duro kay Jessica na nasa likod ni Dreycon.

"Wala akong inaagaw sa'yo!" Depensa ni Jessica sa sarili niya.

"Anong wala eh ob----"

"P'wede ba Astrid, tama na?! Kasi kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita matutunan na mahalin. Hindi kita gusto ok? kahit katiting na pagmamahal, wala akong nararamdaman para sa'yo." Mariing paliwanag ni Dreycon at parang paulit-ulit na minamartilyo ang puso ko sa mga sinasabi niya.

"Nasasabi mo lang 'yan kasi nagagalit ka sa ginawa ko."

"Galit man ako o hindi, walang magbabago Astrid. Hindi parin kita matutunan mahalin." mariing pagkakasabi ni Dreycon. Walang kasing sakit ang marinig ang mga katagang iyon mula sa taong sobra mong minamahal. Hindi ito ang unang pagkakataon na marinig ko mula kay Dreycon ang katagang 'Hinding-hindi kita matutunan mahalin' pero kahit ganun, tila isang droga si Dreycon sa buhay ko na kahit alam kong hindi pwede ay pinagpipilitan ko parin. Dahil sa hindi ko siya magawang bitawan.

"Dreycon.." Hahawakan ko sana siya nang tabigin niya ang kamay ko.

"Sa oras na saktan mo ulit si Jessica, ako na ang makakalaban mo," aniya habang dinuduro ako.

Pagkatapos ay sabay silang umalis ni Jessica, hawak niya pa ang kamay nito habang naglalakad papalayo.

Doon na nagsimulang mag unahan sa pagpatak ang aking luha na kanina pa gustong bumagsak. Wala ng sasakit pa sa halos sampong beses o higit pa na pangre-reject sa'yo ng taong sobrang minamahal.

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon