"Feeling better?" Zale asked when we finally have alone time together in his veranda. Pagkatapos kasi kumain ay umalis na agad ang parents niya at we decided to just go the veranda in his room. Favorite spot niya kasi talaga iyon sa bahay nila.
"Kinda." I shrugged.
I was not looking at him. I just watched the plants and the trees sway with the waves of air in their large garden. Abot tanaw kasi mula rito sa beranda niya ang outdoor pool nila at malaking garden kaya hindi ko siyang masisi kung bakit gustong-gusto niyang laging tumambay dito. Napaka refreshing naman kasi talagang tignan ang garden nila.
"I guess mama helped you to divert your attention from your problem."
"I guess so too," maikli kong sagot.
Nakalimutan ko saglit lahat ng sakit na iniinda ko ngayon dahil sa mama ni Zale dahil lahat ng sakit napalitan niya ng inis. Naiinis ako sa kanya kanina pero I would be lying if I say that I didn't enjoy her company. Masaya naman kasi siyang kasama, nakakainis lang talaga.
"Should I get on your nerves so you can talk a lot with me?" Napabaling ako sa kanya at nakita kong nakataas ang kanyang isang kilay. Napakunot naman ang noo ko. "I noticed that you just talk a lot now whenever you're pisse."
"Then should I stay this quiet so you will be more talkative when you're me?"
"What do you mean? I'm this talkative when I'm with you."
"But not this kind of talkative you are right now. Ikaw na ang nag-oopen ng mga topic ngayon. Saka minsan na lang ako naiinis sayo."
"Minsan?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hindi na nga kita iniinis, e."
"Ay talaga?" I acted shocked by his words.
.
"Gusto mo bang ganito lang ako kadaldal?" marahan niyang tanong sa 'kin.
Without any thinking, I immediately nod my head. Gusto ko talaga na super daldal niya kasi ang dami ko ring nalalaman. His words entertain me a lot especially now that I'm going through something. If he's being this talkative with me to help me cope with my problem, then he's doing great. It's really working.
"Then I will be this talkative when I'm with you. But when you're already okay, I can't promise na ititigil ko na ang pang-iinis sa 'yo. Iniinis mo rin naman ako. Pantay lang." Napairap ako sa sinabi niya kaya narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
Source of happiness niya ata ang pag-irap ko.
I was not expecting that he would stop pissing me off so I was not surprised by what he said. Baka manghina siya kapag isang taon niya akong hindi mainis.
"Kaya sana maging okay ka na kasi miss na kita inisin." Nakakaloko siyang ngumiti sa 'kin.
Hindi ba siya aware na sa ginagawa niya ngayon, iniis na niya ako?
"So responsibilidad ko ba mag move on agad para mainis mo na ako?" Parang prinepressure pa ako ng lokong ito, ha.
"Move on?" kunot noo niyang tanong.
Nakaramdam ako ng kaba kaya naman agad akong nag-isip ng maaring pwede ipalusot.
"Mag move on sa problema ko kasi. Kung ano-ano nasa isip mo...." I just whispered my last sentence. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya para hindi niya mahalata na nagsisinungaling lang ako.
Hindi ko kayang sabihin sa kanya na wala na kami ni Caden. I also don't know when I will be ready to tell what happened to us. Hayaan ko na lang siguro malaman nila?
Ayaw ko pa rin kasi sabahin. Ayaw ko sabihin kasi hindi ko pa tanggap na wala na kami ni Caden.
Five years was not a joke! Mabuti na lang talaga ay hindi talagang umikot ang mundo kay Caden. It was a good thing that I was not dependent on him. Kasi kung nagkataon? Hindi ko talaga kakayanin.
BINABASA MO ANG
Lean on the Acrux
RomanceElysia Raelle Valteron doesn't like her sister's mother-in-law because of what she did to her sister and mainly because of her attitude pero paano na lang kapag na meet niya na si Chander Zale Fauenza na brother in law ng kanyang kapatid at namana a...