Chapter 27

43 2 0
                                    

"Nak ngumiti ka naman diyan!"

Napatingin ako kay Papa at tsaka sinubukang ngumiti para sa kanila. Panay lang ang kuha nila ng litrato sa akin ngayon dahil sa wakas, ga-graduate na ako ng high school.

Mabilis na lumipas ang mga linggo at graduation na namin ngayon. At sa mga panahong iyon, wala na kaming komunikasyon ni Charles. Talagang pinutol na niya ang lahat ng koneksyon niya sa akin pati na rin sa mga kaibigan namin. Nagkakasalubong kami sa school campus pero walang pansinan.

Isang buwan na yata simula nang maghiwalay kami pero parang kahapon lang nangyari. Sariwa pa rin sa akin hanggang ngayon. Alam ko, bata pa ako at marami pa akong pagdadaanan. Siguro nga, kaya ganito kasakit kasi first love. Pero sana, dumating na yung araw na matanggap ko na wala na kami. Para wala ng sakit at lungkot.

Dumating na kami sa school at tumambad sa amin ang maraming tao. Kaniya-kaniya ng batian at picture-an ang nagaganap sa paligid.

Nahanap ko agad sila Annie dahil dinig na dinig ang boses niya.

"Ayan na ang reyna!" sigaw niya nang makita niya ako. Napailing na lang ako at natawa sa kaniya. Kahit kailan talaga.

Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano-ano. Maya-maya pa'y nagsalita na ang organizers at pinapila na kami kasama ang mga parents namin sa gilid para sa martsa namin.

Nagsimula na ang programa at pinakilala na ang mga magsasalita para sa araw na 'to. Nagkaroon pa nung kung ano-anong pagsasalita at oras na para sa awarding. Overall, nakuha ko ang pang-twelve na pwesto. Masaya na ako doon at may panghihinayang rin ng kaunti. Kung ginalingan ko pa sana, pasok ako sa top ten.

Isa-isa na kaming tinawag at sinabitan ng medalya.

Naka-upo na ako sa upuan ko at pinanuod na lang ang ibang estudyanteng sinasabitan ng medalya.

Nagsalita na ang valedictorian namin at marami ang naluha sa speech niya. Talaga namang isang malaking parte ng buhay namin ang high school. Maraming ala-ala ang hindi mo malilimutan. Tawanan, iyakan, inisan, at kung ano-ano pa. Dito ka makakakilala ng mga taong makakasama mo hindi lang sa pag-aaral kung hindi pati na rin sa mga kalokohan mo.

Nalungkot ako dahil pangarap ni Charles na maging valedictorian at alam kong kaya niyang abutin 'yun pero nagtaka lang ako dahil bumaba ang pwesto niya. Siya ang top one noong mga nakaraang quarters pero sa overall, naging pang-lima siya. Balita ko, sobrang bumaba ang grades niya noong fourth quarter at malaking epekto ito.

Nang matapos na ang graduation namin, panay ang hila sa akin nila Annie para sa picture-taking naming magkakaibigan.

Bigla namang nahagip ng mata ko si Charles na nakikisama sa litrato kasama ang bagong mga kaibigan ni Olivia. Hindi rin naman nakaligtas sa akin ang nakapulupot na kamay ni Charles sa baywang ni Olivia. Dinalaw na naman ako ng lungkot, panghihinayang at inis. Nalulungkot ako at nanghihinayang dahil siyempre, minahal ko siya at naging masaya ako sa relasyon naming dalawa. At naiinis ako dahil nagawa niya akong lokohin at talagang pinagpalit pa ako sa plastik ko palang kaibigan.

Pero kahit ganun, kahit ginago mo ako, sana, maging masaya ka pa rin kahit hindi na ako 'yung dahilan.

"Sana mayroon pa rin tayong picture kasama silang dalawa noh." sabi ni Chandria habang malayo ang tingin kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Sorry Julia ah. Alam ko, may issue sa pagitan ninyong tatlo pero kasi, naging kaibigan pa rin naman natin sila."

Tipid ko siyang nginitian. "Ayos lang."

Nagprotesta pa si Annie dahil hanggang ngayon ayaw niya pa rin talaga sa dalawa. "Ano ba 'yan Julia! Niloko ka ng dalawang 'yun tapos---"

"Annie." sabi ni Chandria. Kinilabutan ako dahil sa tono niya.

"Hayaan mo na Annie. Totoo naman 'yung sinabi ni Chandria, kahit papaano ay may pinagsamahan rin tayo." sabi ko na lang.

"Oh sinong magtatawag?" tanong ni John.

Nagtinginan sila at nagturuan pa kung sinong kakausap kina Olivia at Charles. Sa huli, si Paul ang napilit nila.

Lumapit siya sa kanila at may sinabi. Nakita namin kung paano ang itsura ni Paul. Parang nahihiya pa ang loko. Nagkatinginan sila Olivia at Charles at tsaka tumango. Agad akong kinabahan ng maglakad na sila papunta dito at ng magtama ang tingin namin ni Charles.

Nagtabi-tabi na kami at kinuhanan na kami ng litrato ng dalang photographer ni Annie.

"Congratulations guys!" masayang sabi ni Olivia at tsaka pumalakpak.

Tss. Parang walang nangyari ah.

Nag-iwas ako ng tingin. Bitter na kung bitter pero hindi ko talaga kayang makakita at makarinig ng nagsasalitang ahas. Nakakakilabot.

"Tss. Bitch." rinig kong bulong ni Annie sa tabi ko kaya medyo napangiti ako.

"Congrats din Olivia." sabi ni Chandria at tsaka ngumiti.

Nag-congrats din sila John at Paul. Agad naman akong hinila ni Annie at nagpapicture kami sa photographer niya.

"Mas maganda ka pa rin!" sabi niya nang makalayo kami.

Natawa na lang ako. Siyempre naman Annie, alam ko naman 'yun.

Panay lang ang yakapan namin at pose habang kinukuhanan kami ng litrato. Hindi naman namin alam kung ano ng nangyayari sa mga naiwan naming kaibigan.

"Kuya patingin." sabi ni Annie at tsaka tinignan ang mga litrato namin sa camera. Medyo lumayo siya kaya naiwan akong mag-isa. Sila Mama naman, abala sa pakikipag-usap sa mga parents ng mga kaibigan ko. Si Kuya naman, tanaw kong nakikipagtawanan siya sa mga ka-batch niya dati.

Medyo kinakabahan rin ako dahil ang alam ko, umuwi na ang parents ni Charles. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami dito.

'Uhm, Tita, Tito, yung anak niyo po, ginago ako.'

Tss.

"Julia."

Napatingin agad ako sa gilid ko nang may tumawag sa akin.

"Uhm...congratulations." sabi ni Charles at tsaka tipid ngumiti.

Natigilan ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko akalaing kakausapin niya ako ngayon.

"Uhm congrats din." sabi ko. Ang awkward syet.

Tumango-tango siya habang nakangiti. Agad namang napawi iyon nang may nakita siya sa likod ko kaya napalingon na rin ako.

Nakita ko si Rence na seryoso ang mukha habang papalapit sa amin. "Julia."

Hinila niya ako palayo kay Charles.

"Sige Julia." paalam ni Charles at tsaka umalis.

Hinarap naman ako ni Rence sa kaniya. "Anong sinabi niya sayo? Sinaktan ka na naman ba niya?"

Ngumiti ako at umiling. "Ano ka ba? Nag-congrats lang siya. Congrats din pala, Mr. Salutatorian."

Ang kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngiti. "Thank you. Congratulations din."

"Uy Rence! Congrats!" sabi ni Annie na nandiyan na pala.

Natapos ang batian at umuwi na kami para sa munting celebration namin.

Best Guy Ever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon