Chapter 5

221 11 1
                                    

Nanuod lang kami ng shooting hanggang sa natapos ito. Nagklase lang kami sa ibang subject tsaka umuwi na.

Sa sumunod naman na araw, wala naman masyadong nangyari. Paggising ko, nakita ko si Nay Rita sa loob ng kwarto habang inaayos yung mga ballpen ko. Nagkalat kasi sila sa kwarto ko. Naalala ko kasi yung binigay sa aking ballpen ni Renren, yung sinasabi kong kalaro ko na nagpunta ng Florida. Sa lahat ng ballpen ko, yun yung pinakapaborito ko. Bigay kasi niya sa akin yun kaya espesyal sa akin yun kasi best friend ko siya.

"Nay Rita, ako na po mag-aayos niyan." sabi ko habang nagiinat.

"Bakit ba kasi nagkalat lahat to?" Tanong niya habang pinupulot isa-isa yung mga ballpen ko.

"Hinahanap ko po kasi yung isang ballpen na bigay ni Renren sa akin dati. Nahalo po yata don sa pasalubong niyo sa akin. Ako na po bahala diyan."

"Oh sige, maligo ka na diyan at kakain na ng almusal." Bilin ni Nay Rita tsaka bumaba na siya. Mamaya, pag-uwi ko, dun ko na lang hahanapin yun.

Naligo na ako at kinuha yung PE uniform ko. Friday na nga kasi ngayon. Natigilan ako bigla at napangiti ng wala sa oras. Karera pala namin ni Rence ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.

Nagmadali na akong nagbihis at bumaba na. Kailangan kong kumain ng marami ngayon dahil kailangan ko ng lakas para talunin si Rence. Haha!

"Julia anak, hinay-hinay naman sa pagkain. Para kang hindi kumain ng tatlong buwan." Pagbibiro ni mama.

"Hindi na kayo nasanay. Haha!" Sinamaan ko naman ng tingin si Kuya.

Natapos kaming kumain at kinuha ko na yung bike ko. Similip ako sa labas at nakita kong may tao sa labas.

"Rence! Ano? Handa ka na bang matalo?" Mayabang kong sabi. Haha!

"Ang tagal mong lumabas ha. Tara na!" Yan lang yung sinabi niya. Humanda siyang matalo ngayon. Ha! Marami akong kinain kanina para may energy ako. Pumwesto na kami.

"Ready? 1..2..3..GO!"

Binilisan ko ang pagpepedal. Waah! Nauuna ako! Sabi na eh. Haha! Woooooh!

Dumaan kami sa dati naming dinadaanan. Wohoo! Nangangamoy tagumpay ah.

"Julia! Madaya ka!" Sigaw ni Rence mula sa likod ko.

"Anong madaya?! Magaling lang talaga ako noh!"

"Hintayin mo ako!" Hala? Baliw ba siya?

"Tangek! Anong hintayin ka diyan? Karera kaya to!" Sigaw ko.

"Julia!! Sa harap mooooo!!" Sigaw ni Rence. Napatingin ako sa harap ko at nakita ang isang pusa na patawid kaya naman bigla kong nailiko yung bike ko at natumba. At ang pinakamagandang nangyari, nadaganan yung paa ko ng bike.

Shemay, sobrang sakit nung paa ko. Hindi ko maigalaw. Naiyak na lang ako sa sakit. Nanghihina na ako. Napasama yata yung bagsak ko pati na rin yung bagsak ng bike sa paa ko.

"Julia! Dadalhin na kita sa hospital. Tulong!"

Basta ang huli ko lang nakita ay may tumigil na kotse tsaka ako binuhat papasok. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

***
Minulat ko ang mga maya ko at nakita ko si Rence at

"Charles?" Tanong ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"May masakit ba sayo? Ano? Saan? Sabihin mo." Hindi niya sinagot yung tanong ko pero makikita mo sa mukha niya na alalang-alala siya.

Napatingin ako sa kanang paa ko. May makapal na parang tela ang nakabalot dito. Sinusubukan kong igalaw ito pero hindi ko kaya. Nakaramdam ako bigla ng kaba.

Best Guy Ever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon