Chapter 16

21 0 0
                                    

Kahit pa dumapo na ang kanilang titig sa 'kin ay hindi ako nag-abalang magtago mula sa kanilang mga mata. I was too stunned to even move my feet. I was just staring at the baby bump of the girl. Naglakad sila papalapit sa 'kin pero nakatingin pa rin ako sa tiyan ng babae.

"Elysia." Ramdam ko ang takot sa boses ni Caden.

Nanliliit ang aking mga mata ay tinignan ko siya. Hindi ko napansin na nanginginig na pala ang aking katawan. Nang magtagpo ang mata namin ni Caden ay kitang-kita ang takot sa mga mata nito.

Lumabas sa aking bibig ang isang sarkistong tawa. Bumaling naman ako sa katabi niyang babae na parang hindi ata alam kung sino ako. She's clueless on what's happening between Caden and I.

Kung titignan ang babae, maganda siya. Matangkad, hanggang bewang ang buhok, at maganda ang hubog ng katawan. Mukha rin siyang may ibibuga sa buhay.

Kaya naman ata ako pinagpalit? This woman looks much better than me.

Iniwas ko na ang baling sa babaeng nasa tabi ni Caden dahil kinakain na ng insekyuridad ang aking sistema.

"Kaya pala sawa ka na kasi may bago na?" Mapait akong ngumiti. "Well, congrats! Medyo malaki na ang tiyan niya, ha! Girl ba o boy? Ninang ako, ha?" Habang sinasabi ko iyon ay tuloy-tuloy ang agos ng luha sa 'king mga mata.

Hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng mga ito gaano ko man pilitin na ni isang patak ng luha ay hindi mahulog sa aking mga mata. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kng magmukhang mahina.

But I couldn't anymore.

Kung noong nakaraan ay nakaya ko maging mukhang matapang, ngayon hindi na. Sobra-sobra na ang nararadaman kong sakit ngayon. Lalo na kapag nakikita ko ang umbok sa tiyan ng babaeng nasa harapan ko.

Suddenly, the thought of Caden kissing this girl like his life depended on it and how their lips brushed against each other, vividly played in my mind. I tried to distinguish that scene in my head but I was too weak to shut it.

I closed my eyes tightly, trying to erase the thought and ease the pain I'm feeling.

"Miss?" ani ng babae sa isang maarteng boses. I didn't know if it's that her natural voice o iniinis niya lang ako lalo.

"Adria, balik ka muna sa bahay. Mag-uusap lang kami."

Natawa ako. What a caring, uh, husband?

"Seriously, Caden? You will let me cross that alone? Paano kung may sasakyan?" pagmamaktol niya. Huminga nang malalim si Caden, tila nagtitimpi.

Spoiled brat pa ata ang pinagpalit sa 'kin ng putanginang Caden na 'to

"Wala namang sasakyan, Adria. I just really need to talk to her," nanghihinang sabi ni Caden.

Tatawid lang naman kailangan pa ng kasama? 'Di ka ba marunong?

Oh, well, Elysia, She's pregnant.

By your ex who definitely cheated on you.

Gago ka talaga Caden. Gusto kong sumabog at magwala.

"Who's this girl ba? One of your girls? Gash, Caden, you're going to be a dad!"

Irita akong bumaling sa kanya gamit ang matatapang kong mata. Tinitigan din niya ako at pinantayan ang pinaparamdam ng titig ko.

She doesn't know that Caden had a girlfriend? This fucking two-timer.

"Adria, please," pag-aawat niya rito sa pagtitig sa 'kin.

"Fine! But my ice cream later, huh?!" inis na sabi nito bago mag walk out. Bago siya tumawid ay tinignan niya pa ako kaya naman inirapan ko siya.

Lean on the AcruxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon