CHAPTER 29

10 2 0
                                    

Chapter 29: Love

Love is just a word not until you felt it, You having a Feelings or Hard Feelings for that person And what's even getting worse? Being in Love to that Person.

For me the Word Love is a Cursed.Sa twing nararamdaman kong mahal ako ng mga tao doon ko naiisip na hindi sila iwanan, na hindi sila biguin, na dapat ay manatili akong sakanila.But no, this is me, this is really me,
What i want i gets.

I'm the type of girl who doesn't believe in forever.As like of Love, Forever are just a word and for me, Forever doesn't really exist.Halos lahat naman sating mga tao ay humihiling ng Forever, Pero hindi naman nangyayari, Yung inakala mong Forever mo na, Hindi pa pala. It's because it depends on that person if she or he are contented to what they have, If they're contented they won't ask for more.

Pero kahit kontento ka naman kung talaga'ng hindi kayo ang para sa isa't isa, Talaga'ng hindi kayo at dapat ng palayain ang bawat isa.Parang nangyari samin ni Kenzo.May isang salita naman kami pero nauwi pa rin sa hiwalayan, O dapat ko bang sabihin na ako lang talaga ang Pumutol?

Hindi ko maintindihan, Hindi ko alam ang iisipin ko, Dapat hindi kona iniisip pa ang mga bagay na yon pero sa twing naaalala ko kung ano kami dati, Bigla nalang akong napapaisip kung paano kami umabot sa Punto na nawalan ng Komunikasyon sa Isa't isa.

Mahal ko sya, Minahal ko naman talaga sya pero hindi kona kinaya yung pag kawala nya at hindi nya pag paparamdam.Siguro, Siguro nga napagod na ako kahihintay sakanya ng mga Panahon na dumilim na yung Buhay ko.

Nagising ako sa pag-iisip, Iminulat ko ang mga mata ko at saglit na kumurap kurap.Nang luminaw ang paningin ko ay doon ko napagtanto na hindi ito ang Kwarto ko, Nasa ibang kwarto ako.Nanlalaki naman ang mata kong niyakap ang kumot, Tinignan ko ang suot kong damit at doon ako nagulantang ng makitang naka Suot ako ng Oversized T-shirt na kulay asul at panlalaki pa.

"Shit!" I curse.

Sinilip ko ang pang-ibaba kong bahagi, Nakahinga naman ako ng maluwag because i didn't feel something strange down there.Nanatili pa rin akong nakayakap sa kumot habang inililibot ang paningin sa kabuoan ng Kwarto.

"Where the hell i am?"

Napahawak naman ako sa ulo ko, Mainit pa rin ako hangga'ng ngayon baka hindi pa nawawala ang lagnat ko.Muli kong inalala ang ilan sa mga natatandaan ko bago ako napunta sa lugar na 'to.

Ang alam ko nasa Studio ako at may Interview, May tumatakbong pumasok sa Studio pero hangga'ng Pintuan lang sya.Bago ako mawalan ng Malay sinagot ko yung Tanong ng Interviewer tapos yun na, Wala na naman akong maalala.

Bakit ba nawawalan ako lagi ng malay kapag nakikita ko sya? Yung totoo may sumpa na ba ang lalaki'ng yon kaya nawawalan ako ng malay sa twing nandyan sya sa paligid?.

"I need to get out of here."

Tumayo ako sa kama at naglakad, Balak ko sana sa Banyo muna dahil gusto ko tignan ang Itsura ko.Kung dati wala akong pakielam sa mukha ko kapag bagong gising, Ngayon meron na dahil Artista ako, Baka mamaya nag kayat na pala yung Mascara ko nakakahiya naman muka akong Zombie.

Pinihit ko ang Doorknob at pumasok sa Loob ng Banyo dahil wala naman atang tao.Tahimik lang naman, Balak kona rin sana maligo kaso mukang walang damit dito, Tangina bakit nga ba nagawa ko pang mag banyo imbis na tumakbo paalis dito? Kung sabagay wala naman sigurong ginawang mali yung kung sino na nag dala sakin dito.

Humarap ako sa malaking salamin at nag hilamos.Pag angat ko ng tingin sa salamin ay halos manlamig ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.Kahit sya ay nagulat din.Mabilis akong napaharap sakanya at nanlalaki ang mata.

Chasing My Love | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon