Hi pre! @ShangleGem! :* At dahil napapaihi ako sa sobrang kilig kapag nikocompliment mo yung mga UD ko, this one's for you. Lovelots. xx--
IRIS
Naglalakad ako ngayon sa hallway nang may madaanan akong grupo ng mga kitikiting nagkukumpulan sa gitna ng daanan. Hindi ata napansinang presence ko kaya naman napaharap sila sakin at nataranta. Dapat lang.
"Ano tatayo nalang kayo dyan at tititngnan yung kagandahan na pinagkait sainyo?! Tabi!"
Dumaan ako sa gitna nila at naggive way naman sila. Imbyerna, sa gitna sa daanan pa magchichismisan.
"Siya ba talaga yan? Sure ka?"
"Grabe. Parang imposible naman ata yun? Manhater siya eh."
"Anong malay natin? International model si Ms. Iris--"
Napantig ang tenga ko nung narinig ko ang pangalan ko. Ang lakas ng loob pagusapan ako. Kung pagchichismisan nila ko, wag na wag silang magpapahuli sakin.
Tinakpan ng kaibigan niya yung bibig ng nagsasalita at mukang kinakabahan. Tinago naman ng isa sa likod niya yung newspaper na hawak niya. Lahat sila napatahimik at mukang kinakabahan.Naglakad ako pabalik sakanila with my cold, emotionless face. There. Guess what this expression means.
"CALLING THE ATTENTION OF MISS IRIS SARMIENTO, PLEASE PROCEED TO THE DEAN'S OFFICE NOW. AGAIN, MISS IRIS SARMIENTO, PLEASE PROCEED TO THE DEAN'S OFFICE NOW"
How nice, Mr. Dean. Gandang timing. Suswerte lang ng mga aswang na 'to at pinatawag ako kundi. Tss. Ayan, muka silang nabunutan ng tinik.
Inirapan ko nalang sila at dumiretso sa pesteng office na yan.
"Good Afternoon po." bati ko sa dean pagkapasok na pagkapasok ko sa office.
"Good Afternoon, Ms. Sarmiento. Take your seat. " he gestured towards the chair
I sat, "Bakit niyo po ako pinatawag?"
Nagbabasa siya ng I think isang student's file sa isang folder, "Ah, yes. I just want to personally tell you to tour a new student around the campus." Tumingin siya sakin atsaka inayos ang salamin niyng nasa dulo na ng nose bridge niya, "And since you're at the top of your class, sayo ko iaasssign ang pagtututor sakanya dahil namiss niya ang 2 months lessons niyo. Ayaw niyang magrepeat siya kaya so he needs to catch up. Don't worry, top student din siya sa dati niyang school so hindi ka mahihirapan."
I gave him a nod as an answer, "Who is he, then?" I asked.
Sasabihin na sana niya ang sagot kaya lang may kumatok, "Come in." Napatingin siya sa likuran ko kung nasan ang door, "Tamang tama. He's here."
Lumingon ako sa likod ko para makita yung itututor ko, "Oh, him." then I looked back at the Dean. Nanlaki ang mata ko ng naalala ko yung itsura ng lalaking kakakita ko lang a few seconds ago, "Ikaw?!"
BINABASA MO ANG
Twenty Nine Wills
Teen FictionTwenty Nine - that's the number of wills Iris wants to accomplish. Diagnosed with terminal disease, she is determined to complete the list before her time runs out. What she wants seems to be impossible until Gab, the total opposite of her blunt, re...