CHAPTER 9

16 4 0
                                    

Chapter 9: Small Dinner

"Again!"

"Pagod na ako, Winley."

Napailing nalang kaming dalawa ni Sophie.Yung Dalawa rin ni Kenzo at Bryce at pinag tatawanan yung Kaibigan nilang pinahihirapan ni Winley.

Sumasayaw kami ng ayos sya yung parang siraulo na iniiba yung step, Tapos na ang Practice at kami nalang yung naiwan dito'ng Anim dahil ipapractice daw ng Ayos ni Winley si Lance.

"Ayusin mo! Masasapak na kita!"Singgal sakanya ni Winley.

"Ayoko na! Pagod na ako."Reklamo nito.

"Pero kung asarin ako hindi ka pagod? kung ibalibag kaya kita?"

"Joke lang naman yun e."

"Kahit na! Big deal yun sakin."

"Sorry na."

"Walang sorry, sorry! Patas na tayo dito!"

"Sorry na hindi na kita aasarin, Promise."

"No! Again! Make it better!"

Wala naman ng nagawa si Lance kundi ang sumayaw nalang ulit, Bagsak rin ang balikad nya habang nag sasayaw sya kaya hindi kona din napigilan at natawa nadin ako.

Saglit akong nag paalam kay Sophie na pupunta sa Girl's Restroom, Gusto nya panga ako samahan pero tumanggi ako at sinabi na babalik rin agad.

Habang nag lalakad ako ay naramdaman kong may nakasunod sakin kaya naman pinakiramdaman ko ito.Alam kong may nakasunod talaga sakin, Pumasok ako sa Restroom pero hindi ko inilock ang Pintuan tapos pumasok ako sa Cubicle.Narinig ko naman na may pumasok kaya pinakinggan kopa ito,Tumingala ako at doon ko napansin ang isang Timba na aksidente kong nakita.Napabuntong hininga nalang ako dahil don.

Alam kong sina Kallaina na naman ito kaya mas mabilis pa sa Alaskwatro akong lumabas na Cubicle na ikinatigil nila.Tama nga ang Hinala ko, Si Kallaina na naman at ang Grupo nya.Nag Cross arm ako habang tinignan silang Tatlo.

"Ano nama'ng pakulo yan?"Tanong ko.

"Balita ko nagiging close na kayo ni Kenzo Babes ko? Talaga'ng nilalandi mo sya 'no?"Sabi nya.

"Hindi ko sya nilalandi, He's my Friend."Sabi ko.

"Friend? I can't believe you."

"Wala naman akong sinabi na maniwala ka."

"Friends ba talaga kayo? O palusot mo lang yan sa Kalandian mo?"Sabat ni Shaniah.

Irita ko naman syang nilingon.

"Hindi ako malandi, Okay? Kaibigan ko si Kenzo, Yun lang."Paliwanag ko.

"So, if you're Kenzo's Friend, Mailalakad mo ba ako sakanya?"

Nag lakad lang ako palapit sa Pintuan ng Restroom, binuksan ko ito at muling nilingon si Kallaina.

Nginisian ko sya.

"May paa ka naman, Bakit hindi ikaw yung maglakad papunta sakanya?"Sabi ko at tuluyan ng Lumabas.

Gezz! She's getting into my nerve! Malandi daw ako? Since when? Sa pag kakaalam ko wala nga akong Ex kahit na isa. NBSB ako! Siraulong Babae yon.Sinabi ng kaibigan ko lang si Kenzo e, Likot ng kokote hindi makaintindi.

Bumalik naman ako sa Field kung saan hindi kona nakikitang sumasayaw si Lance, Kumakain na sya ngayon kasama si Winley, Tapos ang wala naman ngayon ay si Sophie at Bryce, Lagi nalang mga Missing in Action.

Umupo ako sa ugat ng Malaking Puno tapos kinuha ko ang Lollipop sa Bulsa ng P.E pants ko at binaltan ito pag katapos ay isinubo.Nakita ko naman si Kenzo na papalapit sa Pwesto ko dala ang Pagkain.

Chasing My Love | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon