"Julia! Gumising ka na nga diyan."
"Opo." Five minutes pa, babangon din naman ako eh.
"Isa." Huhu ano ba yan, makabangon na nga.
"Ito na po ma." Maaga pa naman ah. Kainis naman, inaantok pa ako.
"Bunso, bilisan mo na diyan, malalate ka na oh." Nakita ko si Kuya James sa may pintuan ng kwarto ko.
"Ang aga mo ata kuya. Papasok ka na agad?" Tanong ko habang pupungas-pungas pa. Haaays, inaantok pa din talaga ako.
"Anong maaga? Malalate ka na sabi eh! Alas syete na."
Para akong binuhusan ng napakamalamig na tubig. Shemay! Late na nga ako."Bilisan mo na, ayan kasi nagpuyat pa kagabi. Papasok na ako ha? Hindi na kita mahihintay. Baka malate pa ako. Bye bunso!"
"Sige Kuya, ingat!"
Nagmadali na akong naligo at nagbihis. Naku naman, ayaw kong malate!Tumakbo na ako pababa at diretso sa pintuan. Lagot ako, Monday pa naman ngayon.
"Julia! Hindi ka na kakain?" ay! Si mama pala. Bumalik ako sa loob at humalik kay mama sa pisngi.
"Hindi na po mama. Sa school na lang po. Bye ma."
Waaah! Monday ba talaga ngayon? Shocks buti na lang may flag ceremony.
"Oh sige. Magiingat ka. Sumabay ka sa mga tatawid ha? Jusko kang bata ka! 16 years old ka na hindi ka pa rin marunong tumawid!"
"Opo mama. Bye na talaga." Tumakbo na agad ako palabas. Anong oras na ba? 7:20 na! Aabot pa siguro ako sa flag ceremony.
Nagtricycle na lang ako papunta sa school at nakarating din. Buti na lang kauumpisa pa lang ng flag ceremony kaya pumila na agad ako sa section namin.
"Hoy gaga! Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni Annie, isa sa pinakamatalik kong kaibigan.
"Nalate ng gising." Tipid kong sagot. Hinihingal pa kasi ako ng bonggang-bongga.
"Ah ganun? Sige, chikahan na lang tayo later. Baka makita pa ako nung mga officer." Humarap na siya at ilang kembot lang, natapos din ang flag ceremony. Nagsi-alisan naman na ang mga estudyante.
"Ayaw ko talaga ng flag ceremony, ang daming taong mababaho!" Inis na sabi ni Annie. Sira talaga.
"Harsh naman fren. Parang never kang naging mabaho!" Asar naman ni Chandria, isa rin siya sa mga matatalik kong kaibigan.
"Hoy tama na yan. Mag-aaway na naman kayo eh." Pag-aawat ni Olivia, another friend of mine. Haha!
Naglakad na kami papuntang classroom. Pare-pareho kaming nasa section 2 maliban kay Olivia. Nasa section 1 siya kasama yung iba naming friends.
"Hi Annie! Good morning!" Masayang bati ni Paul kay Annie.
"Anong good sa morning kung yang panget mong mukha ang makikita ko?! Umagang-umaga nambubwiset ka eh!" Ay grabe naman. Haha! Kahit kelan talaga tong dalawang to.
"Wala namang nakakabwiset sa sinabi ni Paul ah. Anong problema mo?" Singit naman ni John.
At siyempre, hindi makukumpleto ang barkada kung wala si
"Charles! May practice nga pala tayo sa basketball."
"Sige." Tipid niyang sagot.
Sa halos magtatatlong taon naming pagsasama ng barkada, siya lang ata yung hindi ko gaanong kaclose. Nagkakausap naman kami pero hindi kami ganun kaclose. Ewan ko ba, nung mga second year naman kami, close na close kami pero biglang nagbago yung pakikitungo niya sa akin nung bandang dulo ng third year kami tapos etong fourth year. Minsan naman ang bait niya pero kadalasan nagsusungit at para bang naiilang siya kapag magkasama kami.