Friday na ng gabi ngayon at kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga dadalhin ko bukas ng madaling araw. Alastres ata kami luluwas para maaga ring makarating sa Hundred Islands. Sobrang excited na ako kasi first time kong makakapunta dun. Marami ring nagsasabi na napakaganda nga raw dun at sobrang nakakarelax.
Habang nag-aayos ako ng gamit, narinig kong may kumatok sa pinto at pumasok si Mama.
"Bunso, bakit hindi ka pa natutulog? Maaga kayo bukas 'di ba?"
"Pagkatapos ko po dito, matutulog na rin po ako."
Lumapit sa akin si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Mag-iingat ka doon ha?"
"Opo Ma. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Kaya ko po sarili ko."
"Oh sige na. Bilisan mo na diyan ha? Matulog ka na." bilin ni Mama at tsaka ako hinalikan sa noo.
"Good night po."
Nang makaalis na si Mama, bigla namang nagring ang phone ko.
"Hello?"
["Ganda talaga ng boses."] Kinilabutan ako sa lalim ng boses niya lalo na't pabulong pa niya ito sinabi.
"Asus. Tigilan mo nga ako Charles." Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. "Bakit hindi ka pa natutulog?"
["Excited lang ako para bukas."]
"Hay nako, huwag kang maging excited baka mamaya hindi matuloy."
["Tss. Hindi na uso yun noh."]
"Uso pa po 'yun."
["Oo na lang. Haha. Nga pala, bakit hindi ka pa natutulog?"]
"Matutulog na rin ako. Kakatapos ko lang mag-impake."
["Sige, matulog ka na. Sasagutin mo pa ako bukas."] Hindi ko masyadong narinig 'yung huli niyang sinabi dahil sobrang hina na ng boses niya.
"Ano? Anong sabi mo?"
["Sabi ko, matulog ka. Maaga pa tayo bukas."]
"Aah okay. Good night!"
["Good night."]
At diyan natapos ang usapan namin. Iniligpit ko na lahat ng gamit na dadalhin ko at humiga na. Naalala ko tuloy yung araw na nagconfess sa akin si Charles. That was unexpected. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat. Kaya ba kakaiba yung mga kilos niya kapag magkasama kami? Tama nga si Annie. Pero teka, naalala ko lang, nung isang araw na nakita kong niyakap ni Charles si Olivia. Ano kayang meron nun? Hay tama na nga at ako'y inaantok na.
*****
"Julia, si Paul oh!" bwiset na sambit ni Annie.
Nandito na kaming lahat sa van namin na dina-drive naman ni Kuya Raul. Sinabihan kasi siya nila Mama at Papa na ihatid at sunduin kami. Dalawang araw kami sa Hundred Islands kaya medyo marami kaming dalang gamit. At heto kami ngayon, papunta na doon.
"Paul ano ba? Huwag mo na ngang kulitin si Annie. Nag-iingay lang kayo eh." Suway naman ni Tatay este ni Charles.
Hinihipan kasi ni Paul yung tenga ni Annie na abalang-abala sa phone niya. Nang suwayin sila ni Charles, nagbelat si Annie kay Paul at sabay sabing, "Buti nga sayo."
"Julia, si Annie oh!" parang batang sabi naman ni Paul.
"Paul, tama na yan." Suway ko naman sa kaniya.
"Hahaha! Akala mo kakampihan ka ni Julia noh? Bleeeh!" isa pa tong si Annie. Sinusuway na nga, nang-asar pa.
Gusto kasi ng iba na matulog dahil sobrang aga pa nga eh kaso itong dalawang 'to naman, ang ingay-ingay.