Chapter 9

31 0 0
                                    

I woke up early in the morning even though it's Saturday because I'm going to go to my parent's house. Kaya kahit sobrang sakit pa ng ulo ko sa antok at dahil na rin siguro napagod ako kagabi sa event ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na gumising nang maaga. To be honest, I don't want to go home today pero baka mag-tampo na sa 'kin 'yong nanay ko.

Miss na miss na kasi nila ang maganda nilang anak.

They don't miss ate Ezlyn kasi hindi naman maganda 'yun. Eme lang.

Pagkarating ko sa bahay, tulog pa sila mama. Inakyat ko muna ang gamit ko sa kwarto before I called Caden to tell him na I'm already home at mag-kita kami sa park. This is the reason why maaga ako pumunta rito. We planned to walk in the park in the early in the morning para rin kapag tanghali na ay nasa bahay na ako at doon na papalipasin ang araw ko.

"Hi po," nahihiyang kunyaring sabi ko nang makalapit na ako kay Caden. He's sitting on a bench.

"Ay hi po? Are you the one I matched with on tinder?" Nakisabay naman sa trip ko 'tong loko.

"I guess it was me? Pero bakit po naka-pink kayo? Sabi mo sa chat naka-red ka? Baka hindi ikaw, uwi nalang po ako," sabi ko at tumalikod. Caden grabbed my wrist and turned me to him while laughing. Napatawa naman ako bigla nang na-ikot na niya ako paharap sa kanya. Hinila pa niya ako lalo upang mapaupo sa tabi niya.

He stopped laughing but it was obvious that he still wanted to laugh but he was just stopping it. I laughed more because of that kaya pinakawalan na niya ang kanina pa niyang pinipigil na tawa.

Kung kanina natatawa kami dahil sa trip namin sa buhay, ngayon natatawa kami sa mukha ng isa't-isa. After a few seconds our laughter vanished from our mouths. Even though we already stopped laughing, there was still a smile on Caden's lips. He was just looking at my eyes.

Ngumunot naman ang noo ko dahil anong tinitingin-tingin niya riyan? His smile grew bigger and he squished my cheeks.

"Ano ba?! Aray, ha," reklamo ko at tinampal ang kamay niya. Pagkatanggal ng mga kamay ni Caden sa mukha ko ay siyang pagkawala rin ng ngiti sa kanyang mga labi. Kumalabog ang dibdib ko dahil biglang nag-seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"Are you okay? Malakas ba pagka-hampas ko?" nag-aalala kong tanong ko. Inabot ko ang kamay niya pero nagitla ako nang bigla niyang hilayin ang kamay ko nang mas papalapit pa sa kanya at naramdaman ko na lamang ang mainit niyang yakap sa 'kin.

Ang baba niya ay nakapatong sa ulo ko samantalang ang ulo ko naman ay nakasandal sa dibdib niya.

Nanlaki ang mga mata ko. I tried to get out of his embrace but he was more stronger than me kaya naman ay hindi ako nakawala. "Caden...oy..." I could hear and feel his heart pounding wildly. Rinig na rinig ko rin ang bawat paghinga niya.

"I know you don't like this kind of stuff but can you just lend me a minute to hug you?" napapaos niyang sabi.

"But we are in public..."

"I miss you... I thought I will be okay with us just chatting and calling eachother but damn I really miss you." Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa 'kin.

"This is PDA, Caden,"

"I know and I don't care." Inalis niya ang pagka-patong ng ulo niya sa 'kin kaya naman inangat ko ang tingin ko sa kanya at inayos ang pagkaupo ko pero nakayap pa rin siya sa 'kin . I stared at his eyes and I could see longing there. "Don't you miss me? Hmm?"

"Hindi..." sabi ko habang umiiling. Caden just chuckled and buried his face in my shoulder.

Naglakad-lakad kami ni Cadenn sa park at bumili ng mga pagkain na nakita naming mukhang masarap. Puro mga nangyari sa kanya noong wala ako ang mga pinag-usapan namin. Kaya naman pala hindi nagkwe-kwento ang loko 'pag nasa call kami at puro ako lang ang nagkwe-kwento dahil daw gusto niya sa personal niya sabihin.

Lean on the AcruxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon