"Edi, ikaw na tama."
"Aren't you going to say sorry?" Tinaas niya ang kanyang isang kilay. Nakapamewang ang isang niyang kamay, samantalang ang isa naman ay nakahawak sa twalyang nakapalupot sa bewang niya.
"Hindi. Why would I?" Inirapan ko siya.
"You just invade my privacy by entering my room without my permission."
"I was not aware that I invaded your privacy, so why would I say sorry? Kasalanan ko ba na pumasok ako sa kwarto mo kasi magkamukhang-magkamukha ang kwarto natin? Is it my fault that our rooms are very similar to each other? Hindi, so it was not my fault kaya walang dahilan upang humingi ako ng tawad sa 'yo"
"Whose fault then?" pag-hahamon niya sa 'kin. He went near me. I didn't step back. Tinaas ko ang noo ko at tinitigan ang mga mata niya.
"Ang architect," I said with my voice full of pride. He took a deep breath and rolled his eyes. Tila ba pinipigilan niya ang sarili na mapikon sa 'kin.
"Lumabas ka na lang ng kwarto ko." He went away from me and went to his cabinet. Binuksan niya ito at nagsimula nang maghanap ng damit.
Kitang-kita mula sa pwesto ko ang likuran niya. Wala namang kakaiba sa likod niya. Mukhang likod ng normal na tao. He doesn't has abs or muscles but he looks fit and fine. His body is suit to him.
Nawala ang tingin ko sa likuran niya nang humarap siya sa 'kin. Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya. Kitang-kita ko ang pagkairita sa kanyang mukha. "Hindi ka pa ba aalis? Gusto mo ba akong panoorin mag bihis?"
Oo nga pala, dapat pala lumabas na 'ko rito.
"Aalis na 'ko. Magbihis ka na, baka magkapulmunya ka pa." I snorted. Tumalikod na ako sa direksyon niya at baka akalain niya pa na gustong-gusto kong nakikita ang kanyang katawan.
I looked for my bag na ibinato ko kung saan bago ako humiga. Nakita ko iyon sa kabilang gilid ng kama. I grabbed it and went to his room's door. Lumabas ako at sinarado ko nang malakas ang pinto niya.
Pumanhik ako sa aking kwarto. I had a half bath first and changed my clothes to something comfortable before continuing my sleep. A loud knock from my room's door woke me up.
Bakit ba ang daming istorbo sa tulog ko sa bahay na ito?
Inis akong bumangon sa kama at binuksan ang pintuan. I don't care if my face is ugly and my hair is messy. Hindi na ako nag-abala na ayusin ang sarili ko. I just wanted to know who the hell disturbed my sleep this time.
If this is Zale again, I don't know what things I will capable to do. Baka batuhin ko siya ng kung ano-ano.
When I opened the door, I saw Dalia's face. Ang irita sa 'king sistema ay biglang nawala. Mukha kasing anghel itong si Dalia. Si Zale rin naman mukhang anghel ngunit demonyo naman ang ugali.
"Bakit po?" sabi ko at ngumiti nang kaunti. I rubbed my two half opened eyes by my hand.
"Pinapatawag ka ni ate dahil kakain na raw ng hapunan."
Kung gigisingin ba naman ako dahil sa pagkain, aba lagi sana akong gisingin.
"Susunod na lang ako roon. Magtatali lang ako ng buhok," paalam ko at sinarado na ang pintuan.
After I tied my hair, I went out of my room. Napatingin ako sa katabi kong kwarto nang narinig ko ang pagbukas nito. Lumabas si Zale mula rito. He's wearing white t-shirt and a short. Magulo rin ang buhok niya. It looks like, he just got off from his bed.
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya. Mabagal lang ang paglakad ko at ganoon rin naman siya ngunit malalaki ang hakbang niya na sanhi nang pagsasabay namin.
BINABASA MO ANG
Lean on the Acrux
RomanceElysia Raelle Valteron doesn't like her sister's mother-in-law because of what she did to her sister and mainly because of her attitude pero paano na lang kapag na meet niya na si Chander Zale Fauenza na brother in law ng kanyang kapatid at namana a...