CHAPTER 7

261 18 2
                                    

ASTRID POV

PAGBABA KO NG KOTSE ay agad ko tinungo ang gate na asul saka ko pinindot ang doorbell. Makadalawang beses ko pa 'tong pinindot bago ko nakita si Lola Alicia na lumabas mula sa pintuan ng kanilang bahay.

"Ikaw lang pala Astrid, akala ko kung sino na." Natatawang saad ni Lola Alicia nang buksan na niya ang gate upang papasukin ako.

"Good morning po, nand'yan po ba si Dreycon?" Magalang na pagbati at tanong ko kay Lola Alicia.

"Oo, nasa sala siya. Halika ka tuloy ka hija," aniya, pagkatapos ay sabay kaming naglakad patungo sa main door ng kanilang bahay.

"Dreycon, may bisita ka. Si Astrid," saad ni Lola Alicia upang pukawin ang atensyon ni Dreycon na abala sa pagpipinta.

"Hi Dreycon. Siya nga pala, dinalhan kita ng paborito mong Hawaiian pizza." Nakangiting saad ko, ngunit hindi man lang ako tinapunan nang tingin ni Dreycon. Kaya agad na napawi ang ngiti sa labi ko.

"Sandali lang at maiwan ko muna kayo, para naman makapag usap kayo ng maayos ng aking apo," saad ni Lola Alicia at agad na rin 'tong umalis.

Dahan-dahan akong lumapit kay Dreycon at saka ko nilapag ang karton ng pizza sa coffee table.

"Pasensya kana sa kakulitan ko." Mahinahong saad ko, agad naman tinalikod ni Dreycon sa akin ang pinipinta niya, ngunit bago pa man niya 'yun magawa ay nakita ko na kung anong pinipinta niya, mukha ng isang magandang babae.

"May usapan ba tayong magkikita tayo ngayon?" Seryosong tanong niya ng tumingin siya sakin.

"W-Wala naman, gusto lang kita pasiyalan. Gusto lang kita----"

"Could you just leave me alone for once? Hindi ka ba talaga napapagod sa kakasunod at pagpapapansin sakin? hindi ka ba nagsasawang mahalin ako kahit maraming beses na kitang ni-reject?! How many times do I need to tell you? HINDI KITA MAHAL, AT KAHIT KAILAN, HINDI KITA MATUTUNAN MAHALIN." Mataas na tono ng boses ni Dreycon. Bawat salitang binibitawan niya ay tila kutsilyong bumabaon sa puso ko. Walang kasing sakit.

Pinipigilan ko ang luha kong pumatak sa harapan ni Dreycon, ayaw kong ipikita sa kaniyang nasasaktan ako sa mga sinabi niya.

"Alam mo kung bakit hindi ako nakakaramdam ng pananawa o pagod kahit makailang ulit mo na akong ipagtabuyan? Kasi mahal kita, kaya kahit ang sakit-sakit na dahil sa paulit-ulit mong pangre-reject sakin, niminsan ay hindi pumasok sa utak ko na tumigil mahalin ka. Saktan mo 'ko hanggat gusto mo, pero hindi yun magiging rason para mapagod akong mahalin ka." Mariing pagkakasabi ko.

Hindi nagsalita si Dreycon at agad na nag walk-out, naiwan akong mag-isa sa sala ng bahay nila kaya naman hindi ko na napigilan ang pagragasa ng mga luha sa aking mata.

They say I'm dumb for loving someone who can't love me back. Tanga na kung tanga, pero ganun siguro talaga kapag nagmamahal. Lahat ng kirot ng pwede mong maramdaman lahat titiisin mo, sa ngalan ng pagmamahal.

——

NAKATITIG LAMANG AKO sa pagkain na nasa aking harapan, bagamat 'yun ang inorder ko kanina ng lumapit sa table namin ang waiter pero wala akong ganang kainin 'yon.

"Astrid, hindi ka mabubusog kung titignan mo lang 'yan. Ang mahal ng pagkain na inorder mo tapos tititigan mo lang?" saad ni Samantha matapos niyang picturan ang pagkain na nasa plato niya. Ipo-post na naman niya 'yon sa kaniyang InstaTweetBook.

"Kainin niyo nalang kung gusto niyo." Matabang na saad ko.

"Astrid, cheer up. C'mon, lalake lang 'yan. Kung gusto mo punta tayo sa Heartbreak Hotel mamaya? maganda doon and for sure mag e-enjoy ka." Nakangising saad ni Stella.

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon