CHAPTER 3

332 25 1
                                    

AS I ENTER the Hospital, I saw the nurses trying to be helpful directing you to where you would like to go. The floor is shining clean and the long corriors. At the nurse desk, a lot of laughs although rule is of 'Shhh'. Nurses no longer wearing white starched uniform, neither white shoes or stocking.

Naglakad na ako patungo sa nurse desk upang itanong kung saan ko p'wede puntahan ang napakagandang doktora na si Jessica Amanda. Ngunit papalapit pa lang ako sa nurse desk nang masulyapan ko na ang babaeng hinahanap ko, kasalukuyan siyang nakikipag usap sa kaniyang pasiyente. Awtomatikong kumurba sa labi ko ang matamis na ngiti as I walked towards her direction.

"Salamat po, Dra. Jessica." Nakangiting saad ng ginang na nakahawak sa kamay ng kaniyang anak na batang lalake.

"Wala po 'yun Mrs. basta po 'yung bilin ko po, wag niyo po sanang kakalimutan. 3x a day po ang pagpapa-inum sakaniya, at yung mga pagkain din po na bawal sa kaniya iwasan nalang po na makain ng bata." Nakangiting saad ni Dra. Jessica at pati mata niya ay ngumingiti din."Magpagaling ka little boy," aniya nang guluhin niya ang buhok ng batang lalake. Agad naman ngumisi sa kaniya ang batang lalake.

Natagpuan ko na lang din ang sarili kong naka-crossed arm habang nakangiti na minamasdan sila. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakaalis na ang mag-ina, at nang magtama ang paningin namin ni Jessica ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.

Agad din siyang humakbang palayo pero mabilis ko siyang sinundan.

"Jessica...I mean, Dra. Jessica," sambit ko dahilan upang mapatigil siya sa paghakbang at lingunin ako na nakakunot ang noo nito. Pero agad ko 'tong sinuklian nang matamis kong ngiti.

"May kailangan ka ba sa kin?" Mahinahon ngunit mahinahon niyang tanong sakin.

"A-Ako 'yung sa convience store kanina 'yung----"

"Alam ko, natatandaan kita. Hindi pa naman ako makakalimutin para hindi ka matandaan. Pero marami pa kasi akong pasiyenteng kailangan asikasuhin, kaya maiwan na kita," aniya paalis na 'to ng humarang ako sa daraanan niya.

"I am your patient too. Aray ko, ang sakit." Pag arte ko sabay hawak sa parteng dibdib ko na malapit sa puso.

"Anong nangyayari sa'yo?" May pag-aalalang tanong niya nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.

"Y-Yung puso ko Doc. bigla nalang kumirot." Pag inarte ko.

"Tara doon tayo sa clinic ko nang ma-check up kita," aniya saka ako inalalayan na maglakad, pasimple naman gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ko.

NANDITO na kami sa loob ng clinic niya, nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Puro litrato ng Human Heart (Anatomy), napansin ko rin ang ilang tropiyo at sertipiko ng pagkilala na nakapangalan kay Jessica. Marahil ay magaling nga siyang Cardiologist.

Naupo ako sa isang upuan at pagkatapos ay tinanggal ni Jessica ang stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg.

"Hingang malalim," aniya nang itapat niya ang diaphragm o parte ng stethoscope sa dibdib ko, habang ang earpiece ng stethocope ay nasa magkabilang tenga niya. Agad naman akong huminga ng malalalim pero nananatili ang mata ko sa mala-dyosang mukha ni Jessica.

"Did you hear it Doc?" sinserong tanong ko. Agad naman siyang tumingin sa akin.

"Your heart beat seems to be normal. Nothing to worry about," aniya at akmang aalisin na niya ang pagkakalapat ng diaphragm sa dibdib ko ng hawakan ko ang kamay niya.

"Pakinggan mo Doc, pakinggang mo ang bawat pintig ng puso ko. My heart beat say your name," sincere na saad ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

SEE THROUGH IT (Published under Ukiyoto Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon