Julia's POV
"Uy tara, libot naman tayo." Pag-aaya ni Annie. Nandito kami ngayon sa classroom kasama ang barkada. Ka-uumpisa lang ng High School Week celebration kahapon. At ngayon lang nagbukas ang mga booths sa may field namin.
"Eh pano kung mahuli tayo? Yung nagmamanage pa naman ng jail booth, kung ano-anong trip." Kontra naman ni Chandria.
"Tss." Tinignan naman ako ni Annie at sinabing, "Julia, samahan mo ako. Please?" napabuntong hininga na lang ako at tumayo. "Tara."
"Sama ako." Tumayo na si Charles at inakbayan ako. Hehe.
"Ako rin." Tumayo na rin si Paul at tumabi kay Annie.
"Di ako sasama. May pupuntahan ako. Maya na lang." napatingin kaming lahat kay Olivia na naglalakad na palabas ng room. Lately kasi, bihira na siyang sumama sa amin. At sabi rin ni Paul, madalas daw niyang makita ito na kasama si Fionee and friends. Haist, ewan.
Ayaw talaga ni Chandria sumama. Pero ang ending? Sumama rin siya. Wala kasi siyang kasama sa room dahil gusto rin sumama ni John. Haha!
So ayun nga, lumabas na kami ng room at naglibot sa field kung saan nakatayo ang lahat ng booths. Ito talaga pinakapaborito kong event every school year. Chill lang kasi ang lahat. Maraming nagtatakbuhan na malamang, taga-jail booth at nanghuhuli na naman.
"Uy may titignan lang kami dun ah." Paalam ng boys sa amin. Um-oo na lang kami at naglibot. Nagpunta kami sa isang booth na nagtitinda ng mga kdrama merchandise dahil itong si Annie, medyo adik sa kdrama. Kami ni Chandria, sakto lang haha! Habang tumitingin ng pwedeng bilhin, bigla na lang may humawak sa braso ko at pansin kong hinihila ako pero sumama pa rin ako. Baka si Charles lang. Pero nang lingunin ko, bigla akong napaatras at nagpumiglas, shet galing ata tong jail booth.
"Hi ate. Nakalugay po kasi kayo." sambit nito. Eh kung hampasin kaya kita?
"Annie! Hala, uy! Tuloong!" sigaw ko at nang marinig ako nila Annie, tumawa pa ng malakas bago tinulak yung lalaking may hawak ng braso ko. Pero itong si kuya, ayaw paawat. Ang sakit namang manghila nito, pag itong braso ko namula, lagot ka sa akin!
"Bitawan mo nga siya!" sigaw ni Chandria pero wala pa rin. Tuloy pa rin si kuya sa paghila sa akin.
"Bibitawan mo siya o susuntukin kita?" natigil kami dahil sa nagsalita. Ha! Lagot ka! Belat!
Nang lumingon si kuyang nanghihila sa akin kay Charles, agad niya akong binitawan at yumuko-yuko pa. "Sorry po." Sabay takbo.
"HAHAHA! Duwag!" sigaw ni Paul. Nagtawanan na lang kami dahil sa ginawa niya. Lumapit sa akin si Charles at hinawakan ang braso ko.
"Ayos ka lang? Namumula tong braso mo oh." Tumango ako at sinabing, "Ayos lang. Hehe. Salamat!" at tinapik-tapik ko siya sa braso.
"Hindi ayos to. Namumula braso mo. Ano? Uupakan ko na ba?"
"Oo nga! Uupakan na ba namin? Ano! Ano, ha?!" napatingin kami kay Paul na nagyayabang na naman na agad namang binatukan ni Annie.
"Ikaw ba boyfriend? Maka-ano ka diyan." Napailing na lang kami at nagpatuloy sa paglilibot.
Kumakain na kami ngayon nang may biglang may humila na naman sa akin. But this time, may humila na rin kina Paul, Annie, John at Chandria. Maging si Charles ay may nanghila rin sa kaniya.
"Tara! Sama tayo." Ngiting-ngiting sabi ni Paul. Aba, excited pa ang loko.
"Teka, saan ba tayo pupunta. Hoy Paul! Tuwang-tuwa ka pa diyan ha, bayaran mo ako dito."
Wala na kaming nagawa kundi ang sumama na lang sa kanila. Ilang sandali pa'y pumasok kami sa
"Marriage booth?" tanong ni Chandria. Napatingin kami sa boys na ngayon ay nagpapa-inosente pa.