BLUE
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
YEAR 2015"BACHELOR OF SCIENCE IN CRIMINOLOGY, CLASS MANDIRIGMA SUMMA CUM LAUDE, VELEZ MAGNAYON, BLUE EZEYKEL."
Nag angat ako nang tingin sa mga magulang ko na nakaupo sa tabi ko, inaasahan ko na ang parangal na 'to dahil ilang taon ko ding pinagsikapan para makuha ang latin award na ito.
"Escorted by his parents, PNP Chief of Staff, General Alfred Velez and Our former Miss Philippines '79 Dr. Estifina Velez Phd."
Napailing ako, bakit kailangan pang banggitin kung ano sila? Hanggang ngayon na a-awkward parin ako sa katayuan sa buhay nang mga kinikilala kong magulang.
Many years ago, si Mommy ang naka tokang doctor na gumamot sa akin noong nangyari ang sunog sa hospicio.
Dahil sa wala akong mga magulang, at nalaman nila ang nangyari, sa pakiusap ni Mommy kay Daddy, nagawa nila akong ampunin.
Kung gaano ka mapagbigay si Mommy ay siya namang higpit at strikto ni Daddy.
Kaya pinagsikapan ko na mapanatili ang kanilang pagiging proud sa akin.
Nag sikap ako sa pag-aaral at bawat parangal, taos puso kong inaalay sa kanila.Habang paakyat ng stage, nahagip ng mata ko ang black bracelet na hinabi ko ilang taon na ang lumipas.
Naalala ko ang laki ng ngiti ni Ash noong binigay ko sa kanya ang kapares nito.
'Hahanapin kita Ash, Pagbubutihin ko.'
***
ASH'S POV
"Pupunta ka sa ABO ngayon?" Nag angat ng tingin si Gene sa akin mula sa kanyang pagsusulat sa laptop.
Exclusive writer siya ng Diamond Pages.Ashes of Blue Orphanage ang ibig sabihin ng ABO, ipinatayo ko ito limang taon ang nakaraan sa mismong lugar kung saan nakatirik dati ang nasunog na Hospicio de San Manuel bilang alaala sa akin kay Blue.
Kung nasaan man siya, kung buhay pa o nasa America. Sana makita niya kung ano na ako ngayon.
Isa na akong CEO ng pharmaceutical company na pag aari ni Don Manolo Sanueztre, siya ang umampon sa amin.
Pagkatapos noong sunog sa Hospicio, nailipat kami sa ibang ampunan, nakita namin na unti-unti at nauubos ang mga bata dahil nauunang maampon, hanggang lima na lang kaming natira, Ako, si Genesis, si Anson, si Trent at si Mike.
Ako ang pinaka bata sa lahat. Laking tuwa namin noong dumating si Don Manolo at sabay kaming kinuha.
Pinag aral, binigyan ng pangalan, inampon, at sinanay maging bihasa sa pagpatay at pakikipaglaban.
Pero hindi kami nananakit ng inosente.
Ang aming layunin ay lipulin lahat ng abusado at tiwaling opisyal ng gobyerno. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan nagmula ang galit ni Tatay sa sa mga tiwaling opisyal.Sabi niya makakaalis kami sa samahan kapag tumuntong kami sa edad na tatlumpo.
Ang samahang ito ay tinatawag naming Dark Angels Society dahil para raw kasi kaming mga anghel noong una kaming makita ni Tatay.
Kaka-birthday ko lang noong December, 24 pa lang ako. May anim na taon pa at makakalaya na ako, nakakapagod na at nakaka stress kapag may misyon.
Napatango ako kay Gene.
"Oo bibisita ako sa mga bata, sasama ka?"Napailing siya.
"Deadline ng pasahan ko ng manuscript eh. Saka na lang.""Sila Kuya, nasaan?" Tanong ko sabay linga sa paligid ng sala.

BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House)
AcciónWARNING | MATURE CONTENT The English translation is on the process. Please do kindly wait. ☀️🌻