Chapter 2

24 0 0
                                    

"Why are they fighting over that boy?" I asked.

We are walking now in the parking lot area of our school. Wala na sa paningin namin sila Farrah. It's prohibited to students to stay here until the class end pero 'di naman kami mag-stastay kasi naglalakad lang kami.

"Upo mo na tayo rito," sabi ko at umupo sa bench na malapit sa mga puno.

Joke lang pala, mag-iistay na kami.

Wala naman kasing guard kaya walang huhuli sa 'min. I like this place 'cause there are no students here; this area is quiet. Marami ring puno at bench na maaring upuan.

Para saan pa 'tong mga bench na 'to kung 'di rin pala ipapaupo sa mga students?

There are few cars parked here, baka mga kotse ng mga teachers or mga ng nagtratrabaho rito. Malapit ang parking lot sa main entrance at sa entrance ng mga sasakyan but hindi sapat ang lapit na 'yun para makita kami ng mga guard.

Naka-alternate ang bench sa mga area na pang parking ng sasakyan that's why I sat on the bench where there is no car beside it para magkasya kami. Lhea and Ace sat beside me while the others sat in the other bench. Yung iba ay tumayo na lang.

We are all girls here, Migs and Ivan are not always with us when we are here in school. They are with their other friends. Kaibigan din naman namin ang mga kasama nila Migs but we are not that close. Nagsasama lang kami nila Migs pag-uwian na, parehas kasi kami ng mga sasakyan pauwi. 'Pag naman dito sa school,  sumasama lang sila sa 'min kapag trip nila at we don't have hard feelings about that.

We understand that we have different circle of friends kaya 'di talaga lagi magkikita, magkakasama, at magkakapag-usap. Hindi naman kasi ibig sabihin ng 'di kami lagi nag-uusap ay hindi na kami magkakaibigan.

"Ano na ngang nangyari? Ang tagal mo naman kasi magkwento, matatapos na 'yung break," sabi ko.

"Ito na nga diba, pa'no ko kasi matatapos ang kwento ko kung sabat kayo nang sabat? Lalo ka na," mabilis na sabi ni Asha at dinuro ako ng kamay niyang may hawak ng pamaypay. Natawa na lang ako dahil sa kanya.

"Oh ito na, nagpaparinigan sila sa twitter kasi parehas pala silang may gusto kay Caden, the one who surprised Elysia. Ang kaaway naman ni Farrah na si Clea parang nagugustuhan na raw ni Caden kaya nagalit si Farrah kay Clea at dahil nga inaaway ni Farrah si Clea edi pinatulan na siya ni Clea. Kahapon sila nagkapisikalan," pagkwekwento ni Asha habang kaming lahat ay nakikinig lang sa kanya.

"I don't get it. 'Di ba, I was the one who got surprised by Caden. He even asked me if I can be his girlfriend and I said yes! How come hindi ako ang sinugod ni Farrah imbes na si Clea."

Almost everybody in our school know what happened on that day. 'Di man lahat naroon ngunit malamang kwinento ng mga nakakita sa nangyari ang nangyari noong araw na sinupresa ako ni Caden.

"Bakit? Gusto mo ikaw masugod?" si Ace.

"Wala ka kasi kahapon, 'te. Baka dapat ikaw talaga ang target ni Farrah pero wala ka kaya si Clea nalang," sabi ni Rica at natawa kami.

"Aww, option lang pala si Clea? Kawawa naman," sabi ko habang natatawa.

"Based of my reliable sources, pinagkakalat naman kasi raw ni Clea na dare lang 'yung surprise sa 'yo," si Ash.

"Masyado ka nang maraming nalalaman, kailangan ka na ipatumba," I joked.

"Those two are both desperate," Lhea tsked. "Do you know where Caden was when the two were fighting?" tanong sa 'kin ni Lhea habang nanlalaki ang mga mata.

"I don't know, I'm not Caden. Why are you asking me? And how would I know? I was absent yesterday," sabi ko at medyo natawa.

Bakit kasi ako ang tinatanong? Mukha ba kaming close ni Caden? Mukha bang inuupdate niya ako sa mga ginagawa niya sa buhay.

Lean on the AcruxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon