Chapter 10

233 11 9
                                    

"Ma! Magbabike lang po ako." sigaw ko at tsaka ko kinuha yung bike.

Lumabas si mama ng kusina na may dala pang sandok. Hahaha! "Kagagaling mo nga lang sa aksidente, magbabike ka na naman? At tsaka heto pa ha, nung Biyernes, tinakasan mo pa ang Kuya Raul mo sa pagpasok at ginamit yang bike mo. Jusko kang bata ka! Hindi ka na natuto."

Hahaha! Ang cute talaga ni mama pag madaldal.

Lumapit ako sa kaniya at tsaka ko siya kiniss sa pisngi. "Bye ma. Kain ka na po. Pakabusog ha? Byeee!"

Tumakbo na ako palabas kasama ang bike ko.

Linggo na agad ngayon. Grabe, ang bilis talaga ng panahon. Monday na naman sa Lunes. Ay joke. Ano daw yung sinabi ko? Haha!

Naalala ko yung sinabi ni Annie sa akin kahapon nung tinawagan niya ako. Bukas na nga pala ipapalabas lahat ng film na ginawa ng mga students para sa Math festival.

Hindi ko alam kung mararamdaman ko. Maeexcite ba ako o ano?

Magbabike na nga lang ako. Iikutin ko na lang tong buong subdivision.

"Lia! Teka lang!" napapreno ako sa tumawag sa akin at alam kong si Renren yun. Siya lang naman tumatawag sa akin ng ganun pati na rin si Ria.

Bumaba ako sa bike ko at tsaka nilingon si Renren. "Bakit?"

"Wala lang. Saan ka pupunta?"

"Diyan-diyan lang. Baka ikutin ko lang tong subdivision. Walang magawa eh." paliwanag ko. Tumango-tango naman siya.

"Ayos na ba talaga yang mga paa mo?" tanong niya sabay tingin sa paa ko kaya napatingin na rin ako dito.

"Ayos na yan. Nakakapagbike na nga ako, diba?" sagot ko naman sa kaniya.

"Okay. Sabi mo eh." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

"Tara, bike tayo?" tanong niya.

"Karera?" nakangiti ko namang sabi. Pinisil niya yung ilong ko at sinabing, "Baliw, bawal ka pa dun. Kagagaling mo lang sa aksidente eh."

"Asus! Ayaw mo lang matalo eh." pangaasar ko sa kaniya at inaakalang makikipagkarera siya sa akin pero ngumiti lang siya at sinabing, "Tara, ikutin na lang natin tong buong subdivision. Pero hindi karera ha?"

Natawa naman ako doon sa huling sinabi niya. "Yes sir!" Sabi ko at tsaka sumaludo kaya naman natawa siya at pinisil na naman yung ilong ko.

"Aray! Bat ba gustong-gusto mong pinipisil tong ilong ko, ha?" sigaw ko sa kaniya.

"Para tumangos. Hahaha!" pagkasabi niya niyan, sumakay na siya sa bike niya at nauna na.

"Hoy sandali! Matangos naman ilong ko ah. Hintayin mo ako!" sumakay na ako sa bike at sinubukan ko siyang habulin.

May topak ata sa ulo tong si Renren. Sabi niya, hindi karera, eh siya nga tong humanap ng daan para talagang makipagkarera ako eh.

Ilang sandali lang ay binagalan niya ang pagpepedal kaya naman naabutan ko na siya.

"Ipapalabas na yung film bukas ah. You'll watch, right?" Pago-open niya ng topic.

Napatingin ako sa paligid at ngumiti ng pilit. "Ewan ko." tipid kong sagot.

"Ewan mo? Why? You should watch it." sabi niya pero hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya. Huhu bakit ba ako nagkakaganito?

"Panuorin mo na, kasama ako don noh." dagdag pa niya.

"Yun na nga eh. Nandoon ka kaya ayaw kong manuod." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Suus. Ayaw mo lang atang manuod kasi may ibang ka-love team si Charles eh." Pang-aasar din niya sa akin pero huy, parang sapul yun ah.

Best Guy Ever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon