Chapter 15

177 7 8
                                    

Lumipas ang ilang buwan. Wala naman masyadong nangyari bukod sa tambak na reporting, paper works at kung ano-ano pa sa school. Kamusta kami ni Charles?

Ayun, wala ng kibuan.

Charot lang. Ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa akin. Naalala ko tuloy yung usapan namin nila Annie nung isang araw.

Flashback...

"Uy Julia, kalian mo balak sagutin si Charles? Pag naging puti na ang uwak?" tanong ni Chandria. Andito kami ngayon sa katapat na 7 11 ng school namin. Wala kaming last period kaya lumayas na kami sa school.

"Oo nga naman. Ilang buwan na ba nanliligaw sayo yun?" pagsingit naman ni Annie sa usapan. Napatingin ako kay Olivia na tahimik na kumakain ng ice cream.

"Grabe, three months pa lang naman." Sagot ko naman.

"Three months PA LANG? Ay wow! Iba siya. Girl, matagal na yun." OA naman makareact tong si Chandria. Yung iba nga, two years ng nililigawan, hindi pa rin sinasagot. Siyempre gusto ko pang makilala si Charles ng lubusan. Pero kung sakaling tanungin na niya ako, edi wow. Hahaha!

"Siyempre, hintayin ko muna na tanungin niya ako. Alangan namang ako ang magtanong diba? Sino bang nanliligaw? Ah basta. Darating din tayo sa puntong yan." Sabi ko na lang at kumain ng chips.

End of flashback.

Chineck ko ang phone ko kung anong oras na at shemay 9pm na, wala pa akong nauumpisahan sa mga assignments ko.

"Julia?" Narinig kong tawag ni Kuya James mula sa labas habang kumakatok.

"Pasok po."

"Hindi ka pa daw kumakain?" tanong nito at nakihiga sa kama ko.

Tumango ako bilang sagot at tsaka sinabing, "Busog pa ako eh."

Binalot ng katahimikan ang kwarto ko ng ilang sandali pero agad ring binasag ito ni Kuya.

"Naalala mo ba yung nahimatay ka na lang bigla?"

"Ah yun ba? Oo naman Kuya. Bakit?" napatingin ako kay Kuya na para bang may gustong sabihin pero hindi niya magawa.

"May gusto ka bang sabihin Kuya?" muling tanong ko.

"Ah wala. Sige bunso, may gagawin pa ako. Kumain ka na ha."

Naguguluhan man pero um-oo na lang ako kay Kuya. Nitong nakaraang ilang buwan, lagi na lang siyang ganyan. Lalapit sa akin tapos parang may gustong sabihin pero hindi rin natutuloy. Baka ma-stress lang ako sa kakaisip kaya hinayaan ko na lang siya.

Kinabukasan...

"Nakakainis naman kasi, magbabakasyon na nga tayo't lahat-lahat, ang dami pa ring ginagawa. Bwiset talaga yang si Ma'am-" agad kong siniko si Chandria para magtigil siya sa kadadaldal.

Bigla kasing dumaan yung teacher na tinutukoy niya. Baka mamaya, pag-initan siya at ibagsak sa subject nito.

"Daldal mo." Bulong ko sa kaniya kaya napairap na lang siya.

Papunta kami ngayon sa classroom namin. Last day ng pasok before magsembreak. At ngayong araw ang pagpasa ng lahat ng requirements for the Second Grading Period.

Nung una, nagrereklamo rin ako dahil sa dami ng pinapagawa. Pero narealize ko rin na mas maganda na rin 'to kaysa sa gawin namin ang lahat ng 'to sa buong bakasyon.

Malayo pa lang kami sa classroom eh rinig na rinig na ang ingay ng mga kaklase namin.

"Guys,  ime-meet daw tayo sa Values." Iritang sabi ng president namin sa harap kaya lahat kami, bagsak ang balikat. Halos lahat kasi ng subjects namin, may ipapasa lang tapos wala ng klase. Inasikaso na ng president namin ang lahat kaya akala namin pwede na kaming umuwi.

Best Guy Ever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon