Chapter 11

197 29 1
                                    

🌻☀️

Yngrid smiled triumphantly at lumapit sa lalaki, lalong napatda si Ash ng maghalikan ang dalawa sa harap niya.

Binuhusan naman ng tubig ni Alfred si Manolo. "Gumising ka. Nandito ang tagapagligtas mo."

Nagmulat ng mata si Manolo at ang bumungad sa kanya ay ang walang ekspresyon na mukha ni Ash.

"Anak..."

"Paano mo sasabihin sa mga Kana na binuo mo Manolo na ang kagustuhan mong maghiganti sa akin ang ugat ng lahat ng ito?" nang- uuyam na sabi ni Alfred.

Napatiimbagang si Ash. Naguguluhan na siya.

Anong pinagsasabi nito?

Sa kabilang dako naman ng warehouse ay naglalakad si Blue, mahigpit ang hawak sa kanyang armas at sinusundan niya ang lugar na kinarinigan niya kanina ng mga putok ng baril.

"Velez... This is Lapuz. Change of location.. Do you hear me? Sa pier 70. Over."

Paulit-ulit na sabi ni Agent Lapuz sa earpiece ni Blue pero hindi na niya napansin ito.

Nakita niya ang Ama na kahalikan si Yngrid, may isang lalaking nakaupo sa silya at nakatali habang si Ash naman ay nakababa ang kamay na may bitbit na isang uri ng hand gun, walang anumang ekspresyon ang kanyang mukha.

Sa mabilis na kilos ay pinisil ni Ash ang maliit na button ng magasin clip ng kanyang baril, kasabay ng pagkalaglag noon ay ang paghugot niya ng bagong clip at pagkasa sabay gigil na itinutok sa nasa harap niya.

"Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!"

Nagpalakad-lakad sa likod ni Manolo si Alfred, ipinagkrus ang isang braso sa kanyang dibdib at inilagay niya ang isang kamay sa ilalim ng baba at kunwari'y walang gana siyang nag kwento.

"Isang drug smuggler si Lucinda na asawa ng Tatay mo. Nakaimbak ang mga drogang iyon sa basement ng Hospicio de San Manuel, Nang magkaroon ng buy bust operation sa pamumuno ko ay sinunog ni Lucinda ang Hospicio at nagpakamatay siya doon mismo sa loob ng basement na iyon kasama ng mga drugs na na smuggle niya."

"Sinungaling ka! Hindi magagawa ng Nanay yan!" Sigaw ni Ash.

Kahit lumaki sila kay Luz, kilala nila si Lucinda sa mga kwento nito at ni Manolo.

"I've known her since then, mas nauna ko siyang minahal kaya kilala ko siya." napangising sabi ni Alfred.
"Besides, hindi ka pa ba maniniwala e nagawa niya nga kayong buuin bilang vigilante group para makapaghiganti."

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Manolo dito. Malikot ang mga kamay niya na nakatali, nagpupumilit makawala.

"Ginagamit lang kayo ni Manolo sa walang kabuluhan niyang paghihiganti." Dagdag pa ng ama ni Blue na hindi man lang natinag sa galit na tingin ni Manolo.

"Sinungaling ka! Hindi magagawa ng asawa ko iyan! Pinagkatiwalaan ka niya bilang kaibigan pero anong ginawa mo? You planted that drugs, para ano? Bumango ang record mo at maging Heneral ka! Hindi siya nagpakamatay dahil itinali mo siya sa basement at ginahasa. Sinunog mo ang Hospicio at nanganib pa mismo ang buhay ng batang inampon mo! Napaka hayop mo! Pakawalan mo ako rito, Duwag! Tayo ang mag tuos!"  Nagbabagang tingin ang binigay ni Manolo sa kanya. Namumula ang mga iyon dahil sa galit at sakit na nararamdaman.

Napatda si Blue sa narinig.
Nagawa ng ama niya iyon?

"Bakit naman ako magsisinungaling Manolo? Gawain mo yan, huwag mong ipasa sa akin."  Natatawa pa kunwaring sabi nito.

"Dahil gahaman at sakim ka sa kapangyarihan, nang mangyari iyon, umangat ang posisyon mo ngayon, masaya ka ba Velez?" Nang-aasar na sabi ni Manolo. "Masarap bang mabuhay sa panloloko?"

Naiinip na si Yngrid.

Gusto niya ng tapusin ito.
Nangangati ang kamay niya na patayin si Ash.

Kaya kahit hindi inutusan ay pasimple niyang kinuha ang tumilapong baril at ipinaputok iyon kay Ash na bahagyang na daplisan sa balikat.

Umalingawngaw naman ang isa pang putok, napako sa kinatatayuan si Yngrid nang maramdaman niya ang pag sigid ng kirot at pamamanhid ng isang parte ng kanyang likod.

May bumaril sa kanya.

Patakbong lumapit si Blue kay Ash, umuusok pa ang dulo ng kanyang AK47 riple, binaril niya si Yngrid ng tangkain nitong asintahin si Ash.

Nanghihinang napahiga sa lapag si Yngrid habang bumubulwak ang dugo sa katawan niya.

Nagulat man ay agad nakabawi si General Velez. Napalakad siya papalapit kay Blue.

"Anak... Halika rito." tawag niya kay Blue.

"No Dad. Let's stop this." napailing si Blue.

Paatras na bumalik sa dating pwesto si Alfred.
"Lalapit ka o babarilin ko ang ama niya?" Itinutok nito ang hawak na baril sa sentido ni Manolo.

Laking gulat nila ng hablutin ni Ash ang hawak na armas ni Blue at itinapon iyon sa malayo, kasabay ng pagdikit ng baril niya sa ilalim ng baba ni Blue.
Hinayaan ni Blue na gawin niya iyon, ni hindi siya natinag

"What now General?" Nang uuyam na ngumisi si Ash dito.

Pagak na natawa ang lalaki. Walang pakialam.
"Nagpapatawa ka ba? He's not my son. I don't care about him."

Nasaktan si Blue sa narinig.

"Really Dad? After all I've done to please you? Niloko mo pa ang Mommy!" Nanglilisik ang matang sabi ni Blue.

Paunti-unti namang kinakalag ni Manolo ang pagkakatali sa kanyang mga kamay habang nalilibang sa pakikipag-usap si Alfred at dahan dahang nakuha niya ang baril ng duguang si Yngrid.

Napailing si Alfred, "Hindi na kailangang umabot tayo sa ganito Anak."

"Ibaba mo ang baril mo Alfred o sasabog itong bayag mong walang silbi!" Nagulat silang tatlo nang makitang natanggal na ang pagkakatali ng mga kamay ni Manolo at nakatutok na ang baril na Hawak nito sa bandang puson ni Alfred.

Namumutlang ibinaba ni Alfred ang hawak na baril at sinipa naman iyon ni Manolo papalayo, pero mabilis na kumilos si Alfred at inagaw ang baril na hawak niya.

Nagpambuno ang dalawa.
Umayos ng tayo si Ash at ipinosisyon ang baril niya patutok sa dalawa.
Naghahanap ng maayos na anggulo para maasinta si General Velez pero mabilis ang kilos ng dalawang nagpambuno.

"Ash. Don't." boses ni Gene ang narinig ni Ash sa earpiece na suot.

Dalawang putok ang unalingawngaw at pumuno sa warehouse.

Dahan-dahang bumagsak si Manolo, duguan ang dibdib.

"Tay!" Agad siyang nasalo ni Ash bago pa man siya matumba.

Unti-unti ring napapahiga si Alfred. May tama siya sa likod.

"Dad!" Akmang lalapit na si Blue sa ama ng may pumigil sa kanya.

"Huwag kang lalapit sa hayop na iyan anak!"

Gulat na napalingon si Blue.

Ang Ina niya na may hawak na umuusok pang handgun.

"Mom."

Siya ang bumaril kay Alfred.

Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon