CHAPTER 14

189 13 2
                                    

"Alam mo kung nasa lobby lang ako kanina at naabutan ko 'yung babaeng 'yon? Naku, Ja sinasabi ko sa'yo matitikman niya ang galit ni Roce Rysemaro." Ngitngit ni Roce nang puntahan niya ako dito sa clinic ko.

"Mabuti na lang talaga at wala ka kanina," saad ko.

"At natutuwa ka pa na wala ako?"

"Hindi sa gano'n, pero kasi kung nadatnan mo 'yung bangayan namin kanina baka nasa ICU na 'yung Astrid na 'yon ngayon. At ikaw? for sure nasa kulungan ka. Sa pagkakaalam ko pa naman, dating nasa politiko ang Mommy ni Astrid."

"Alam mo Ja, kahit presidente pa ang mommy ni Astrid o kung sino man sa pamilya niya. Mali parin 'yung ginawa niya, susugod siya rito para ano? para sabihing inaahas mo ang boyfriend niya eh ang totoo naman ay 'yung boyfriend niya naman talaga ang habol nang habol sa'yo. Mag e-eskandalo siya dito sa hospital tapos pag pinatulan siya magsusumbong siya sa awtoridad? very wrong move." Giit ni Roce, well she has a point.

"Pero sabi ni Dreycon, wala silang relasyon ni Astrid." Mahinahong saad ko.

"Kung wala, eh bakit ang lakas ng loob ng babaeng 'yon na sugurin ka? saka kahit anong sabihin mo, nanggigigil pa rin ako sa Astrid na 'yun. Gusto ko sila pagbuhulin ni Dreycon." Muling ngitngit ni Roce.

"Naiinis ka pa rin ba?" Mahinahong tanong ko.

"Hindi lang ako basta naiinis, Ja. Sobrang nanggigigil ako," aniya at kinuyom niya pa ang dalawang kamay niya.

"Ah ok, ililibre sana kita Samgyeop mamaya. May bagong bukas kasi malapit lang sa dati nating school noong college," saad ko, ang kaninang nangigigil na itsura ni Roce ay bigla na lamang napalitan ng abot tengang ngiti.

Roce Rysemaro, duality.

"Bakit nakangiti ka?"

"Huh? na-realize ko kasi na maaga kang tatanda kapag nakasimangot ka lagi. Teka, saan nga tayo pupunta mamaya?" aniya.

"Ewan ko sa'yo."

"Ja..."

"........."

"Samgyeop mamaya?"

"Ewan."

"Basta sinabi mo na 'yan, manlilibre ka ng Samgyeop. Tatawagan ko rin si Mavy mamaya, para sumabay siya satin."

"Ikaw bahala."

"Hoy ano ba, nagtatampo ka ba sa akin? ikaw na nga lang nag-iisang kaibigan ko magtatampo ka pa." Nakasimangot na saad ni Roce.

Tinignan ko naman siya ng seryoso.

"Ikaw naman kasi, masyado kang highblood. Naka ilang chicharon at balot ka ba kagabi?"

"Sorry, ayaw ko lang naman na inaapi ka. Ayaw kong may umaaway sa'yo. At higit sa lahat, ayaw kong nakikita kang nasasaktan," saad ni Roce na parang iiyak na dahil nagka-crack na ang boses niya habang nagsasalita.

Tumayo ako mula sa aking inuupuan at saka ako lumapit kay Roce.

"Salamat." Isang salita ngunit malalim ang kahulugan para sa akin. Hindi lang basta best friend ang turing ko kay Roce, para ko na siyang kapatid.

"Basta 'yung sinabi mo ah, manlilibre ka."

"Opo."

ASTRID POV

NANDIRITO ako ngayon sa Heartbreak Hotel, gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak buong gabi. Baka sakali pagsikat ng araw ay malimutan ko nang minsan ako nagmahal ng lalake na hindi kayang suklian ang pagmamahal ko.

Nakakailang shot palang ako ng Tequila pero pakiramdam ko ay umiikot na ang aking paligid. Parang babagsak na rin ang mata ko sa sobrang antok at kalasingan.

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon