ASH'S POV
Sinungaling..
I cried in front of him for many reasons, Una.. Nagsinungaling kami sa isat isa. Pareho man kaming may dahilan, still.. Nagsinungaling pa rin kami.
Lamang lang ako kasi alam ko na Agent siya at mukhang naniwala naman siya na hooker ako.
Ang sarap sa pakiramdam na iyong tanong pinapangarap mong makita, nasa harap mo na sa hindi inaasahang pagkakataon.
Ramdam ko ang init ng yakap niya na gabi-gabi ko din iniisip na sana maramdan ko ulit.
Kaso kailangan kong gawin ang misyon ko.
Kumawala ako sa kanya.
Pagkatapos nito, magpapakita ako sa kanya.'Blue.' bulong ng isip ko habang paalis at naghihintay sa pagdating ng Senator.
"Ash.. Naririnig mo ba ako?"
Napadako ang tingin ko sa CCTV sa taas. Alam ko nanonood si Gene.
"Oo." bulong ko sa kanya.
"Huwag kang tutulala diyan. Mamaya mo na isipin si Blue. Nakita ko kayo. Usap tayo mamaya..yang babae sa kanan mo, naka halter top.. NBI agent yan. Partner ni Blue."
Agad kong tiningnan ang babae.
Maganda. Maputi, sexy.Partner ni Blue?
I clench my teeth.
Bigla akong nainis. Parang gusto ko siyang kalbuhin."Kung nakamamatay ang titig patay na yan ngayon, kalmahan mo lang. Selos agad eh." panunukso ni Gene sa akin.
Iningusan ko lang siya.
Dumating nga ang Senador.
"Ayan na si manyakis na Hukluban. Ash, magpa cute ka. Kailangan masama ka niya sa taas.. Effortless yan sayo."
Susog ni Gene sa akin.Kinindatan ko naman ang senador at nagkagat labi ako noong dumako ang mata niya sa akin.
Nananayo ang balahibo ko ng tiningnan niya ako ng may pagnanasa.
'Yuck! hiyaw ng utak ko.
Nakita kong ganon din ang ginawa ng Agent na babae.
"Tangina, Eeksena pa si Mare." gigil na sabi ko.
"Calm down." bulong ni Gene.
Ngumiti ako ng malaki nang senyasan ako ng senador na lumapit.
Lumapit ako sa kanya at ngumiti.
Hinawakan niya agad ako sa beywang, bago pa ako naka angal, Tumawag pa siya ng isa.'Puta?' gigil na bulong ko sa isip.
'Swapang amp.'Pero napalitan iyon ng mapaglarong ngiti nang makita kong ang Agent ang natawag niya.
"Whew.. Alam ko ang ngiting yan Ash." Bulong na naman ni Gene.
Ang ingay ng dagang to!Hindi ko na siya sinagot dahil inalalayan na kami ng Senador paakyat sa kwarto niya sa taas.
Maluwang ang silid, kumpleto sa gamit at malinis.
"Mag shower lang ako, sure kayo ayaw niyong sumama?" Nang-aakit na sabi ng matandang hukluban.
Tangina, nakakasuka!
"Mauna ka na po Senator." malanding sabi nang babae.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Kapag marinig mo ang fire alarm, alam mo na ang gagawin." Bulong ni Gene sa earpiece.
Napahawak ako kunwari sa taenga ko para e secure ang earpiece.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.
"You don't have to know." maarteng sabi ko.
Tinitigan ko siya nang mariin.
Nagdikit talaga ang kilay ko sa inis na siya ang partner ni Blue sa mission na to, to think na ganyan ang suot niya halos kita na ang kuyukot."Ba't ka ganyan makatingin?" Mahinhing sabi nito.
Ulol. Akala niya tanga ako. Nagpapakiramdaman lang naman kami.
Alam ko may pinaplano din siya. Unahan na lang kami.Tumayo ako at naglakad lakad, advantage na din ang pagsuot ko ng cocktail dress, mas maluwang ang palda niyon kaya madali kong magagawa ang kilos ko.
Pagkatapat ko sa likod ng babae,
Mabilis kong binunot mula sa holster sa hita ko ang baril, at ipinalo ang hawakan noon sa batok niya.Nawalan siya agad ng malay.
"Weakling, Paano ka naging Agent nito? Tsk." asik ko at inayos siya ng higa sa kama saka ako naupo sa tabi niya at itinago ang kanang kamay ko na may hawak na baril sa likod ko.Lumabas mula sa bathroom ang Senator.
"Oh? Anong nangyari dyan? Akala ko mag eenjoy tayong tatlo?" Ngingisi-ngising sabi nito.
"Natamaan yata ng ininom niya kanina. Pwede naman tayong dalawa na lang." nang-aakit na ngumiti ako sa kanya.
"Magkano ba ang gusto mo ngayong gabi?"Naglakad siya palapit sa akin.
Sige, lapit pa...
Ngumisi ako sa kanya, "Ito, Caliber .45."
Itinutok ko sa kanya ang baril ko.
Namutla siya at napako sa kinatatayuan."Masyado nang takot si Satanas sa kasamaan mo, kaya tinatawag ka na niya. Kaya para hindi ka na mahirapan pa, Ihahatid na kita." Nakangiti kong sabi sabay kalabit ng gatilyo.
Sapul siya sa gitna ng mata.
May silencer ang baril ko pero sapat parin iyon para marinig ng mga bantay niya sa labas. Inilabas ko ang panyo ko na may palantandaan ko at itinakip sa mukha niya."Tang'na Ash! Hindi ko pa nagagalaw ang fire alarm." Gigil na sigaw ni Gene sa linya.
"Galawin mo na. Uumagahin tayo. Ayokong lumapat ulit ang maduming kamay ng hayop na to sa balat ko." angil ko sa kanya.
Tumunog ang fire alarm kasabay ng pag kalabog ng pinto.
"Mouse!" Sigaw ko sa kabilang linya.
"Dalawa ang bantay sa labas."
Sabi ni Gene,
"Burado ko na bawat footage na kasama ka nakasunod ako sa bawat kilos mo."Napatango ako.
Pumwesto ako sa harap ng pinto, iniumang ang baril doon.
Naghanda ako kung may papasok.
Wala akong ibang madaanan palabas ng kwartong ito.Nakita kong pumihit ang siradura ng pinto.
Pag litaw ng isang ulo sa loob, agad kong pinaputukan. Saka ko hinila papasok ang patay na lalaki.
Sinalubong ko naman ng sipa ang isang papasok pa lang, nang tumimbuwang ito ay saka ko inapakan sa likod at binali ang leeg.
"Labas na Ash. Sumama ka sa mga taong nagtatakbuhan."
Agad kong binalik sa holster na nasa hita ko ang baril at tumakbo palabas.
Mission Accomplished.
&&&&
Itutuloy..
An:
Ito yong nangyari bago pa man makita ni Blue is Ash na papunta sa Fire exit.Waanjai_Erottika
![](https://img.wattpad.com/cover/275305703-288-k401877.jpg)
BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House)
AçãoWARNING | MATURE CONTENT The English translation is on the process. Please do kindly wait. ☀️🌻