Chapter 12

178 6 5
                                    

Charles' POV

"Huwag ka ng mag-alala Charles. Kami na bahala sa lahat. Good luck!" nakangiting sabi ng president ng Math Club.

"Maraming salamat, bro." pagkasabi ko niyan ay tinapik ko siya sa balikat at umalis na.

Kagagaling ko lang sa office ng Math Club. Sila kasi ang in charge sa event ng school ngayon at kinailangan ko ng tulong ng organizers at officers.

This is it. Aamin na ako.

Nakatanggap ako ng text mula kay John kung nasaan sila  ngayon kaya naman nagpunta na agad ako. Naabutan ko dun ang barkada pero may nakita akong isang taong nakapagpakunot ng noo ko, si Rence. Nagtama ang tingin naming dalawa kaya naman tumango ako sa kaniya.

"Oh ayan na si Charles. Tara na! Wala na tayong mauupuan." Biglang sabi ni Olivia nang makita niya ako.

Nangunguna ang mga babae papuntang theater hall habang nasa likod naman kami. Bigla naman akong inakbayan ng dalawang unggoy.

"Orb naman, ang bagal mo! Pumorma na naman yung karibal mo kanina!" bulong ni Paul sa akin.

"Oo nga orb. Saan ka ba kasi nanggaling?" pagsingit naman ni John.

Ngumisi ako at sinabi sa kanila ang plano.

"Tangina! Aamin ka na talaga?!" tanong na pasigaw ni Paul kaya agad siyang binatukan ni John.

"Gago! Isigaw mo pa nang marinig ni Julia!" pasigaw na bulong naman ni John kaya agad ko silang binatukan.

"Eh kung paghahampasin ko kaya kayo? Sige, ingayan niyo lang nang marinig tayo."

"Ikaw kasi." Rinig kong bulong ni Paul.

Nagsimula na ang program kaya naman tumahimik na kami. Habang papalapit ng papalapit ang last film, mas lalo akong kinakabahan. Tangina! Paano kung hindi siya pumayag? Anak ng!

"Orb! Ano? Tara na?" bulong ni John kaya napatingin ako sa kaniya na para bang nagtatanong.

"Gago! Dali na." hinila na ako ng dalawa kaya wala na akong nagawa.

Nagpunta kaming tatlo sa backstage at nadatnan namin yung mga schoolmates naming tutulong mamaya. Ang iba'y nakaupo at halatang naiinip na pero karamihan ay excited.

"Uy, nandiyan na si pareng Charles!"

"Good luck Charles!"

Binabati ako ng iba pero wala akong ibang ginawa kundi ang nginitian sila. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Parang kahit anong oras, mahihimatay ako sa sobrang kaba.

"Charles, tapos nang mapanuod yung film niyo. Ready ka na ba? Ipapapatay na namin yung mga ilaw." Napatingin ako sa schoolmate kong organizer ng event na to. Lahat naghihintay sa isasagot kaya naman ngumiti ako at tsaka tumango.

Lumabas ako sa stage at nagsimulang kumanta. Yung kaninang kaba na nararamdaman ko ay dumoble pa dahil nakita ko na siya. Napangiti ako sa reaksyon niya, para bang naguguluhan siya at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Nang makarating na kaming dalawa sa stage at ng kaharap ko na siya ng mas malapitan ay mas lalo akong kinabahan. Tangina naman oh.

"J-Julia."

TANGINA BAKIT AKO NAUUTAL! ANG BAKLA!

"Gusto kita." Nang sabihin ko yan ay nanlaki ang mga mata niya.

Akala ko, hindi siya papayag. Akala ko tatakbo siya palayo. Akala ko yayakapin niya ako at magsosorry dahil hindi pa siya handa.

Akala ko lang pala.

Best Guy Ever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon