Simula

985 49 1
                                    

SIMULA

ASH

Sunod-sunod na sipa at suntok ang pinakawalan ko sa punching bag.
Bakas ang poot, galit at kagustuhang maghiganti at ilabas ang lahat ng hinanakit sa mga taong naging dahilan kung bakit nawala ang taong pinaka mahalaga sa akin.

Napaka unfair ng buhay.
Araw-araw bumabalik at tila kahapon lang nangyari ang isang mapait na alaala na hindi mawala sa isip ko ilang taon man ang lumipas.

"Ash! Aba, maawa ka naman sa punching bag, kung tao pa 'yan, Nag hihingalo na." tatawa-tawang awat sa akin ni Gene, siya ang isa sa mga maituturing kong kaibigan at kasangga.

"Naalala mo na naman siya ano? Ganyan ka eh kapag naisip mo siya." napaismid siya
sa'kin.

"Huwag ngayon Gene. Sasamain ka sa 'kin." saglit ko lang siyang tinapunan nang tingin at saka ako nagpatuloy sa pagsuntok sa punching bag.

Bawat malakas na impact sa aking kamay, ay siyang pagdaloy na isang masaya at mapait na alaala.

***

HOSPICIO DE SAN MANUEL YEAR 1995

"AH BAKLA! BAKLA!"

"BA'T KA NANDITO SA AMPUNAN? E PAG LAKI MO MAGIGING SALOT KA LANG?!"

"BAKLA!"

Sabay sabay na tukso ng mga batang lalaki sa isang maliit na bata na nasa pitong taong gulang, naiiyak ito at naka siksik sa gilid ng pasilyo.

Lumapit ang isa sa kanila sa kanya.
"Ano nga ulit ang pangalan mo bata?"
Tanong nito na may nakakalokong ngiti.

"Ayiesha." napahikbing sagot niya sa takot na baka mas lalo siyang masaktan kung hindi siya magsasalita.

"Mukha ka na ngang babae, pambabae pa pangalan mo. Kaya ka bakla!" Sabay ulit na nagtawanan ang mga ito na mas lalong nagpa bulanghit ng iyak sa paslit.

"Oh baka babae ka talaga? Nagpanggap ka lang na lalaki o kung sino man ang nagpasok sayo dito para mapunta ka sa maayos na pamilya? Bakla ka na nga manloloko ka pa?!"

Akmang hahawakan nila para hubaran ang bata ng dumating ang isang batang lalaki na nasa labing dalawang taong  gulang na.

Siya ang pinaka kuya ng lahat  sa ampunan.

"Hoy! Anong gulo na naman iyan ha?!" maangas na awat niya sa tatlong bata na nagkumpulan sa gilid ng pasilyo.

"Hala si Blue! Takbo na." nagpulasan palayo ang mga bata pero bago pa man sila nakatakbo, naharang na sila ni Blue.

"Ito na ang huling beses na makikita ko kayong nang-aaway. Sa susunod, talaga g magkakasakitan na tayo tapos isusumbong ko kayo kay Mother Superior para walang magulang ang aampon sa inyo." malumanay ngunit madiin niyang sabi na nagbigay nang kaba at takot sa tatlong bully.

"Hindi n-na B-blue." napailing ang tatlo, bakas sa mukha ang takot.

"Alis!" sigaw niya sa mga ito at umastang aamabaan sila ng sapak.

Agad silang nagpulasan ng takbo sa takot na maabutan ni Blue at masaktan.

Kinusot kusot ng batang si Ayiesha ang kanyang mata, tumayo siya at inayos ang kanyang damit.

"Salamat Kuya." nangingiti kahit may luha sa matang nagpasalamat siya sa tagapagtanggol.

"Walang anuman, Bago ka ba dito?" Tinulungan siya ni Blue na ayusin ang suot na damit na nalukot at pinagpagan din nito ang alikabok doon.

"Opo, Kararating ko lang kanina sinalubong agad ako ng mga iyon, Natatakot ako." may nginig parin sa boses na sabi ng paslit.

"Hayaan mo simula ngayon.. Ako na ang magiging tagapagtanggol mo. Ako nga pala si Blue, Ikaw ano'ng pangalan mo?"

Nahihiya siya sa pangalan niya pero dahil sa magandang ngiti ng kaharap, nagbigay iyon ng kumpyansa sa kanya.

"Ayiesha." sabi niya sa maliit na boses.

"Ang ganda ng pangalan mo.. Bagay sayo." inilahad ni Blue ang palad sa kanya. "Pero tatawagin kitang Ash. Kinagagalak kong makilala ka."

Tinanggap naman iyon ni Ayiesha. Sa pagdaop ng kanilang kamay, ay sabay na nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

Simula noon, palaging kasama nila ang isa't- isa. Magkasangga, magkakampi.

Isang araw, napag tripan na naman si Ash ng mga bully sa ampunan, tiyempong wala si Blue dahil inutusan ng isang madre.

Mag-gagabi na nang makabalik si Blue at ang nakita niya ay nilalamon na ng malaking apoy ang Hospicio.
Nakita niyang nagkumpulan sa labas ang mga batang kasama  niya pero nawawala si Ash.

Agad siyang nagtatakbo sa loob, hindi siya napansin ng mga bombero kaya maagap siyang nakapasok. Hinanap niya agad si Ash dahil ito lamang ang wala sa mga batang nailigtas na, nakita niyang nasa isang sulok ng  pasilyo si Ash at umiiyak.

Sa batang edad, sanay at batak sa mabibigat na gawain si Blue kaya mabilis niyang nabuhat paalis si Ash.

Sinalubong sila ng ilang bumbero,
Pero bago pa man sila naka labas,
Nahulugan na ng nag aapoy na mwebles si Blue.

Iyon ang huling alaala ni Ash kay Blue.
Ang batang naging tagapagligtas niya.

Si Blue na biglang nawala pagkatapos maitakbo sa Ospital. Ang sabi ng Mother Superior ay nakuha siya ng isang dalubhasang doctor at dinala sa America para ipagamot. Pero ang narinig niya naman sa ibang madre ay namatay ito at hindi  nakaligtas sa laki ng pinsalang natamo.

Napabuntung hininga si Ash nang maalala lahat iyon. Hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan, kung buhay pa ba kaya si Blue o nawala na ng tuluyan sa mundo.

Naiinis na ipinag pa tuloy niya ang pag eensayo, sa bawat impact ng kanyang kamao sa punching bag, iisang tao ang laman ng kanyang isip.

'Blue...'

---

Itutuloy

Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon