Chapter 14

182 8 4
                                    

"Good morning papa! Nasaan po sina mama at kuya?" bati ko kay papa na nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape sa may dining table namin.

"May binili lang. Babalik rin daw sila agad. Saan ang lakad mo?"

"Uhm..papaalam po sana ako kung pwedeng pumunta sa mall kasama sila Annie." paalam ko kay papa. Actually, hindi na kailangang magpaalam kay papa kasi payag naman siya agad. Ang importante sa kaniya, makauwi kami ng buhay hahaha.

"Pwedeng pwede." Nakangiting sagot niya. Niyakap ko si papa at bumeso sa kaniya.

"Thank you pa! Alis na po ako."

"Hindi ka ba magaalmusal?" tanong niya.

"Hindi na po. Doon na lang po ako kakain." Sagot ko at tuluyan ng umalis.

"Julia, hatid na kita." napatingin ako kay Kuya Raul na nagpupunas ng kotse.

"Okay lang po ba?" nagaalangang tanong ko. Mukha kasing busy sila eh.

"Oo naman. Ano ka ba? Trabaho kong ihatid kayo kung may pupuntahan kayo . Teka at ililigpit ko lang itong mga gamit. Tsaka mahirap magcommute ngayon. Madaming tao, Sabado pa naman."

Nang maayos na ni kuya Raul ang mga gamit ay umalis din agad kami.

"There she is." Rinig kong sabi ni Annie.

"Geez. What took you so long?" Chandria asked at tsaka bumeso sa akin. Ganun din naman ang ginawa ni Annie.

"Nalate kasi ako ng gising tsaka traffic." Sagot ko.

"Tss. Ano pa bang bago?" Natatawang tanong ni Chandria.

"Let's eat breakfast na?" Pag-aaya ni annie.

"Nagcecrave ako ng pancake sa mcdo." Sabi ni Chandria.

"Geez. Parang ako rin." Sambit naman ni Annie.

Medyo nahirapan kaming makakuha ng table. Ang dami kasing tao. Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Annie.

"Julia, anong nangyari sa date niyo ni Charles kahapon?" Excited na tanong niya.

"Uh..wala?" Sagot ko naman.

"Anong wala? Kwento ka!" Singit naman ni Chandria.

"Wala nga. Kulit niyo."

"Wala daw. Eh ano to?" May pinakita si Annie sa akin na picture sa phone niya. Ito yung hinalikan ako sa noo ni Charles.

"Sino kumuha nito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Malay. Hindi ka ba nag-oonline? Kayo ang top issue sa Monteverde Files."

"Ha?"

"Ano ka ba Julia. Charles is a heartthrob sa school natin. At isa pa, sikat na basketball player yan. Hindi maiiwasang sundan siya or may makakita sa kaniya at kukuhanan ng picture." Paliwanag ni Annie.

"And if I were you, magtatago na ako. Madami ng galit sayo nayon for sure."

Napalunok ako sa sinabi nila.

"But don't worry. We got your back. Subukan ka nilang galawin, baka mabalatan ko sila gamit ang nail cutter." Nakangiting sabi ni Chandria.

"Nga pala, where's Olivia? Hindi niyo ba tinawagan?" Tanong ko.

"Ah that girl. She's always busy." Annie rolled her eyes.

"Wait, may kwento ako." Bigla ko kasing naalala yung panaginip ko. Hindi naman siguro masamang ishare sa kanila diba?

"May napanaginipan kasi ako." Paguumpisa ko.

"About what?"

Kinuwento ko lahat ng nangyari sa panaginip ko at ng matapos, nakatulala lang ang dalawa.

"Anong ibig sabihin nun?" Biglang tanong ni Chandria.

"Hindi ko rin alam. Buti na nga lang ginising ako ni kuya James eh."

"That was soooo scary." Sambit naman ni Annie. Siyempre, grabe ang kalagayan niya doon sa panaginip ko.

"Uy! Anong ginagawa niyo dito?" Biglang may lumapit sa aming lalaki at nang inangat ko ang ulo ko para matignan ay nakita ko si Paul na may iniinom na iced coffee.

"Siguro naglalaba." Annie said sarcastically.

"Haha! Hayaan mo na si Annie. Nagbreakfast kami dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" tanong ko naman.

"Ah bumili lang ako nito." Sabay alog niya sa iniinom niya.

"Ako lang mag-isa. May pinabili kasi yung kapatid ko sa National Bookstore." Dugtong pa niya.

Paul's POV

"Ako lang mag-isa. May pinabili kasi yung kapatid ko sa National Bookstore." Dugtong ko.

Biglang nagvibrate ang phone sa bulsa ko kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.

"Guys, mauna na ako ha? Geh!" At tumakbo na ako. Nang makalabas ng mcdo ay sinagot ko na ang tawag ni John.

"Yes orb?"

["Nasaan ka?"]

"Nasa mall. Paalis na rin. Bakit?"

["Pinapatawag tayo ni Charles eh."]

"Tungkol saan yan?"

["Tungkol sa Dark House orb. Mukhang importante eh."]

"Tangina? Dark House na naman? Akala ko ba naayos na natin yan?" Shit.

["Ewan ko nga eh. Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari. Sige orb, kitakits na lang mamaya."]

Binaba niya na ang tawag. Dark House, Dark House, kelan ba kayo mananahimik?

Sumakay na ako sa kotse ko tsaka nagdrive na papunta sa tambayan namin.

Pagdating ko doon ay marami ng tao. Andito na ang mga kamiyembro namin. Ako na lang ata ang hinihintay. Shet, gwapo ko talaga.

"Orb, anong problema?" tanong ko kay Charles na nakaupo at malalim ang iniisip.

"Nagbalik na sila." tipid niyang sabi na ikinataas ng balahibo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni John.

"Kahapon, may sumusunod sa amin ni Julia. Nakita niya yun dahilan ng pagkatakot niya. At nakita ko ang tattoo nung lalaki. Simbolo ng Dark House."

Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nagsimula ang bulung-bulungan at umalingawngaw ito sa lugar namin.

Nanahimik muna sila. Naghintay muna sila at pinamukhang wala na ang organisasyon nila. Pero hindi pa pala.

Nagbalik na ang Dark House. Pero sino ang leader nila? Matagal ng patay ang dating leader nila at matagal ding nanahimik ang grupong yun.

"Kailangan nating maging alerto." Sabi ni John.

"Pero boss, anong plano natin?" Tanong nung isa naming kamiyembro.

"Kaya ko nga kayo ipinatawag para sa plano natin." Sagot ni Charles.

Si Charles ang bagong leader ng gang namin, ang Black Resplandor. Siya ang pinili ng dating leader namin. Once na pinili ka ng aalis na leader na pumalit sa kaniya, limang taon kang mamumuno. At ikalawang taon na ni Charles ngayon.

Ang Black Resplandor ay isang gang o organisasyon na itinatag noon pa. Sinali lang kami dito ng kabarkada naming si Kyle nung second year kami na ngayon ay lumipat na ng school.

Hula ko ay siya ang bagong leader ng Dark House. Kumalas kasi siya nang hindi siya piliin nung dati naming leader na pumalit sa kaniya. Sobra ang galit niya kay Charles dahil nga siya ang napili.

Alam ng girls ang tungkol sa Black Resplandor at ang pagsali namin. Sobra ang pagtutol nila at pinilit kaming umalis dito. Para tumahimik na sila, pinalabas naming kumalas na kami sa grupo pero ang totoo niyan ay hindi.

"Maghanda lang tayong lahat. Sa ngayon, kailangan muna nating alamin kung sino ang bagong leader ng Dark House." Seryosong sabi ni Charles.

Tae. Problema na naman.

A/N: Sorry ulit. Hala, lagi na lang ako nagsosorry sa author's note. Sobrang busy lang talaga. Anyway, sana nagustuhan niyo yung update. 2 chapters naman so sana nakabawi ako. Haha! HAPPY NEW YEAR sa inyo! ♥️

Best Guy Ever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon