Chapter 11

252 12 9
                                    

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nasilayan ang puting dingding. Nasaan ako?

"Julia? Kamusta ang pakiramdam mo?" Biglang lumapit si Kuya James sa akin at tinanong iyan.

"Ayos naman na po ako Kuya." Sagot ko naman. Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto at nakumpirmang nasa hospital ako.

"Nasa labas lang sina mama at papa, kinakausap yung doctor. Anong bang nangyari sayo kanina?" Nagaalalang tanong ni Kuya.

"Hindi ko nga din alam kuya eh. Basta ang natatandaan ko, bigla na lang akong nanghina tapos sumakit ng sobra yung ulo ko." Paliwanag ko sa kaniya.

Magsasalita pa sana si kuya kaya lang may biglang pumasok sa kwarto at nakita ko sina mama at papa kasama ang doctor. Lumapit sila sa amin ni kuya James.

"Mabuti't gising ka na ija. Normal naman lahat ng naging results mo. Siguro, kaya sumakit ng sobra ang ulo mo ay nandahil sa stress. Try to avoid things na nagccause ng stress sayo ha? And eat healthy foods. Anyway, binigyan ko na ng instructions ang parents. Sila na ang bahala sayo. I'll go ahead." Pagkasabi niyan nung doctor, umalis na siya.

"Anak naman, sa susunod wag ka ng magpupuyat tapos wag ka ding magpakastress sa pag-aaral ha? Enjoyin mo lang ang buhay." Sabi ni papa habang nakaupo sa tabi ko at hinahawi ang buhok ko.

"Pasensiya na po ma, pa, kuya james kung pinag-alala ko kayo. Ah si Renren po, nasaan?" Tanong ko.

"Ay, umuwi muna't may kukunin lang daw sa bahay nila. Babalik rin daw agad." Sagot naman ni Mama.

Pinagbalatan lang ako ng mga prutas nila mama at papa tapos nagkwentuhan na lang ulit kami. Dumating na rin si Renren kani-kanina lang. Bukas daw ng umaga, pwede na akong lumabas. Magpapalate na lang siguro ako ng pagpasok.

Wala pala kaming klase bukas, civilian clothes lang kami. Hehehe. Gray ang color na napili ng section 2 samantala blue naman sa section 1. Bukas na kasi yung showing ng films for Math Festival at one week na walang klase dahil sa mga contests at booths. Excited na tuloy ako. Hehehe.

*
"Juliaaa!" Napangiti ako habang naglalakad dahil sa sigaw ng barkada. Teka, bakit parang kulang?

"Nasaan si Charles?" Tanong ko ng makarating sa kinaroroonan nila. Agad silang nagtinginan at nagsitilian sina Annie at Chandria. Si Olivia naman, nakangiti lang habang sina Paul at John, nagyayakapan. Mga siraulo.

"Omg. Bakit mo siya hinahanap?" Kilig na kilig na tanong ni Annie.

"B-bakit? Masama ba? Siyempre, k-kaibigan natin siya." Bakit ba ako nauutal? Shemay naman oh.

"Hi Rence!" Bati ni Chandria sa may likod ko kaya naman napalingon ako.

"Hi Lia." Nakangiting bati ni Renren nang makalapit sa amin. "Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong pa niya. Walang alam ang mga kaibigan ko sa nangyari kahapon sa akin at wala akong balak sabihin dahil tapos naman na.

"Hello! Ayos naman na ako." Sagot ko naman.

"Huy! Picture nga kayo! Daliiiiii." Excited na excited na sabi ni Chandria.

Nagkatinginan na lang kami ni Renren at sabay na natawa dahil kay Chandria. Wala na kaming nagawa dahil nilabas na ni Chandria ang phone niya at nagbilang na.

"Okay! 1..2..3! Ayan, perfect. Hahaha! Bagay talaga kayo." Kilig na kilig na sabi niya.

" Kilig na kilig na sabi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Best Guy Ever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon