Chapter 9

248 28 1
                                    

☀️🌻

ASH'S POV

"This will be your last mission Ash, pagkatapos nito ay malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo."

Nagulat ako sa sinabi ni Tatay. Last na? 24 pa lang ako, naguguluhan man ay tinanggap ko ang folder.
"Akala ko ba kapag 30 years old na ako titigil Tay?"

"Change of plans, mainit na ang Dark Angels sa batas."

Pinasadahan ko ng tingin ang informations na nakasulat sa loob ng folder.

PNP CHIEF GENERAL VELEZ

Nanlaki ang mga mata ko.
Adoptive father ni Blue!

"Tay, mahirap to... Masyadong kumplikado ang taong to."

"Kumplikado o sadyang ayaw mo dahil ama yan ng lalaking nilalandi mo?" matigas na sabi ni Tatay.

Nilalandi.

Kusang dumapo ang mata ko kay Tatay. Nang-uusig ang tingin ko sa kanya.

"Iba ang pagmamahal sa paglalandi Tay."

"Ano ba ang bilin ko?!" Dumagundong ang boses niya, hindi ako makasagot, dahil alam kong mali ako.

"Hindi niya naman tunay na ama iyan kaya mas madali mong magagawa. Gawin mo ng mabilis, para mapabilis din ang paglaya niyo sa poder ko."

"Bakit pakiramdam ko hindi lang simpleng misyon ang lahat ng ito 'tay? Bakit pakiramdam ko may mas malalim pa na dahilan?" hindi ko na naiwasang magtanong.

"Huwag ka ng maraming tanong. Maghanda ka na."

***

(3RD PERSON'S POV)

"Manolo, Hanggang kailan matatapos ang larong ito?" Nahahapong sabi ni Luz.

"Hangga't buhay si Velez Ate. Hindi 'to matatapos."

Nag-ugat ang galit ni Manolo kay General Velez sa pagpapasunog nito sa Hospicio, nadamay ang asawa niyang si Lucinda na nasa basement ng panahong iyon, hinihinalang ni rape muna ito bago sinunog kasama ng pagpapasunog sa buong building ng ampunan.

Inakit si Lucinda ni General Velez at narahuyo naman ang dating sikat na actress at philanthropist na si Lucinda.

Ang kapatid ni Manolo na si Luz ang tumulong sa kaniyang makaahon muli at ipinaampon ang mga bata.

Nasa puso na ni Manolo ang paghihiganti kaya't pumili siya ng mga batang gagawa niyon sa kanya at naiwan nga sila Tawan, Anson, Mix, Gene at Ash.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting naubos nila ang mga taong involve sa kawalan ng hustisyang iyon.

At sa kasamaang palad, ang mga batang kinikilala silang magulang ay ginamit nilang instrumento ng paghihiganti.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nakaramdam ng guilt si Manolo.
Pero ang galit sa dibdib niya ay muling nag ningas noong ma appointed bilang PNP chief si Velez.

"Pero alam mo ang relasyon ng anak mo sa anak niya!" Napamulagat si Luz.

"Anak ko sa pangalan at anak niya lang sa papel." may diin at conviction sa salita niya si Manolo.

"Diyos ko! kapatid ko, nagpalamon ka na sa iyong galit."

"Hangga't nabubuhay si Velez ate.. Hinding hindi ako matatahimik."

🌻☀️

BLUE'S POV

BUWAN ang lumipas at nagpatuloy ang relasyon namin ni Ash, pa sekreto kaming nagkikita at palagi pang nag iingat.

"Blue..." malamyos na boses ni Yngrid ang pumukaw sa aking pag iisip.

"Hi, Yngrid." pormal na bati ko sa kanya.

Napangiti siya sa akin. "Wow, You actually call me on my first name."

"Yeah?" Napamaang ako, "So?"

"Nothing, I'm just surprised how sexy my name sounded when you said it."

Ewan ko kung niloloko ako ng pandinig ko pero I heard in her tone that she's trying to seduce me.

"Oh, is that so?" Pa balewalang sabi ko, at inayos ang mga files sa desk ko.

Napaingos siya at umismid.
Saka niya ibinababa sa desk ko ang picture na gumulat sa akin.

Stolen picture namin ni Ash na magkayakap.

"Dating with one of the Kana's really?"

Hindi ko pinakitang nainis ako sa sinabi niya, kaswal ko siyang tiningnan. "What are you trying to do?"

"Kinuha mo sa akin ang facial description niya para makilala mo kung sino ang Kana na iyan pero itinago mo sa akin. Ngayon dene- date mo pa pala?!" Paasik na sabi niya sa akin.

"Firstly, I didn't remember that we are very close that I gave you the right to meddle on my private matters, secondly, kung ano man ang gagawin ko sa buhay ko, it's has nothing to do with you, And lastly, don't act like you genuinely care. Okay?" Tiim-bagang na sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mga matang napatingin siya sa akin.
"But he's a criminal! And he's gay Blue!"

"And so? He killed those criminals, Yngrid please, Don't make me lose my patience. Hindi mo 'yun magugustuhan."

"You're an asshole Blue! Makakarating to sa Ama mo!" Nagmartsang lumabas siya sa pintuan ng presento.

Napaisip ako sa sinabi niya, makakarating kay Dad? Magkakilala sila?
Paano? Kailan?

Napuno ng tanong ang isip ko hanggang sa nakarating ako sa lugar ng tagpuan namin ni Ash.

Sa Manila Yacht Club.

Nakita ko siyang nakasampa na sa yate ko at naka hawak sa railings.
Nakatingin sa madilim na tubig dagat.

"Baby..." niyakap ko siya sa likod pero ni hindi siya natinag.
"Problem?"

"Hmmm..." tanging sagot niya at sumandal sa dibdib ko.
"Paano kung may magawa akong mas mabigat pa sa mga kasalanang nagawa ko na? Mamahalin mo pa rin kaya ako?"

Bumitaw ako sa kanya at hinapit siya paharap sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"

"Iyong huling misyon ko, para makalaya sa samahan namin." mahinang sabi niya na nagpakabog ng dibdib ko.

"Ano iyon?" Hinaplos ko siya sa pisngi.

Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko.

"I need to kill your father."

Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon